Asap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pagbabantay sa Ipinagkatiwala sa Atin ( 1Tim 6:20) (5mins) O Timoteo, bantayan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na tinatalikdan ang walang-katuturang mga

usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal at ang mga pagsasalungatan ng may-kabulaanang tinatawag na kaalaman. *Kagaya ni Timoteo, lahat ng mga Kristiyano ay pinahkatiwalaan----- bagay na mahalaga upang alagaan at protektahan dahil mananagot tayo (w00 5/1 11par. 16) --- Paano tayo makikinabang sa ngayon sa maibiging babalang ito? May ipinagkatiwala kay Timoteoisang mahalagang bagay na dapat alagaan at ingatan. Ano iyon? Nagpaliwanag si Pablo: Patuloy kang manghawakan sa parisan ng nakapagpapalusog na mga salita na narinig mo mula sa akin kasama ng pananampalataya at pag-ibig na may kaugnayan kay Kristo Jesus. Ang mainam na pagkakatiwalang ito ay bantayan mo sa pamamagitan ng banal na espiritu na nananahan sa atin. (2 Timoteo 1:13, 14) Oo, lakip sa ipinagkatiwala kay Timoteo ang nakapagpapalusog na mga salita, ang turo na alinsunod sa maka-Diyos na debosyon. (1 Timoteo 6:3) Kasuwato ng mga salitang ito, ang mga Kristiyano sa ngayon ay determinado na ipagsanggalang ang kanilang pananampalataya at ang kalipunan ng katotohanan na ipinagkatiwala sa kanila. *Naglalakip ito sa partisan ng nakapagpapalusog na mga salita---Ang katotohanang ibinabahagi sa pamamagitan ng mga kasulatan, ang espirituwal na pagkaing inilalaan ng tapat at maingat na alipin, at ng ministeryong kaakibat ng katotohanan. (Mat 24:45-47; W89 9/15 10 p.1) ---ANG Diyos na Jehova ay nagkaloob sa mga nasa kaniyang makalupang organisasyon ng isang kahanga-hangang bagay na ipinagkatiwala. Subalit ano ba ang isang ipinagkatiwala? Iyon ay isang bagay na mahalaga na inihabilin sa isang tao na kailangang magbigay-sulit. Kabilang sa ipinagkatiwala sa Kristiyano ang uliran ng magagaling na salita, ang katotohanan na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng Kasulatan at ipinamamahagi ng tapat at maingat na alipin bilang pagkain sa tamang panahon. (2 Timoteo 1:13, 14; Mateo 24:45-47) Kabilang sa ipinagkatiwalang ito ang ministeryo na may kinalaman sa katotohanan, na kailangang ipangaral sa loob at sa labas ng kongregasyon. (2 Timoteo 4:1-5) Ang mga tagapagbalita ng Kaharian, kasali na ang hinirang-ngespiritung matatanda, ay dapat magpahalaga sa ipinagkatiwalang ito bilang may pinakamataas na balor. *Gaya ng kahilingan kay Timoteo, ang mga payuner ay dapat ding magbantay o protektahan ang ipinagkatiwala sa kanila---- Paano? *Ang apostol Pablo ay kinasihang naglaan kay Timoteo ng espesipikong payo kung paano gagawin ito. *Dapat sundin ng mga payunir ang gayon ding payo.

RODEL RAMOS (PAHALAGAHAN ANG PRIBILIEHIYO NG IYONG MINISTERYO) (15MINS)

ITAGUYOD ANG MAKADIYOS NA DEBOSYON(20 min.) [ Basahin ang 1 Tim 4:6-8] \ 6 Sa pagbibigay ng mga payong ito sa mga kapatid, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Kristo Jesus, isang tinutustusan ng mga salita ng pananampalataya at ng mainam na turo na maingat mong sinundan. Ngunit tanggihan mo ang mga kuwentong di-totoo na lumalapastangan sa kung ano ang banal at siyang ikinukuwento ng matatandang babae. Sa kabilang dako, sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo ay makadiyos na debosyon. 8 Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti; ngunit ang makadiyos na debosyon ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay, yamang hawak nito ang pangako sa buhay ngayon at yaong darating. *Ano ang maakadiyos na debosyon? Ang Sept 15,1993, iisyu ng Ang Bantayan, Pahina 15 5, ay nagsasabi;
5 7

