Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Alamat Ng Lalakeng Torpe

(Sinulat na alamat ni: Eduard Militante)

Noong unang panahon, mayroong isang lalakeng nagngangalang Kelvin Torpe. Isa siyang kinse anyos na lalakeng mahiyain na nakatira sa lungsod ng Thai Nun Neo Poh. Malaki ang kanyang respeto para sa mga kababaihan at pati na rin sa kapwa niyang lalake. Takot siyang gumawa nang mga bagay na alam niyang makakasama sa kanyang mga kapwa. Mahinahon siya mag salita at marunong siyang pumili ng kanyang salitang sinasabi. Isang araw, naglalakad si Kevin sa may isang dormitoryo na ang naninirahan rito ay mga babae lamang. Gusto niyang makipagkaibigan ngunit hindi siya makatingin dahil sa sobrang ganda ng mga dalaga na naging dahilan ng kanyang pag subsob sa aspalto. Nang natauhan na siya at nais nang bumangon, tinulungan siya ng isang dalagang maka-diyosa ang kutis, may liwanag ng araw, at may isang mahalimuyak na amoy. Nagpakilala siya sa binata bilang si Kristina. Nag usap-usap sila at nagkakilala ng kaunti. Nalaman ni Kelvin na si Kristina ay kasing edad niya, nag-aaral sa eskwelahang pinapasukan niya rin at nakatira siya sa tapat ng bahay nila. Inabutan na sila ng tanghali roon sa parke. Kailangan nang umuwi ni Kristina dahil medyo madilim na at meron pa siyang asignaturang gagawain para sa Lunes. Ihinatid ni Kelvin si Kristina sa kanyang bahay at nag paalam. Nang nakauwi na si Kelvin, laking tuwa ang kanyang naramdaman. Hindi niya ito masabi pero ang sarap ng kanyang pakiramdam nung nakasama niya si Kristina. Nagtatanto sa kanyang isipan kung itoy tuwa dahil may kaibigan siya o dahil ang kanyang nararamdaman para sa dalaga ay pag-ibig na. Nakita ng kanyang magulang ang tuwa sa mukha ni Kelvin at nag tataka kung bakit. Alam ni Kelvin na hindi siya pe-pwedeng makipagusap sa mga kababaihan tungkol sa kanyang nararamdaman sa kanila. Inobserbahan nila ang kilos ng kanilang binatang anak at nag hihintay nang pagkakataon. Pagkataon na sisira sa buhay ni Kelvin magpakailanman. Dumaan ang mga linggo at buwan na kausap at kasama niya si Kristina. Siya na ang naging sentro ng mundo ni Kelvin, siya ang naging inspirasyon at dahil doon biglaang tumaas ang kanyang mga marka at palagi na siyang nakikitang masaya. Isang hapon

pagkatapos ng pasok nila, nagtatanong-tanong si Kelvin sa kanyang mga lalakeng kaibigan kung paano mag suot ng tama, kung ano ang magandang regalo na pwedeng ibigay at kung ano ang mga kagustuhan ng mga babae. Wala ito sa kaalaman ni Kelvin dahil ngayon lang siya nakaranas nang ganito. Darating na ang araw na ibig suyuin ni Kelvin si Kristina. Plano ng binata na gawain ito ng ika-31 ng Hulyo, kaarawan ng dalagang matagal niyang kaibig-ibig. Gumising si Kelvin ng may ngiti at pormang porma ang itchura. Nalaman ng magulang nag aspirasyon ng binata at pinainom ng gatas na may gamot, gamot na mag-aalis sa konpidesya upang sabihin ang tunay na nararamdaman. Nilagok ito ng binata na parang uhaw na uhaw at inubos hanggang sa pinakahuling patak nito. Ngayon, nakarating na sa bahay ng dalaga si Kelvin. Mayroong kaunting celebrasyon at munting kainan sapat para sa anim o sampung tao. Naroon ang mga kapatid, magulang, tita at pinsan ni Kristina. Sinabi ng dalaga na espesyal ang pagpunta ng binata sa kanyang kaarawan. Pagkatapos ng kainan at kasiyahan, may nais na sabihin si Kelvin sa dalaga sa harap ng kanyang mga kapamilya. Bago pa nito masabi ang kanyang nararamdaman, tumalab ang gamot at naramdaman muli ni Kelvin ang pangingig at hiya na dati niyang nararamdaman bago niya makilala si Kristina. Hindi niya masabi ang mga salitang mahal kita dahil ang kanyang mga pangungusap at salitang nilalabas ay nahahaluan ng kaba at takot. Pumasok sa kanyang isipan ang mga masasamang pangyayari na maaring mangyari kapag sinabi niya ang tunay na raramdaman. Naiwan sa hangin si Kristina. Conserbatibo ang dalaga kayat hindi niya masasabi agad agad na mahal nga siya ni Kelvin. Ngunit, hindi lamang si Kelvin ang nasa kaarawan ng binata. Naroon din ang isang binatang medyo may itchura at halatang mayaman ang pamilya niya. Siya raw si Sebastian, kaibigan ni Kristina na ipinakilala sa kanya ng pinsan niyang si Erika. Nang pumunta sa sulok si Kelvin, nakita niyang sumuyo si Sebastian. Kahit na masakit sa damdamin ni Kristina, sinagot niya ang binata. Umuwi nang malungkot si Kelvin at hinayaan ang dalawang magkasintahan sa kaarawan ng dalagang ibig niyang mahalin hanggang sa katapusan.

