Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

DR. JOSE RIZAL Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pagunlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

OCEAN ADVENTURE Location: Camayan Wharf, West Alanin Forest Area, Subic Bay Freeport Zone, which use to be a US Naval base. It is roughly 100 kilometres from Manila and on average would be a 3 hour drive, however depending on traffic it could take up to 4 hours. Ocean Adventure Subic Bay is the first Southeast Asias only open water Marine Park. Here our animals live and play in a natural setting of clear water swarming with marine life, coral reefs, and a lovely white sand beach. Experience an encounter with whales, and sea lions, and a host of fish and sea creatures in a selection of exciting and cherished ways. Ocean Adventure is an all-weather park. It has covered walkways, sheltered stadiums, and indoor facilities that will insure their guests will have a comfortable experience, in sunshine or in rain. The three main parts to the Subic Ocean Adventure Park are the Sea Lion Show, Whale Presentation and Discovery Aquarium. Subic Ocean Adventure Floating Habitat: The Ocean Adventure Park is fairly proud of being environmentally friendly and try to encourage and teach conservation to all who come. The materials the marine park used: 65,000 ft (6,000m2) Tensar which is a tough, lightweight plastic mesh used on hillsides to prevent mud or rock slides. This is used as the pen and fencing materials. The fence and pen are sewn together with 90,000 feet (27,500m) of a tough UV-resistant nylon line called Tuna-Cord. 1,100 ft (335m) of an oil slick retention boom-line, called Aquaguard, it is the same system used to contain oil spills. It protects the animals from surface scum and pollutants. The pens and habitat are moored. They use over 150 tons (136,500kg) of recycled concrete, telephone poles and concrete batch sample plugs that are all used to hold everything in place. Over 3,000 ft (950m) of nylon line is used as moorings. 300 key-lock floats, made of a light weight polyurethane material and held together by hourglass shaped key-locks, make up the walkways. 825 ft (250m) of heavy gauge 2" PVC piping make up the blue fence posts. 1,200 ft (365m) heavy gauge 6" PVC, stiffens the walkway systems.

Subic Ocean Adventure Sea Lion Show: As you walk into the Ocean Adventure Park you will face the water. If you walk to the left you will come to the Seals, to the right are the False Killer Whales and Dolphins. They are kept and either end of the marine park. The sea lions are actually South American Sea Lions and they do a show in the Nautilus Theatre. The show is real fun and enjoyable to all, there is an underlying message of how to take care of the environment. Now if you want to have your photo taken with one of the Sea Lions, well you can, you can shake it's fin or receive a big fishy kiss. Lots of fun for everyone. Subic Ocean Adventure Whale Presentation: The highlight of the day since you can view the Whale Presentation from the El Capitan Stadium, which is named after a shipwreck just outside the marine park. The two False Killer Whales are named Pounder and Tonker and put on a mighty show for all to see, diving out of the water and towing and hurling there trainers out of the water. The show is conducted with an educational slant hoping that the guests may pick up something and use it in a way that may help the environment. You can swim with them or even scuba dive with them but it will cost you extra. You will get to touch and be towed by the False Killer Whales and there is always a photographer ready to take your happy snaps, which you can pick up on your way out with their corresponding prices. Subic Ocean Adventure Discovery Aquarium: The Discovery Aquarium is a walk through building with numerous aquariums built into the walls. Each aquarium houses different diversities of marine and fresh water creatures; from the coral reefs through to the mangroves each ecosystem has its unique variety of fish. From the Discovery Aquarium, you can really see the difference in colors between the marine or saltwater fish and the fresh water cousins, the marine are very dazzling and colorful. Entrance FEE : Adult: 450 pesos; Kids (12 years under): 370 pesos Inclusive of entrance to the Ocean Adventure, Sea Lion Show and the Whale Presentation. If you want to get up close and personal with the False Killer Whales, Pounder and Tonker, it will cost you extra, more on that in a minute. OCEAN ADVENTURE ACTIVITIES : Whale and Dolphin Show Sea Lion Marine Patrol Show Ocean Discovery Acquarium Sea Lion Training Center Positive Reinforcement Training Wildlife in Need Animal Rescue Center Dolphin Lagoon Animal Photo Opportunities Swim with the Whales Wade with our Whales and Dolphins Dive with the Whales for Certified Divers

APOLINARIO MABINI Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nagaral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo". Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

ANDRES BONIFACIO Si Andrs Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, may angkin siyang talino at marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila. Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay. Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director). Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrs Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dating rebelde at isang lalaking nagpakilala bilang dating kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawayan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga labi sa huling pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila ng 1945.

