Unang Pagbasa Job 38

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Unang Pagbasa Job 38: 1.

12-21; 40: 3-5 Pagbasa sa aklat ni Job Ang Panginoon ay tumugon buhat sa unos at nagsabi kay Job: Sa tanang buhay mo bay napag-utusan mo ang umaga at naituro sa bukang liwayway ang kanyang dako? Upang hawakan ang mga dulo ng lupa at pagpagin sa ibabaw nito ang masasama? Nagbabago ang lupa gaya ng putikna tinatapakan at tinitinang waring isang damit. Sa masasamay ipinagkakait ang liwanag, at winawasak ang bisig na palalo. Narating mo na ba ang mga bukal ng dagat at nilakad mo na ang pusod ng malalaking kalaliman? Ipinakita na ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan, at nakita mo na ba ang mga bantay sa pintuan ng kadiliman? Naunawaan mo na ba ang luwang ng lupa? Sabihin mo sa akin, kung alam mo ang lahat ng ito. Alin ba ang daang patungo sa kinaroroonan ng liwanag, at saan ang tirahan ng kadiliman upang maihatid mo sila sa kanilang mga hangganan at palakarin sa kanilang mga tirahan. Dapat mong malaman ito, pagkat una kang sumilang sa kanila, at totoong malaki ang bilang ng iyong mga taon! Ang may nais pumuna sa Diyos ay sumagot! Nang magkagayon ay sumagot si Job sa Panginoon na ang wika: Narito ako na walang kakabu-kabuluhan, anong maisasagot ko sa iyo? Tatakpan ko ng kamay ang aking bibig. Minsan akong nagsalita, di na mauulit, kahit na makalawa, di na ako magsasalita. Ang Salita ng Diyos.

Salmo Responsorio: Patnubayan mo ako, Panginoon, sa buhay na walang hanggan.

Panginoon, akoy sinusuri mot nakikilala, nalalaman mo ang lahat kong ginagawa.

Nababatid mo ang aking mga pag-iisip mula pa sa malayo. Sinasaliksik mo ang aking paglalakbay at pamamahinga, nalalaman mo ang lahat ng aking mga daan.

Saan ako tutungo nang makalayo sa inyong espiritu? Saan ako tatakas nang makatagpo sa iyong harapan? Pumaroon man ako sa langit, naroon ka; bumaba man ako sa tirahan ng mga patay, naroon ka.

Kunin ko man ang mga pakpak ng bukang liwayway, lumagan man ako sa kadulu-duluhan ng lupa, naroon din ang kamay mong namamatnubay, ang kanang kamay mong humahawak sa akin.

Sapagkat ikaw ang may gawa ng aking kaloob-looban, ang humabi sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Akoy nagpupuri dahil sa kahanga-hanga mong pagkagawa sa akin; kagila-gilalas ang iyong mga gawa.

Alelluya: Huwag kayong sumuway sa Panginoon, kapag narinig ninyo ang kanyang tawag.

Ebanghelio: Lukas 10: 13-16

Panalangin ng Bayan; Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin. Panginoon, buksan mo ang aming mga puso.

You might also like