Task Force Anti-APECO - Lakad Katarungan, Lakad Matuwid Na Daan - March Declaration (December 18, 2012)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

THE CASIGURAN MARCH FOR JUSTICE

LAKAD KATARUNGAN. LAKAD MATUWID NA DAAN. Sa matuwid na daan, ang pangako ay tinutupad at di tinatalikuran. Aming napagtagumpayan at panghahawakan, ang mga sumusunod na pangakong binitawan ng Pangulong Benigno Aquino III, at mga miyembro ng kanyang gabinete:
1. Review o pagbabalik-aral ng NEDA ng proyektong APECO sa loob ng isang linggo hanggang 2 buwan, kasama ang mga kinatawan ng Casiguran marchers; 2. Pagkakaloob ng CADT para sa San Ildefonso Peninsula na sumasaklaw sa 11,900 ektarya ng lupaing ninuno ng mga Agta-Dumagat, sa pangunguna ni NCIP Chair Brigida Zenaida Pawid; 3. Renewal ng ISF contracts na sumasaklaw sa 288 ektarya, sa sunod na 25 taon, ay sisiguraduhin ng pamunuan ng DENR, sa pangunguna ni Sec. Ramon Paje; 4. Ang karapatang mangisda sa Look ng Casiguran, at pagtatalaga ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mga maliliit na mangingisda ng Casiguran, ay sisiguraduhin ng BFAR, sa pamamagitan ni Direktor Asis Perez; 5. Pagkompirma ng DAR, sa pamamagitan ng mga salitang binitiwan ni Sec. Gil de los Reyes, at sinusugan ni Usec. Antonio Parungao, na ang lupang sakahan at patubig ay di kailanman maaaring i-convert sa ibang gamit, alinsunod sa batas na CARPER; at anumang pagtatangka na palitan ang kasalukuyang paggamit ay ituturing na paglabag sa batas at may karampatang parusa;

Tangan din namin ang maraming karanasan at aral ng aming paglalakbay. Kasama nito, ngayon ay taglay namin ang mas ibayong pagkakaisa at mas malawak na ugnayan sa ibat ibang sector na sa amiy nakiisa. Di pa tapos ang laban. Kami ay babalik at aangkinin ang katuparan ng mga pangakong ito sa madali at tamang panahon.
Mga Magsasaka, Mangingisda, at Katutubong Agta-Dumagat ng Casiguran Task Force Anti-APECO (TFAA) Ika-18 Disyembre 2012

You might also like