EMILIO AGUINALDO Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pagaalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

GRACIANO LOPEZ JAENA Si Graciano Lpez Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Butod. Butod ang salitang Hiligaynon para sa kabag at katumbas din ito ng balbal na tabatsoy. Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 18, 1856. Ang ina niya, si Mara Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Plcido Lpez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano. Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita. Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.

Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao. Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga prayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaa, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Espaol na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na natural ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa Espaa. Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.

MARIANO PONCE Si Mariano Ponce (Marso 23, 1863-Mayo 23, 1918) ay isang Pilipinong manggagamot na naging pinuno ng Kilusang Propaganda na hinimok ang mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa mga Kastila noong 1896. Siya ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Ponce at Maria delos Santos. Siya ay nag-aral ng Elementarya sa Baliwag at nagtapos ng haiskul sa isang pribadong paaralan. Sa Colegio de San Juan de Letran siya nagtapos ng Bachiller en Artes. Nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nakilala siya bilang propagandista, manunulat, manggagamot at tanyag na repormista sa panahon ng propaganda. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Solidaridad at aktibong kasapi ng Asosacion Hispano-Filipino. Noong panahon ng Propaganda, gumamit siya ng sagisag na Tikbalang, Nanding at Kalipulako sa kanyang pagsusulat. Kilala siya bilang aktibong \ mananaliksik ng mga propagandista. Naglakbay siya sa iba't ibang Lugar tulad ng Canton, Hong Kong at Handow. Sa Hong Kong niya nakilala si Heneral Emilio Aguinaldo at sa Indo-China at Shanghai naman niya nakilala ang nagtatag at ang unang Pangulo ng Republika ng China na si Dr. Sun Yat Sen. Noong 1898 nang ipadala siya sa bansang Hapon

upang makipag-ugnayan sa mga opisyales ng pamahalaan doon. Doon niya napangasawa si Akiyo Undangawa. Nagkaroon sila ng apat na anak. Naglingkod siya bilang isang mambabatas sa Pambansang Asemblea, at kinatawan ng ikalawang distrito ng Bulacan. Bilang manunulat, siya ay nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila, Tagalog at Ingles. Bilang tagapag-ambag sa Panitikang Pilipino, mula sa kanyang panulat ang Ang Alamat ng Bulacan, isang katipunan ng mga alamat; Mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan; Ang Pagpugot kay Longhinos, isang dulang itinanghal sa Liwasang Bayan ng Malolos; Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda; Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol sa Pilipinas, at marami pang iba. Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa Hong Kong noong Mayo 23, 1918.

MARCELO H. DEL PILAR Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina. Isinulat din niya ang Dasalan at Tuksuhan na tumitira sa mga mapang-abusong prayle. Isinilang si Marcelo H. del Pilar sa isang nayon sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang magasawang sina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doa Blasa Gatmaitan. "Hilario" ang dating apelyido ng pamilya ngunit, dahil sa kautusang alinsunod kay Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849, ay idinikit ang "del Pilar" upang mapangalagaan ang kanilang pamilya sa mga kastila. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tuksuhan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina. Nakipag tulungan si Marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban.

Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni Jos Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo. Katulad ni Andres Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa rin niya na magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 45.

MELCHORA AQUINO Si Melchora Aquino (kapanganakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896. Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal. Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)

LAPU-LAPU Si Lapu-Lapu ay isang datu sa isla ng Maktan. Nang dumating si Fernando de Magallanes para basbasan ang mga tribu ng Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu at nakipaglaban sa kanila. Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok. Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulla, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng Abril 26, 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan.Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapu-lapu nuon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya tuluyang pinatay ng mga sakop ni Lapu-lapu. Siya ay namatay dahil sa dalawang Kalabaw sa Batanggas, nang siya'y inimbita ng hari ng Estanza. Nang siya ay naghihintay sa kaibigan nyang nagsasaka, bigla siyang sinugod ng dalawang kalabaw at nawalan ng malay pagkatapos. Walang nakatiyak ng kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa dayuhan ay isang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas at sirkunabigayson ng daigdig.

DIEGO SILANG Si DIEGO SILANG ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos. Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni ---, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista. Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal. Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan. Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang. Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito. Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos. Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan. Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban.

You might also like