Ang pananalitang maka-Diyos na debosyon samakatuwid ay tumutukoy sa pagpapakundangan o debosyon kay Jehova na nagpapakilos sa atin na gawin ang nakalulugod sa kaniya. Ito ay ginagawa kahit na sa gitna ng mahihirap na pagsubok dahil iniibig natin ang Diyos buhat sa puso. Ito ay isang tapat, personal na kaugnayan kay Jehova na nahahayag sa paraan ng ating pamumuhay. Ang tunay na mga Kristiyano ay pinapayuhan na manalangin upang silay mangabuhay na tahimik at payapa kalakip ng buong maka-Diyos na debosyon. (1 Timoteo 2:1, 2) Ayon sa mga leksikograpong sina J. P. Louw at E. A. Nida, sa maraming wika ang [eusebeia] sa 1 Tm 2.2 ay angkop na maisasalin na mamuhay ayon sa ibig ng Diyos na maging pamumuhay natin o mamuhay ayon sa sinabi sa atin ng Diyos na dapat nating maging pamumuhay. *Tayo ay pinapayuahn na sanahin ang ating sarili na ang tunguhin natin ay ang makadiyos na debosyon. --- Ang Salitang Griego para sa sanahin (gy mnazo) ay naglalarawan sa puspusang pagsisikap at kadalasay masakit na mga ehersisyo na ginagawa ng mga atlete sa hemnasyo. Basahin ang 1 Tim 4:10 Sapagkat sa layuning ito ay nagpapagal tayo at nagpupunyagi, sapagkat inilagak natin ang ating pag-asa sa isang Diyos na buhy, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng uri ng mga tao, lalo na ng mga tapat *Ano ang nagsasangkot sa pagsasanay na ito? 1. Matalik na pakikipagtalastasan sa Diyos. TANONG: Bakit ang araw-araw na bagbabasa ng Bibliya lakip ang makabuluhang pag bubulaybulay at taos sa puso at espisipikong mga panalangin ay mahalaga upang mapanatili ang matalik na pakikipagtalastasan kay Jehova? ( w97 7/1 29 ) Kaaliwan at Pang-unawa sa Panahon ng Pangangailangan. ( W97 7/1 29 ) Kapag kailangan natin ng tulong at kaaliwan, malimit na bumabaling tayo sa isang malapit na kaibigan para sa alalay at pagdamay. Buweno, wala nang kaibigan ang higit pang madaling lapitan kaysa kay Jehova. Siya ang tulong na agad masusumpungan sa panahon ng kabagabagan. (Awit 46:1)
2
10

