Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SI NINA AT ANG TROPANG GULAY

Si Nina ay isang matabang bata. Mahilig siyang kumain ng mga kendi at tsokolate. Hindi siya mahilig kumain ng mga gulay at masusustansiyang pagkain. Pawang karne lamang at mga pagkaing matataba ang nais niyang kainin. Isang araw ay nagkasakit si Nina at nagpatingin siya sa doktor kasama ang kanyang nanay. "Oh ayan!!! Alam mo Nina dapat mong iwasan ang sobrang pagkain ng tsokolate, kendi at mga tsitsirya. Ito ay magdudulot sa iyo ng sakit at lalo ka lamang tataba. Ang dapat mong kainin ay gulay, isda, prutas, itlog at mga masusustansiyang mga pagkain na magbibigay sa iyo ng lakas." ang wika ng nanay ni Nina. Ang mga ganitong usapan ay di na pinapansin ni Nina. Maging sa kanilang bahay ay ganito rin ang naririrnig sa kanyang nanay at tatay. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nagbabago si Nina. Nang siya ay gumaling ay patuloy pa rin siya sa pagkain. Sa loob ng isang araw ay nauubos niya ang isang buong lechong manok na paborito niyang ulam. Nakakaubos rin siya ng isang kahong tsokolate at mga tsitsirya ang sarap sarap talaga ng paborito kong tsokolate at chiz curls, mas gusto ko tong kainin kasya sa mga lutong ulam na gulay ni nanay, kadiri kayang kainin un Pigilan man siya ay gumagawa siya ng paraan upang makuha ang kanyang nais kainin. Palibhasa ay mayroon silang sariling karinderya at maliit na tindahan kaya't nangungupit si Tommy kapag wala ang kanyang ina. Isang araw ay muling kumain nang busog na busog si Nina. Dahil sa labis na kabusugan ay inantok si Nina at natulog. Sa panaghinip nia ay napunta siya sa isang kaharian ng mga gulay nasaan ako wika ni Nina Hi Nina, kamusta ka?! Andito ka ngayon sa kaharian ng mga gulay wika ng kulay berdeng gulay na si Alice Ampalaya huh?! Sino ka? siya si Alice Ampalaya at ako naman si Kari Kalabasa mga nagsasalitang gulay?! Ang weird?!.... tsaka lumayo nga kayo sa akin, allergic ako sa inyo sagot ni Nina sus!!! Kung makapagsalita akala mo kung sino, kung ayaw mo sa amin, ayaw din namin sayo sabat ni Tommy Talong wah!!! Behave ka lang dyan Tommy, dapat maging mabait tayo sa kanya sabi ni Alice Ampalaya Nina: talaga, ayaw ko sainyo!!! Makaalis na nga!!!

pero lagi lang kaming andito kung sakaling kailanganin mo ng tulong tawagin mo lang kami----- ANG TROPANG GULAY Umalis si Nina sa kaharian ng mga gulay nagpalinga linga siya naglakad lakad punta dito, punta doon hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar na napakaganda may mga magagandang ilaw at tugtuging masasaya at nakakaindak wow!!!! Ang ganda naman dito!!! Ang saya pa ng mga tugtugin!!! wika ni Nina hey you!!!!! Wazzuppp mehn sabi ni Joko Latte Nina: at sino ka naman?! Joko Latte: you dont know me?!, diba ako ang paborito mong pagkain, ako si Joko Latte Nina: woah!!!!!!!!!!!!! Chit Curls: hello!!! Ako naman si Chit Curls!!! Coco Cola: tama na yang daldalan!!! Tara nat maglaro!!!!! Hi Nina, ako pala si Coco Cola Naglaro sila ng nagalaro, naghabulan ng naghabulan, takbo dito, takbo doon, hanggang sa.. Nina: hmmmmmmm weyt lang!!! taym-pers lang Coco Cola: Bakit?! Anung nangyari sayo?! Nina: nanghihina ako!!! Pagod na pagod, uhaw na uhaw tapos nagugutom pa ako Coco Cola: Halika!!! Pawiin natin ang uhaw mo Hinawakan ni Coco Cola ang lalamunan ni Nina ngunit hindi napawi ang uhaw nito lalo lang ito nauhaw ng husto hinipan ni Chit Curls ang mga sugat ni Nina ngunit wala din siyang nagawa dito kulay dilaw lang na alikabok ang lumalabas mula sa kanyang bibig gusto man pawiin ni Joko Latte ang gutom ni Nina ngunit alam niyang pansamantalang lakas lang ang maibibigay niya dito Malapit ng mawalan ng pag-asa si Nina ng bigla siyang makaisip ng BRIGHT IDEA!!!!! TSSSSSSSSSSSSSSSSINNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!! Nina: kaylangan ko kayo mga TROPANG GULAY!!!!!! Wala pa halos limang minute ay dumating ang Tropang Gulay upang tulungan si Nina halika!!! Tutulungan kitang mapawi yang pagka putla mo sabi ni Alice Ampalaya ok!!!! Kahit na labag sa loob ko!!! Eh waley akong magagawa!!! Ayan tutulungan ko na si Alice na bumalik na ulit ang lakas mo wika ni Tommy Talong na nagkukunwaring matigas ang ulo ngunit matulingin naman Kari Kalabasa: hahaplusin ko ang iyong mga mata upang luminaw ang mga ito Tila ba parang Magic na sa isang iglap lang lumakas na ulit si Nina

nahihiya naman ako sainyo!!! Kasi ang suplada ko sa inyo tapos ini-isnob ko pa kayo, pero kayo pa yung tumulong sa akin sabi ni Nina sus!! Wala yun, isang karangalan mapaglingkuran ka naming wika ni Alice Ampalaya Tommy Talong: alam mo Nina!!! Hindi naman masamang kumain ng mg tsitsirya, tsokolate at mga kendi, basta konti konti at minsan minsan lang Nina: oo nga eh!!! Ngayon alam ko na ang kahalagahan ng pagkain ng gulay, Sorry ulit Tropang Gulay!!! At Salamat na din Kari Kalabasa: your welcome Nina Nina!!! Gising na!!! kakain na wika ng nanay niya habang ginigising si Nina Nay, busog pa po ako wika ni Nina Anak!!! Umaga na kaya, kahapon ka pa huling kumain sagot ng Nanay ni Nina Nina: opo nga pala!!! Ano pong niluto niyo?! Nanay: Nagluto ako ng Pinakbet Nina: ayun po ba yung may, kalabasa, talong at ampalaya!? Nanay: oo anak yun nga!!! Nina: yehey!!!!!! Sige po nay!!! Susunod na ako sa baba pagkatapos ko maligo at magbihis Nanay: nagulat sa narinig talaga anak!!! Kakain ka na ng gulay!? Nina: opo naman nay!!! Di po ba, masustansya po ang mga gulay?! Kaya kakain na ako Simula noon ay kumakain na si Nina ng gulay, isda, prutas at masusustansiyang mga pagkain. Iniiwasan na niya ang mga softdrinks, tsitsirya at tsokolate. Kumakain pa rin siya ng mga paborito niyang mga pagkain subalit paminsan-minsan na lamang. Masayang masaya ang nanay ni Nina sa pagbabago ng kanyang pinakamamahal na anak. Si Nina ay patuloy na nagbago sa kanyang ugali sa pagkain.

You might also like