Multo NG Kahapon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Multo ng Kahapon Ni Jovy M.

Bayani BS-Nursing/1/A

Nakakaawa, nakakahabag at karumaldumal! Iyan ang ilan lamang mga salita na makakapaglarawan sa sinapit ng ating mga kababayan noong unang panahon. Hindi sa kamay ng kalikasan, kundi mismong sa kamay ng ating mga kapwa tao.

Masakit balik-balikan ang nangyari noon sa ating mga kababayan. Nariyan ang pagpapakasakit ng nila. Pagpapakasakit na naranasan nila mismong sa sarili nating bayan. Animoy mga dayuhan sa sarili nilang bansa. Sa dulang Kakarong de Sili, ipinapakita kung gaano kahirap noon ang buhay sa ating bansa. Ipinakita kung paano tayo nasakop ngunit dala ng pagnanais na makalaya, ang tulungan ay tunay nga na namayani sa mga puso ng ating mga kababayan noon. Nariyan ang pagtatag ng KKK na nagsibol ng paghihimagsik laban sa mga dayuhang espanyol. Buong tapang silang lumaban at buong puso silang nagmithi ng katagumpayan upang makawala sa tanikala na noon ay nakakabit sa kani-kanilang leeg. Marami ang nagbuwis ng buhay. Mga buhay na hindi naman nasayang dahil napasaatin naman noon ang kalayaan mula sa mga mapagabusong dayuhan. Bunga ng pagtutulungan at walang takot na paglaban para sa ating bayan, para sa ating kalayaan, at para mismo sa kanikanilang kaligtasan.

Maswerte tayo kung tutuusin dahil hindi natin naranasan o nakita ang mga pangyayaring ito noon. Buti na lamang at ito ay nagsisilbi na lamang multo sa ating mga isipan. Multong minsang tumakot sa atin at nagbigay ng kasaysayan at multong nakatatak na sa bawat isipan ng ating mga kababayan. Multong nagbigay sa atin ng lakas ng loob na ipaglaban ang ating bansa ganoon din naman ang nagbigay sa atin ng kaisipan na talagang sa panahon ng kagipitan, bastat kapit bisig natin itong hinarap, tiyak na mapagtatagumpayan natin ito. Patunay lamang ng masidhi nating pagmamahal sa ating bayan at pagsiklab noon ng matinding pagkakaisa. Pagkakaisa na kung marahil ay nawala, patuloy pa rin ang ating paghihirap at pagtitiis ngayon. Marami mang naging hadlang noon para sa paglaban ng ating mga kababayan tulad ng kakulangan sa sandata, hindi pa

rin ito naging hadlang upang tayoy hindi magtagumpay. Dahil mismong ang katapangan ng ating mga kababayan ang nagpuna ng lahat ng kakulangang ito.

You might also like