Bilang ang Diyos ng buong kaaliwan, nauunawaan niya ang nararanasan natin nang higit kaysa kaninuman. (2 Corinto 1:3, 4; Awit 5:1; 31:7) At tunay ang pagmamalasakit at pagdamay niya sa mga nasa gipit na kalagayan. (Isaias 63:9; Lucas 1:77, 78) Palibhasay natatalos na si Jehova ay isang maunawaing kaibigan, malaya tayong makipag-usap sa kaniya nang taimtim at masinsinan. Napakikilos tayong magpahayag ng ating matitinding pangamba at kabalisahan. Kaya naman tuwirang nararanasan natin kung paanong ang sariling kaaliwan ni Jehova ay nagsimulang humaplos sa ating kaluluwa.Awit 94:18, 19. Kung minsan ay baka madama nating hindi tayo karapat-dapat na lumapit sa Diyos dahil sa ating mga pagkakamali. Ngunit ano kung nagkasala at humiling sa iyo ng kapatawaran ang isang matalik na kaibigan? Hindi ka ba mauudyukang aliwin at bigyang-katiyakan ang isang iyon? Bakit, kung gayon, hindi mo aasahang gagawin iyon ni Jehova? Saganang pinatatawad niya ang kaniyang mga kaibigan na nagkakasala bunga ng di-kasakdalan ng tao. (Awit 86:5; 103:3, 8-11) Sa pagkaalam nito, hindi tayo nagpipigil sa malayang pagpapahayag ng ating mga pagkakamali sa kaniya; makatitiyak tayo ng kaniyang pag-ibig at awa. (Awit 51:17) Kung nanlulumo tayo dahil sa ating mga pagkukulang, maaaliw tayo sa mga salita sa 1 Juan 3:19, 20: Sa ganito ay malalaman natin na tayo ay nagmumula sa katotohanan, at mabibigyang-katiyakan natin ang ating mga puso sa harap niya tungkol sa anuman na doon ay patawan tayo ng hatol ng ating mga puso, sapagkat ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay. Subalit hindi natin kailangang malagay sa kagipitan upang matamasa ang maibiging pagmamalasakit ng Diyos. Interesado si Jehova sa anumang makaaapekto sa ating espirituwal at emosyonal na kapakanan. Oo, hindi natin kailanman dapat isipin na ang ating damdamin, kaisipan, at kabalisahan ay napakaliliit lamang upang banggitin sa panalangin. (Filipos 4:6) Kapag kasama ka ng isang matalik na kaibigan, mahahalagang pangyayari lamang ba sa inyong buhay ang pinag-uusapan ninyo? Hindi ba pinag-uusapan din ninyo ang mumunting bagay? Sa katulad na paraan, malaya kang makapagsasabi kay Jehova ng tungkol sa anumang pitak ng iyong buhay, palibhasay natatalos na siya ay nagmamalasakit sa inyo.1 Pedro 5:7. Sabihin pa, malamang na hindi tumagal ang isang pagkakaibigan kung pawang tungkol lamang sa iyong sarili ang sinasabi mo. Gayundin naman, hindi dapat nakasentro sa sarili ang ating mga panalangin. Dapat din nating ipahayag ang ating pag-ibig at pagmamalasakit kay Jehova at sa kaniyang kapakanan. (Mateo 6:9, 10) Ang panalangin ay hindi lamang isang pagkakataon na humiling ng tulong sa Diyos kundi isa ring pagkakataon na magpasalamat at pumuri. (Awit 34:1; 95:2) Ang pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng regular na personal na pag-aaral ay tutulong sa atin hinggil dito, yamang tumutulong ito sa atin na lalong makilala si Jehova at ang kaniyang mga daan. (Juan 17:3) Baka lalong makatulong sa iyo na basahin ang aklat ng Mga Awit at pansinin kung paano nagpahayag ng kanilang sarili kay Jehova ang ibang tapat na lingkod. Tunay ngang isang napakahalagang kaloob ang pakikipagkaibigan kay Jehova. Harinawang ipakita natin na pinahahalagahan natin ito sa pamamagitan ng ating higit na taimtim, taos-puso, at personal na mga panalangin. Kung magkagayoy tatamasahin natin ang kaligayahang ipinahayag ng salmista, na nagsabi: Maligaya ang isa na iyong pinipili at pinalalapit.Awit 65:4.

*2. Isang mabuting espirituwal na pagkain


3

(1tim 4:6.)6 Sa pagbibigay ng mga payong ito sa mga kapatid, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Kristo Jesus, isang tinutustusan ng mga salita ng pananampalataya at ng mainam na turo na maingat mong sinundan. TANONG: Upang magkaroon ka ng isang tinutustusan ng mga salita ng pananampalataya, bakit ang iyong personal na pag aaral ng Salita ng Diyos ay dapat maglakip sa malalalim na bagay ng Diyos? ( 1 Cor 2:10; W07 11/1 27-29) Sapagkat sa atin isiniwalat ng Diyos ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, sapagkat sinasaliksik ng espiritu ang lahat ng bagay, maging ang malalalim na bagay ng Diyos. Saliksikin ang Malalalim na Bagay ng Diyos W07 11/1 27-29. NATATANDAAN pa ng karamihan sa atin na kabilang sa kongregasyong Kristiyano ang nadama nating kagalakan nang una nating malaman ang katotohanan. Natutuhan natin kung bakit mahalaga ang pangalan ni Jehova, kung bakit niya pinahihintulutan ang pagdurusa, kung bakit pupunta sa langit ang ilang tao, at kung ano ang kinabukasan ng iba pang tapat na mga tao. Baka nasuri na natin noon ang Bibliya, pero hindi natin naunawaan ang mga bagay na ito, gaya ng karamihan ng mga tao sa sanlibutan. Para tayong isang taong gustong makakita ng mga bahura ng korales sa ilalim ng tubig. Palibhasay walang anumang kagamitan, hindi niya makita nang malinaw ang magagandang bagay sa ilalim ng tubig. Pero tuwang-tuwa siya sapagkat nang gumamit siya ng goggles na pansisid, nakita niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mga korales at isda na may matitingkad na kulay at iba pang pagkagagandang nilalang sa dagat. Sa katulad na paraan, nang may tumulong sa atin na maunawaan ang Kasulatan, nasulyapan natin, wika nga, sa kauna-unahang pagkakataon ang malalalim na bagay ng Diyos.1 Corinto 2:8-10.
2 10

