Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Notre Dame of Marbel University NDMU IBED Elementary Department

Banghay Aralin sa Filipino 5 I. Layunin Pagkatapos ng leksyon, ang mga mag aaral ay inaasahang: A. nakikilala at natutukoy ang Panghalip na Pamatlig; B. napahahalagahan ang mga tao o bagay na sumasagisag sa ating bansa; at C. nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap gamit ang mga halimbawa ng panghalip na pamatlig. Paksang Aralin: - Panghalip na Pamatlig Sanggunian: Kagamitan: Power point presentation, tsart , larawan Filipino : Wika sa Ating Panahon 4 pp. 142 146; Gintong Sinag 6 pp.77 80 Hiyas sa Wika 5 pp. 66 -68

II.

Pagpapahalaga: - Kahalagahan ng mga sagisag na kumikilala sa pagka-Pilipino Pamamaraan: Guro Mag aaral A. Nakasanayang Gawain: Pagdarasal, pag-tsek ng attendance, (pakikinig at pagsunod sa guro) pagsasa-ayos ng mga upuan,pagbati at pagbibigay tuntunin sa klase. B. Balik Aral: Ano ang tinalakay ninyo noong nakaraang leksyon? Ang tinalakay noong nakaraang leksyon ay tungkol sa panghalip panao, kung saan ang panghalip panao ay humahalili sa ngalan ng tao. Halimbawa ako, kayo, tayo

III.

Magaling!

C. Pangganyak: Sino sa inyo ang makapagbibigay ng ngalan ng mga bagay, tao, at iba pa na sumisimbolo sa sagisag ng ating bansa o mas kilala sa tawag na pambansang bayani, hayop at iba pa? Mahalaga ba ang mga ito sa atin? Salamat! Pagpapakita ng larawan: Sa larawang ipapakita pansinin ang mga diyalogong nasa larawan at alamin kung anu-anong sagisag ng bansa ang nakita sa larawan. Naunawaan ba ako?

(pagtaas ng kamay at pagbibigay ng mga kasagutan)

Pagtaas ng kamay ng mga mag-aaral

Opo! (pagpapakita ng larawan at pagpapansin sa mga diyalogo na nasa larawan)

Okay, Ano ang nakita at nabasa ninyo na sumisimbolo sa sagisag ng ating bansa? Tumpak! Ngayon, Sino sa inyo ang makapagbasa ng ating layunin? Salamat! D. Paglalahad Ngayon, Sino sa inyo ang makapagtukuy ng mga salita o kataga na ginamit sa pagtuturo ng mga sagisag ng ating bansa? Very Good! Ano naman sa tingin ninyo ang ating pag-aaralan basi sa mga katagang ginagamit sa pagtuturo sa sagisag ng bansa? Tumpak! Ano naman ang ibig sabihin ng Panghalip na Pamatlig? Magaling! Ang mga katagang hayun, iyon, ito, at iyan ang mga halimbawa ng panghalip na pamatlig.

Ang nakita at nabasa ko na sumisimbolo sa sagisag ng bansa ay kalabaw,sampagita, barong Pilipino,at barot saya.

Pagtaas ng kamay at pagbasa ng layunin

ang katagang ginamit sa pagtuturo sa sagisag ng bansa ay ang mga sumusunod hayun, iyon, ito, at iyan.

Panghalip na Pamatlig Ang Panghalip na Pamatlig ay ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari na nagtuturo sa layo o distansiya .

Sino naman sa inyo ang makapagbibigay ng karagdagang halimbawa ng panghalip na pamatlig? Magaling at marami pang iba! Ang panghalip na pamatlig ay may tatlong panauhan. Sino ang makapagbibigay ng tatlong panauhan ng panghalip na pamatlig? Very Good! Upang mas maunawaan ang panauhan ng panghalip na pamatlig, tingnan ang tsart na ipapakita ko. Kung saan ang gamit ng unang
pauhan ay nagtuturo ng kinaroroonan ng mga pangngalang malapit sa nagsasalita. Ikalawang panauhan ay nagtuturo ng mga pangngalang malapit sa kinakausap. At ang ikatlong panauhan ay nagtuturo ng kinaroroonan ng mga pangngalang malayo sa naguusap.(pagbibigay halimbawa)

(5 hanggang 7 mag-aaral ang magbibigay ng halimbawa)

Ang tatlong panauhan ng panghalip na pamatlig ay una, ikalawa, at ikatlong panauhan.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng panghalip na pamatlig at tukuyin ang panauhan nito ? Magaling at maraming salamat! Naunawaan ba? May mga katanungan pa ba kayo? E. Paglalahat: Ano nga ang Panghalip na Pamatlig at mga panauhan nito?

Pagtaas ng mga kamay(5 hanggang 7 halimbawa)

Opo Wala na po

Magaling! At ang mga diyalogo na may salitang may panghalip na pamatlig ay mga halimbawa din ng panghalip na pamatlig.
Mapapansin din sa larawan na ipinakita sa inyo

Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit sa pagtuturo ng isang tao, pook, hayop, bagay, o pangyayari na nagtuturo sa layo o distansiya. Ito ay may tatlong panauhan una, ikalawa, at ikatlong panauhan.

kung paano gamitin ang panauhan ng panghalip na pamatlig. Naunawaan na ba?

Opo!

F. Paglalapat: May ipapakita akong mga larawan na may pangungusap na nagsisilbing diyalogo nito. Basi sa diyalogong ito tukuyin kung anong panauhan ang bawat pangungusap na may numero. (Number Heads Strategy) Diyalogo sa kulay pula: 1. Diyan ilagay ang kasangkapan. 2. Ang kasangkapan na ito ay hindi ko kilala. Diyalogo sa kulay puti: 1. Doon kami nakatira. 2. Ang bahay na iyon ay matanda na. Diyalogo sa kulay dilaw: 1. Iyan ang iyong silid. 2. Ito ba ang aking silid? Diyalogo sa kulay asul: 1. Ganito ang aklat na hinahanap ko. 2. Iyan ang hinahanap ko. Magiling at naisagot ninyo ng tama. May katanungan pa ba kayo?

Pagsagot ng maswerting mag-aaral sa pag bilang at pagtukoy sa panauhan ng panghalip na pamatlig.

Wala na po!

IV.

Pagtataya: Kumuha ng kapat na bahagi na papel(1/4). Tukuyin sa pangungusap ang panghalip na pamatlig at tukuyin din ang panauhan(una, ikalawa, o ikatlo) . Sagot na lamang ang isulat sa kapat na bahagi ng papel.(10points) 1. 2. 3. 4. 5. Iyon ang nais kong bilhing damit. Hindi ganyan ang tamang paggamit ng traktora. Kaninong anak ang batang ire? Heto pala sina Lola at Lolo. Hayun naman ang aming lupain.

V.

Takdang Aralin: Isulat ang sagot sa isang pahalang na kalahating papel. Sagutin ng mabuti ang katanungan.(10points) 1. Dapat bang ipagmalaki ng mga Pilipino ang pambansang sagisag na mayroon tayo? Bakit?( Gumamit ng tatlo o higit pa na salita na panghalip na pamatlig sa inyong mga sagot)

Inahanda ni: Lowel D. Pasinag

Final demo: St. Jude -Year 5 NDMU-IBED

September 12, 2012

You might also like