Kinabukasan, nawala na ang bisa ng gamot na nasa gatas. Nasira na ang mga aspirasyon at mga adhikain ng binata na magmahal pa ng babae na hindi hihigit sa kagandahan at kabutihan ng loob na kagaya ni Kristina. Dahil sa dalagang iyon, nagbago ang lahat para sa kanya. Pumunta siya sa bahay ni Kristina upang magpasalamat sa lahat kahit hindi niya nasabi ang kanyang nararamdaman. Nagpaliwanag ang binata kung bakit hindi niya masabi. Nagkaroon ng mainit na usapin. Bakit hindi mo masabi na mahal moko Kelvin? Tapos ngayon pupunta ka sakin kung kailan tapos na ang lahat? sigaw ni Kristina. Gusto ko sabihin, pero hindi ko masabi. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako. Hindi ko alam bakit ganito pa, sa lahat ng pagkakataon bakit noon pa sagot ni Kelvin. Nung nakilala kita, ikaw ang tanging tumulong sakin tumayo...ikaw ang tanging nakausap ko...ikaw ang tanging babae na nakaibigan ko sa buong buhay ko. nangingiyak-ngiyak na sagot ni Kelvin. Ngunit Kelvin, huli na ang lahat. Naunahan ka na ni Sebastian. Hindi mo ba nakikita? balik ni Kristina. Hind na makasagot ang binata. Mahina ang kanyang puso sa mga ganitong usapin. Aalis na lang ako Kristina. Salamat na lang sa lahat. wika ni Kelvin bago umalis sa bahay ni Kristina. Nang nasa labas na siya ng pintuan, narinig niya ang mga hiyaw ng mga mababatang kapatid ni Kristina. Basta pag Torpe, mahiyain hiyaw ng mga bata habang inuulit ang nangyari kahapon. Torpe! Torpe! Binatang Torpe ay mahiyain~. Tumanim sa utak ni Kelvin ang mga kanta at salita ng mga bata. Kumalat ang balita sa eskwela tungkol sa pag tangka ng pagpropesya ng pag-ibig sa dalaga. Pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase. Hindi na niya kinaya ang mga pangyayari pa. Binawi niya ang kanyang buhay matapos tumalon sa pinakatuktok ng cell tower sa kanilang lungsod. Binalita ang pagkasawi ng binata. Nakalatag sa mga diyaryo, BINATANG TORPE, NAGPAKATAY! Hindi masisi ni Kelvin kay Kristina ang mga pangyayari at hindi rin niya masisi sa lahat ang kanyang pag bigo. Lumipas ang mga taon, ang salitang torpe sa Thai Nun Neo Poh ay naging salitang pantawag sa mga lalakeng hindi masabi ang tunay nararamdaman dahil nahihiya, natatakot masabihan ng hindi, at nahihirapang masabi ang tunay na laman ng puso. Kumalat ang ibig sabihin ng salitang torpe sa buong mundo. Naging natural

na ang salitang torpe sa ating lipunan ngayon. Nabaon na sa limot ang storya ni Kelvin Torpe sa lahat ng ibang tao ngunit ito ay tatak parin sa utak ng dalagang si Kristina. Ito ang alamat ng lalakeng torpe.

You might also like