Kontento na ba tayo sa basta pagsulyap lamang sa mga katotohanan sa Bibliya? Kasama sa pananalitang malalalim na bagay ng Diyos ang pagkaunawa hinggil sa karunungan ng Diyos na isinisiwalat ng banal na espiritu sa mga Kristiyano subalit naging lihim naman sa iba. (1 Corinto 2:7) Napakarami nga nating matututuhan hinggil sa karunungan ng Diyos! Bagaman hindi natin malalaman ang lahat hinggil sa kaniyang karunungan, makadarama tayo ng masidhing kagalakan kapag sinasaliksik natin ito. Kung patuloy at buong-sikap nating sasaliksikin ang malalalim na bagay ng Diyos, mapananatili natin ang kagalakang ating nadama noong una nating matutuhan ang pangunahing mga turo ng Bibliya.
3

Bakit kailangan nating maunawaan ang malalalim na bagay na iyon? Magiging matibay ang ating pananampalataya at pagtitiwala kung mauunawaan natin hindi lamang kung ano ang ating mga pinaniniwalaan kundi kung bakit natin ito pinaniniwalaanang saligan ng ating mga paniniwala. Pinasisigla tayo ng Kasulatan na gamitin ang ating kakayahan sa pangangatuwiran upang mapatunayan [natin sa ating] sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos. (Roma 12:1, 2) Kung nauunawaan natin kung bakit hinihiling ni Jehova na mamuhay tayo ayon sa kaniyang mga pamantayan, lalo tayong magiging determinado na sumunod sa kaniya. Kaya ang kaalaman hinggil sa malalalim na bagay ay makapagpapalakas sa atin na labanan ang tuksong gumawa ng masama at makapagpapasigla sa atin na maging masigasig sa maiinam na gawa.Tito 2:14.

Kailangan nating mag-aral upang maunawaan ang malalalim na bagay. Pero ang pag-aaral ay hindi lamang basta pagbabasa. Kailangan dito ang maingat na pagsusuri sa impormasyon upang makita kung paano ito nauugnay sa mga bagay na dati na nating alam. (2 Timoteo 1:13) Dapat nating maunawaan ang diwa ng ating binabasa. Kalakip din sa pag-aaral ng Bibliya ang pagbubulay-bulay kung paano natin magagamit ang ating natututuhan upang makapagpasiya nang tama at makatulong sa iba. Gayundin, yamang ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang, dapat na pag-aralan natin ang bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova. (2 Timoteo 3:16, 17; Mateo 4:4) Kailangan talaga ang pagsisikap sa pag-aaral ng Bibliya! Pero maaari din itong maging kasiya-siya, at hindi naman ganoon kahirap maunawaan ang malalalim na bagay ng Diyos. Tinutulungan ni Jehova ang mga Mapagpakumbaba na Makaunawa
5

