Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pakatantuin ninyo, o mga ikakasal ngayon, na kayoy magkakamit nitong Matrimonyo, na linalang ng Panginoong Diyos doon sa Paraiso at kinasihan

ni Jesucristo ng lubos na biyaya at ginawang isa sa pitong Sakramento ng Santa Iglesia. Ang tumatanggap ng Sakramentong ito, kung nasa grasya ng Diyos ay nagkakamit ng bagong biyaya at saklolo niya sa ikatutupad ng mag-asawa sa tanang katungkulan nila at ikapagtitiis ng anumang karalitaang dumarating sa isat isa. Nang kayo ngay maka-alinsunod sa tanang katungkulan ng mag-asawa, ay inyong pakatalastasin ang dapat pag-ukulan ng pagsasama ninyo sa buhay na ito: kaya tandaang magaling itong tatlong bagay na aking sasabihin: Ang unang-una: kaya ipinagkaloob sa inyo ang Sakramentong Matrimonyo ay nang kayoy magka-anak na sukat makahalili, o makasama sa pananampalataya, pag-ibig at paglilingkod sa Diyos; kaya ang mga magiging anak ninyo ay dapat aralan ng ganitong gawang kabanalan, at papamihasain sa magandang asal, alinsunod sa mahigpit ninyong katungkulan. Ang ikalawa: nang mayroong dumamay sa alinman sa inyo kung dinaratnan ng sakuna at kahirapan, at nang may nagkakalingang parang sa sariling katawan. Alinsunod sa bagay na ito, ay dapat kayong mag-isang loob, magsuyuang mahigit pa sa mabait na magkapatid, at magdamayan sa madlang hirap na parang iisang katawan; sapagkat, ang wika ni Jesucristo ang mag-asawa ay nagkakadalawa bilang sa iisang laman: duo in carne una. Dapat nga ninyong pagingatan na huwag makagawa o makapagwika alinman sa inyo ng anumang panggagalingan ng pagkakasira at pag-aaway. Ang ikatlong bagay: kaya ipinagkakaloob sa inyo itong mahal na Sakramento ay nang kayoy malayo sa pakikialam sa iba: kaya ang babae binigyan ng sarili niyang lalaki, at ang lalaki ng sarili niyang babae. Dapat nga na ang kalinisan ng pagsasama ay huwag ninyong dumhan at lubos na pakaingatan habang kayoy nabubuhay: at huwag ang kalupaan lamang ang nanasain sa pagtupad ng Sakramento, kundi ang inyong pag-uukulan din nitoy ang tatlong bagay na nasabi ko na. Sa buong pagsasama ninyoy ang pag-ibig at pagkatakot sa Diyos ang inyong panununtunan, at palaging aalalahanin ang mahigpit na pagsulit ng Diyos sa tao sa oras ng kamatayan. Sa oras na yaon isisingil sa inyo kung kayoy nagkulang sa pagtuturo sa inyong magiging anak at mga kasambahay ng magandang asal, o nagpakita ng masamang halimbawa. Ito ngay mahigpit ninyong katungkulan, na aralan ng pagkilala, pag-ibig at paglilingkod sa Diyos ang mga magiging bunga ng inyong pagsasama. Magpakabanal kayo, sapagkat banal at Santo an gating Diyos at Panginoon, at maging uliran nawa kayo na kunang halimbawa ng ibang mag-asawa. Ngayon kung sino sa inyo ang may bagay na magiging hadlang at kasiraan ng Matrimonyong inyong tatanggapin ay magpahayag. Gayon din naman ang mulit muli kong tanong sa inyong lahat na nahaharap dito.

El Sacerdote prosigue despues dirigiendose a la esposa: Q: N.: ibig mo na si N. ay maging tunay mong asawa mula ngayon sa paghaharap na ito, alinsunod sa ipinag-uutos ng Santa Iglesia Katolika Apostolika Romana?

R: Opo, ibig ko. Q: Kusa kang pumapayag na mula ngayoy maging asawa ka ni N.? R: Opo, kusang pumamayag ako. Q: Tinatanggap mo naman siyang Esposo o asawa? R: Opo, tinatanggap ko. Luego pregunta al esposo, con las mismas palabras anteriores Q: N.: ibig mo na si N. ay maging tunay mong asawa mula ngayon sa paghaharap na ito, alinsunod sa ipinag-uutos ng Santa Iglesia Katolika Apostolika Romana? R: Opo, ibig ko. Q: Kusa kang pumapayag na mula ngayoy maging asawa ka ni N.? R: Opo, kusang pumamayag ako. Q: Tinatanggap mo naman siyang Esposa o asawa? R: Opo, tinatanggap ko. y despues prosigue: Sa ngalan ng Diyos na makapangyarihan, at ng mga maluwalhating Apostoles na si San Pedro at San Pablo, at ng Santa Iglesiang Ina natin, kayoy ikinakasal ko, at pinagtitibay ko sa inyong dalawa ang Sakramentong ito, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. En la Misa nupcial despues de quitado el velo, les amonestara el Sacerdote con las siguientes palabras. Yamang natanggap na ninyo ang mga mahal na bendisyon, ayon sa kaugalian ng Santa Iglesia, ang aking ipinagtatagubilin sa inyo ay ang kayoy lubos na magtapatan ng loob, at sa panahon ng pananalangin, at lalung-lalo na sa panahon ng mga pag-aayuno at ng mga dakilang kapistahan ay pakalinisin ninyo ang inyong pagsasama. Mag-ibigan kayong mag-asawa, at manatili sa banal na pagkatakot sa Diyos. Despus les rociar con* agua bendita, dir Plceat tibi, dar la bendicin, y concluir, como es costumbre, con el Evangelio de San Juan; y finalmente entregar la esposa al esposo, y les despedir diciendo: Compaera os doy, y no sierva: amadla como Cristo ama su iglesia.

You might also like