Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mithiin ng mga Pilipino: isang Dula-dulaan

Reign: Ano ba ang ibig sabihin ng mithiin? Katrina: Ang ibig sabihin ng mithiin ay pangarap o ambisyon na gusto mo makamit sa buhay. Halimbawa: Ako, gusto ko maging inhinyero. Julianna: Oo nga. Lahat tayo ay may mithiin sa buhay. Kayo mga kaklase, anu-ano ang mga mithiin ninyo? Nica: Sige, ako na ang mag-uumpisa. Basta ako gusto ko lang mapaganda ang buhay ng aking mga magulang at kapatid. Tutulungan ko sila pag laki ko. Kaya mag-aaral ako ng mabuti para makatapos ako ng Kolehiyo. Reign: Ako gusto ko maging doktor. Kasi gusto kong makatulong sa mga may sakit. Mark: Ako gusto ko maging pulis para makatulong sa lipunan na masugpo ang mga krimen. Deanne: Ako gusto kong maging chef dahil pangarap kong magtayo ng sarili kong restaurant balang araw. Wink: Ako naman gusto ko maging piloto. Julianna: Ako gusto kong maging arkitekto para ako ang magdidisenyo ng aming bahay. Jim: Gusto ko maging artista. Idol ko kasi si Dennis Trillo e.

Timothy: Gusto ko maging abogado dahil gusto kong ipagtanggol ang mga taong walang sala na napagbintangan lamang. Fitz: Gusto ko maging seaman dahil gusto kong malibot ang mundo! Dylan: Gusto kong maging sikat na newscaster gaya ni Mike Enriquez. Hannah: Gusto kong maging call center agent balang araw dahil bihasa sila sa Ingles. Katrina: Sana matupad lahat ng mithiin natin mga kaklase at sa pagkita-kita natin muli paglipas ng panahon ay nakamit na natin ang ating mga pangarap sa buhay! Lahat sabay-sabay: Dito po nagtatapos ang aming maikling dula-dulaan. Sana ay naibigan ninyo ang aming munting palabas.

You might also like