Kahit na hindi ka magaling sa klase at wala kang hilig mag-aral, huwag mong isipin na hindi mo maiintindihan ang malalalim na bagay ng Diyos. Noong panahon ng ministeryo ni Jesus dito sa lupa, ipinaunawa ni Jehova ang Kaniyang layunin, hindi sa matatalino, kundi sa mga walang pinag-aralan at pangkaraniwang mga tao subalit mapagpakumbaba naman at handang magpaturo sa mga lingkod ng Diyos. Para silang mga sanggol kung ihahambing sa edukadong mga tao. (Mateo 11:25; Gawa 4:13) Hinggil sa mga bagay na inihanda ng Diyos para roon sa mga umiibig sa kaniya, ganito ang isinulat ni apostol Pablo sa kaniyang mga kapananampalataya: Sa atin isiniwalat ng Diyos ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, sapagkat sinasaliksik ng espiritu ang lahat ng bagay, maging ang malalalim na bagay ng Diyos.1 Corinto 2:9, 10.
6

Paano sinasaliksik ng espiritu ng Diyos ang lahat ng bagay, maging ang malalalim na bagay ng Diyos? Sa halip na bigyan ang bawat indibiduwal na Kristiyano ng personal na pagsisiwalat, ginagamit ni Jehova ang kaniyang espiritu upang patnubayan ang kaniyang organisasyon, na siya namang tumutulong sa nagkakaisang bayan ng Diyos na maunawaan ang Bibliya. (Gawa 20:28; Efeso 4:3-6) Iisa lamang ang programa sa pag-aaral ng Bibliya ng lahat ng kongregasyon sa buong daigdig. Sa paglipas ng panahon, tinatalakay sa mga kongregasyon ang maraming ibat ibang turo ng Bibliya. Sa pamamagitan ng kongregasyon, tinutulungan ng banal na espiritu ang mga tao na magkaroon ng saloobing kailangan upang maunawaan ang malalalim na bagay ng Diyos.Gawa 5:32. Kung Ano ang Malalalim na Bagay ng Diyos
7

Hindi natin dapat isipin na ang malalalim na bagay ay laging tumutukoy sa mga bagay na mahirap maunawaan. Ang kaalaman hinggil sa malalalim na bagay ng Diyos ay naging lihim sa karamihan ng mga tao, hindi dahil sa mahirap maunawaan ang karunungan ng Diyos, kundi dahil nililinlang ni Satanas ang mga tao upang tanggihan nila ang tulong na inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng Kaniyang organisasyon.2 Corinto 4:3, 4.
8

Ipinakikita ng ikatlong kabanata ng liham ni Pablo sa mga taga-Efeso na kasali sa malalalim na bagay ng Diyos ang maraming katotohanan na alam na alam ng karamihan sa mga lingkod ni Jehova, gaya ng pagkakakilanlan ng ipinangakong Binhi, pagpili mula sa sangkatauhan ng mga indibiduwal na magtutungo sa langit, at katotohanan hinggil sa Mesiyanikong Kaharian. Isinulat ni Pablo: Sa ibang mga salinlahi ang lihim na ito ay hindi ipinaalam sa mga anak ng mga tao gaya ng isiniwalat na ngayon sa kaniyang banal na mga apostol at mga propeta sa pamamagitan ng espiritu, samakatuwid nga, na ang mga tao ng mga bansa
5

ay magiging mga kasamang tagapagmana at mga kasangkap ng katawan at mga kabahagi natin sa pangako kaisa ni Kristo Jesus. Sinabi ni Pablo na inatasan siyang ipakita sa mga tao kung paanong pinangangasiwaan ang sagradong lihim na mula noong nakalipas na panahong walang takda ay nakatago sa Diyos.Efeso 3:5-9.
9

Ipinaliwanag pa ni Pablo na kalooban din ng Diyos na sa pamamagitan ng kongregasyon ay maipaalam . . . sa makalangit na mga dako ang malawak na pagkakasari-sari ng karunungan ng Diyos. (Efeso 3:10) Natututo ang mga anghel sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-unawa sa karunungan ni Jehova na makikita sa kaniyang pakikitungo sa kongregasyong Kristiyano. Kaylaking pribilehiyo nga natin na maunawaan ang mga bagay na gustong malaman maging ng mga anghel! (1 Pedro 1:10-12) Pagkatapos, sinabi ni Pablo na dapat nating sikapin na maintindihan . . . kasama ng lahat ng mga banal kung ano ang lapad at haba at taas at lalim ng Kristiyanong pananampalataya. (Efeso 3:11, 18) Isaalang-alang natin ngayon ang ilang halimbawa ng malalalim na bagay na makapagpapalawak ng ating kaunawaan. Halimbawa ng Malalalim na Bagay
10

