Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ELEKSYON SA PILIPINAS, NAKAKASAMA SA KALIKASAN Napuna ko (at palagay ko ay ng marami rin nating kababayan) na ang nagdaang eleksyon sa Pilipinas

ay nakakasama sa kalikasan. Ang mga pamamaraan kasi ng pangangampanya ay nagdudulot ng tone-toneladang basura. Marami sa mga basura ay non-recyclables. Halimbawa na ang tarpaulin at plastic banners. Mga campaign stickers na naididikit sa mga poste at pader. Mga handouts at pamphlets, sample ballots, etc. Iisa lang ang inuuwian ng mga campaign materials na ito, mga dump sites. Idagdag pa ang usok ng mga motorcades na kung minsan ay ilang daang sasakyan ang haba. Kaya naman siguro nagiging napakarami ng election campaign materials ay tila dahil walang pumupuna ng tamang lugar ng campaign posting areas. O kaya naman ay hindi na nabibigyang pansin ang isyu ng campaign spending. Malaking gastos ang tapalan ng poster ang lahat ng poste sa kahabaan ng halos lahat ng kalye. Naalala ko pa nung aking kabataan ay minsang hindi ako nakapagbukas ng bintana dahil sa dami ng posters na natapal sa isang gabi lamang. Kung minsan pa nga, ang isang kandidato ay ilang beses magdidikit sa isang poste dahilk matatabunan ang posters niya ng ibang kandidato. Pagkatapos nga ng voting hours, pumunta ka sa election precints at halos ilang pulgada ang kapal ng sample ballots sa iyong dadaanan. Sa tarpaulin lang na nakalagay sa maling lugar, kapag tinanggal ng awtoridad at nilagyan ng tamang halaga ay buking na ang overspending. (Sa isang banda, ang pangangailangan ng posters ay nasa epal mentality ng mga kandidato). Kaya naman dapat kalampagin ang Komisyon na siyang nakakaalam sa eleksyon. Biruin mo naming minsan-minsan maabala ng todo ay tila mga tinatamad pa. Malamang ay may patong kaya hindi namumuna. Pero sa press con ay akala mo kaysisipag mga mga tinamaan ng kulog na mga bwiset na ito. At ang panawagan ko na kung maaari ay sungkitin antin ang mga tarpaulin (para hindi mabulok sa pagkakasabit) at i-recycle para mapagkakitaan, Maganda rin siguro na huwag na lang nating iboto yung mga kandidato na sobrang magdumi sa kalikasan. Sa susunod na eleksyon ay mababawasan na siguro ang mga damokles na kandidato. Muli, panawagan ko sa mga kandidato na bawasan naman ang epal nyo; sa Komisyon ay sipag-sipagan naman ninyo ang pamumuna; at sa mga botante ay huwag na lamang iboto ang malakas gumastos na kandidato (babawiin din sa kaban ng bayan ang gastos pag nahalal na ang mga kumag na iyan).

You might also like