Alam natin na si Jesus ang pangunahing bahagi ng binhi ng makalangit na babae ng Diyos na tinutukoy sa Genesis 3:15. Upang mapalawak ang ating kaunawaan, maaari nating itanong: Kailan natupad ang hula na si Jesus ang magiging Binhi? Bago ba siya naging tao, noong ipanganak siya sa lupa, noong bautismuhan siya, o noong buhayin siyang muli?
11

Ipinangako ng Diyos na ang makalangit na bahagi ng kaniyang organisasyon, na tinukoy sa hula bilang kaniyang babae, ay magluluwal ng binhi na susugat sa ulo ng serpiyente. Libu-libong taon ang lumipas pero hindi nagluwal ang babae ng Diyos ng binhi na makapupuksa kay Satanas at makasisira sa kaniyang mga gawa. Kaya naman sa hula ni Isaias, sinasabing ang babae ng Diyos ay baog at sinaktan sa espiritu. (Isaias 54:1, 5, 6) Nang maglaon, ipinanganak si Jesus sa Betlehem. Pero saka lamang siya pinahiran ng banal na espiritu at naging espirituwal na anak ng Diyos pagkatapos siyang mabautismuhan, anupat inihayag ni Jehova: Ito ang aking Anak. (Mateo 3:17; Juan 3:3) Sa wakas, nakilala na rin ang pangunahing bahagi ng binhi ng babae. Nang maglaon, ang mga tagasunod ni Jesus ay pinahiran din ng banal na espiritu at naging mga anak ng Diyos. Ang babae ni Jehova, na kaytagal nang tulad ng isang babaing . . . hindi nanganak, ay makahihiyaw na rin nang may kagalakan.Isaias 54:1; Galacia 3:29.
12

Ang ikalawang halimbawa ng malalalim na bagay na isiniwalat sa atin ay may kaugnayan sa layunin ng Diyos na pumili ng 144,000 mula sa sangkatauhan. (Apocalipsis 14:1, 4) Tinatanggap natin ang turo na ang lahat ng pinahirang Kristiyano na nabubuhay sa lupa sa anumang panahon ang siyang bumubuo sa tapat at maingat na alipin, na ayon kay Jesus ay maglalaan ng napapanahong pagkain para sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan. (Mateo 24:45) Anu-anong teksto sa Bibliya ang nagpapatunay na tama ang pagkaunawang ito? Hindi kaya ang tinutukoy lamang ni Jesus ay ang sinumang Kristiyano na nagpapatibay sa kaniyang mga kapatid sa pamamagitan ng espirituwal na pagkain?
13

Sinabi ng Diyos sa bansang Israel: Kayo ang aking mga saksi, . . . ang akin ngang lingkod na aking pinili. (Isaias 43:10) Pero noong Nisan 11 ng tang 33 C.E., sinabi ni Jesus sa mga lider ng Israel na itinakwil na ng Diyos ang kanilang bansa at hindi na ito tinatanggap bilang Kaniyang lingkod. Sinabi niya: Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa isang bansang nagluluwal ng mga bunga nito. Sinabi ni Jesus sa mga pulutong: Narito! Ang inyong bahay ay pinababayaan sa inyo. (Mateo 21:43; 23:38) Bilang alipin ni
6

Jehova, hindi naging tapat ni maingat man ang sambahayan ng Israel. (Isaias 29:13, 14) Nang araw ding iyon, nagtanong si Jesus: Sino talaga ang tapat at maingat na alipin? Sa ibang pananalita, itinatanong niya, Anong maingat na bansa ang papalit sa Israel bilang tapat na alipin ng Diyos? Sinagot ito ni apostol Pedro nang sabihin niya sa kongregasyon ng pinahirang mga Kristiyano: Kayo ay . . . isang banal na bansa, isang bayang ukol sa pantanging pag-aari. (1 Pedro 1:4; 2:9) Ang espirituwal na bansang iyon, ang Israel ng Diyos, ang naging bagong alipin ni Jehova. (Galacia 6:16) Kung paanong ang lahat ng mamamayan ng sinaunang Israel ang bumubuo noon sa isang lingkod, ang lahat din ng pinahirang Kristiyano sa lupa sa anumang panahon ang bumubuo sa tapat at maingat na alipin. Kaylaki ngang pribilehiyo natin na tumanggap ng pagkain sa pamamagitan ng alipin ng Diyos! Maaaring Gawing Kasiya-siya ang Personal na Pag-aaral
14

Habang lalo nating nauunawaan ang mga katotohanan sa Bibliya, hindi bat nasisiyahan tayo dahil napatitibay nito ang ating pananampalataya? Kaya higit na nakapagdudulot ng kagalakan ang pag-aaral ng Bibliya kaysa sa basta pagbabasa lamang nito. Samakatuwid, kapag nagbabasa ka ng Kristiyanong mga publikasyon, tanungin ang iyong sarili: Paano nauugnay ang paliwanag na ito sa dati ko nang alam hinggil sa paksang ito? Anu-ano pang karagdagang teksto sa Bibliya o mga argumento ang sumusuporta sa mga ideyang iniharap sa artikulong ito? Kung kailangan mo pang magsaliksik, isulat ang tanong na gusto mong masagot, at gawin itong paksa ng susunod mong proyekto sa pag-aaral.
15

Anu-anong kasiya-siyang proyekto sa pag-aaral ang tutulong sa iyo na matuto ng bagong mga bagay? Ang mga proyektong gaya ng masusing pagsasaliksik sa ibat ibang tipan na ginamit ng Diyos para sa kapakinabangan ng sangkatauhan ay makapagpapalawak ng ating kaunawaan. Mapatitibay mo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga hula hinggil kay Jesu-Kristo o talata-por-talatang pagsusuri sa isa sa makahulang mga aklat ng Bibliya. Nakapagpapatibay rin ng pananampalataya ang pagrerepaso sa makabagong-panahong kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova, gamit ang aklat na Mga Saksi ni JehovaTagapaghayag ng Kaharian ng Diyos. At lalo mong mauunawaan ang ilang teksto sa Bibliya kung rerepasuhin mo ang Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa na inilathala sa nakalipas na mga isyu ng Ang Bantayan. Bigyan ng pantanging pansin kung anong pangangatuwiran sa Kasulatan ang ginamit sa naging konklusyon ng artikulo. Matutulungan ka nito na sanayin at pasulungin ang iyong mga kakayahan sa pang-unawa. (Hebreo 5:14) Habang nag-aaral ka, magsulat ka ng nota sa iyong personal na kopya ng Bibliya o sa isang piraso ng papel upang ikaw at ang tinutulungan mo ay makinabang nang husto sa natutuhan mo. Tulungan ang mga Kabataan na Masiyahan sa Pag-aaral ng Bibliya
16

Malaki ang magagawa ng mga magulang upang pasiglahin ang kanilang mga anak na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos. Huwag maliitin ang kakayahan ng mga kabataan na maunawaan ang malalalim na bagay. Kapag inatasan mo ang iyong mga anak na saliksikin ang isang paksa bilang paghahanda sa pampamilyang pag-aaral ng Bibliya, maaari mo silang tanungin hinggil sa natutuhan nila. Sa panahon ng pampamilyang pag-aaral, maaari ding gumawa ng pagsasadula upang sanayin ang mga anak na ipagtanggol ang kanilang pananampalataya at patunayang tama ang itinuro sa kanila. Bukod diyan, maaari mong gamitin ang brosyur na Tingnan Mo ang Mabuting Lupain upang ituro sa kanila ang tungkol sa mga lupain sa Bibliya at upang mas maunawaan nila ang tinatalakay ninyo sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya.
7

17

Ang mga proyekto sa personal na pag-aaral ng Bibliya ay kasiya-siya at nakapagpapatibay ng pananampalataya, pero huwag mong pabayaan ang paghahanda sa mga pulong ng kongregasyon. Ang mga pulong ay isa pang paraan ng pagtuturo sa atin ni Jehova sa pamamagitan ng tapat at maingat na alipin. Gayunman, ang karagdagang pagsasaliksik ay makatutulong para makapagbigay ka ng makabuluhang komento sa mga pulonghalimbawa, sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat o sa tampok na mga bahagi sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
18

Ang seryoso at personal na pag-aaral ng Salita ng Diyos ay tutulong sa iyo na mapalapt kay Jehova. Hinggil sa kahalagahan ng gayong pag-aaral, sinasabi ng Bibliya: Ang karunungan ay pananggalang kung paanong ang salapi ay pananggalang; ngunit ang pakinabang sa kaalaman ay na iniingatang buhy ng karunungan ang mga nagtataglay nito. (Eclesiastes 7:12) Kaya sulit ang mga pagsisikap na palalimin ang iyong kaunawaan sa mga katotohanang galing sa Diyos. Ipinangangako ng Bibliya sa mga patuloy na nagsasaliksik: Masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.Kawikaan 2:4, 5. *3.Pag-iingat ng isang mabuting budhi [ Basahin ang 1 tim. 1:19.] ; na nanghahawakan sa pananampalataya at sa isang mabuting budhi, na itinakwil ng ilan at dumanas ng pagkawasak may kinalaman sa kanilang pananampalataya. *TANONG: Bakit dapat kang mag-ingat hinggil sa paggamit mo ng internet, sa mga pelikula at mga programa sa TV na pinanonood mo, sa musika na iyong pinakikinggan upang magkaroon ka ng isang mabuting budhi? [ Ang ating budhi ay unti-unting nagiging manhid.] *4. Pagpapanatili sa libangan sa wastong dako nito (1Tim 4:8.)
8
19

Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti; ngunit ang makadiyos na debosyon ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay, yamang hawak nito ang pangako sa buhay ngayon at yaong darating.

*TANONG: Paanong ang pagkakapit sa sumusunod na mga simulain sa Bibliya ay tutulong sa iyo na itaguyod ang palilibang na kapaki-pakinabang? [ BASAHIN ANG Kaw. 13:20; Mat 6:33; at Fil 4:8.] Kaw 13:20. Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipagugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.

33

Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. Mat 6:33Kaya, huwag kayong mabalisa tungkol sa susunod na araw, sapagkat ang susunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga kabalisahan. Sapat na para sa bawat araw ang sarili nitong kasamaan.

Fil. 4:8. Sa katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na seryosong pagisipan, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na may mabuting ulat, anumang kagalingan ang mayroon at anumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.

RODEL RAMOS (LINANGIN AT PANATILIHIN ANG KASIYAHAN SA SARILI) (15MINS)

MAG-IMBAK PARA SA IYONG SARALI G ISANG MAINAM NA PUNDASYON PARA SA HINAHARAP (5mins) Ang isang matinding damdamin ng kagalakan at kasiyahan ay nagmumula sa pagtupad ng mabuti sa isang maselan na responsibilidad (1) Pahalagahan ang pribilehiyo ng iyong ministeryo, (2) Itaguyod ang makaDiyos na debosyon, at (3) linangin at panatilihin ang kasiyahan sa sarili. Sa pag-gawa nito, masasabi mo na ang gaya ng lalaking may tintero ng kalihim: Nagawa ko na ang gaya ng iniutos o sa akin (Eze. 9: 11) Ang kongregasyon ay makikinabang sa maraming mainam na paraan mula sa iyong tapat na paglilingkod taun-taon. Higit sa lahat anong kagalakan ang maidudulot mo sa puso ni Jehova habang nakikita niya na sa kabila ng labis na pamumuhay sa sarili sa panahong ito ng kasaysayan, itinataguyod mo ang landas ng pagsasakripisyo sa sarili! Sa pananatili sa gayong landas ng buhay, patuloy kang gagantimpalaan nang sagana nagyon at ligtas kang makapag0imbak para sa iyong sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap (1 ti. 6:19)

You might also like