Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Babasahing Pantahanan Filipino IV Ikatlong Markahan

Rama at Sita

Rama at Sita

I. Pamagat: Rama at Sita II. May-Akda:

Rene Villanueva 22 Setyembre 1954 5 Disyembre 2007 Maikling Talambuhay

Ipinanganak si Rene Villanueva noong Setyembre 22, 1954 sa La Loma, Quezon City sa kanyang mga magulang na sina Francisco at Vicenta Villanueva Nagtapos ng AB History sa Lyceum of the Philippines noong 1975. Nagsimulang magsulat ng dula at kwentong pambata noong huling bahagi ng 1970 at nakapaglathala ng mahigit 50 aklat na pambata. dating headwriter at executive producer ng Batibot at siya ring gumawa ng theme song ng palabas na ito nagkamit ng ibat ibang parangal tulad ng TOYP, New York Film and TV Festival, First Latin American Video and Film Festival (Columbia), Japan Prize (Preschool Category), Prix Juenesse Winner (Germany), TOYM, CCP, Gawad Collantes, Gantipalang Quezon, National Book Award, and Palanca at kasapi sa hall of fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature pumanaw sa gulang na 53 dahil sa sakit sa puso sa Philippine Heart Center

Ilan sa kanyang mga akda Dula: Sixteen and Three Fourths (1975), Burles (Burlesque) (1977), Tribu (Tribe) (1979), Kontsabahan sa Tirarang (Conspiracy in Tirarang) (1979), Hiblang Abo (Strands of Gray) (1980), Sinakulo (1981), Sandaang Panaginip (A Hundred Dreams) (1981), Samperang Muta (Cheap Thrill) (1982), Madyik (Magic) (1983), Sigwa (Storm) (1984), Huling Istasyon (Last Station) (1983), Ang Hepe (The Chief) (1986), Awit ng Adarna (Song of the Adarna) (1987), Botong (1989), Tonyo (1990), Kalantiaw (1994), Bintao (1995), The Bomb! (2003) Pambatang Babasahin : Nasaan Ang Tsinelas Ko? Sina Elephas At Estegodon Noon Unang Panahon Si Inggolok At Ang Planeta Pakaskas Si Paula Oink-oink Sina Linggit Laban Kay Barakuda The Rene O. Villanueva Children's Reader Mga Pagsasalin: Florante at Laura(1988) Ang Napigil-Sanang-Paghahari ni Arturo Ui (1987) (with Joey Baquiran) Sutsot sa Dilim (1985)

Crimes of Passion (1985) Gamit ng Wika Si Rene Villanueva ay kadalasang sumusulat ng mga akdang para sa mga kabataan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang wikang kanyang ginamit ay ang wikang balbal o ang paggamit ng wikang di-pormal at banyaga tulad ng jologs, mga salitang hiram o Ingles.

III. Tagpuan: Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamana nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodhya. IV. Tauhan Rama: Pinakamatapang na mandirigma sa Ayodhya, Napangasawa niya ang prinsesang si Sita ng baluktutin niya ang isang pana na kahit sinuman ay walng makagawa. Siya ay asawa ni Sita. Sita: Isang napakagandang prinsesa at ulirang asawa si Sita. Asawa siya ni Rama. Lakshamanan: Kapatid siya ni Rama. Isang magiting at mabait na kapatid si Lakshamanan dahil nais niyang paglingkuran ang kapatid niyang si Rama. Surpanaka: Ang kapatid ni Ravana hari ng mga higante at demonyo. Ravana: Hari ng mga higante at demonyo. Maritsa: May kakayahang makapagbago ng anyo o hugis at sinugo ni Ravana upang maghiganti. V. Tayutay/Matatalinghagang Salita: - KAKAMPI NILA ANG MGA DIYOS- nasa panig nila ang Diyos o silay mga tagasunod ng Diyos.

VI. Buod: Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan ng ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodhya, dahil sa madrasta ni Rama sa kadahilanangv mas nais niyang maging hari ang kanyang anak. Nilinlang niya ang hari para mapapayag ito sa kanyang gusto. Si Surpanaka kapatid ni Ravana, hari ng mga higante at demonyo ay nagkagusto kay Rama at gagawin niya ang lahat para mapasa-kanya ang ninanais. Nanghingi siya ng tulong sa kaniyang kapatid para bihagin si Sita para maging asawa niya upang silang dalawa ni Rama ang mag katuluyan. Ngunit hindi pinabayaan ni Rama iyon dahil kahit kinalaban niya na ang mga higante at si Ravana ay hindi parin siya sumuko at patuloy na lumaban para lamang mabawi niya si Sita at makapamuhay na sila ng maayos, at ganun nga ang nangyari dahil nagtagumpay si Rama na talunin ang kasamaan. VII. Bisa: A. Pangkaisipan: Hindi dapat sumuko kahit anong problemang kaharapin dahil sa bawat ulan ay may bahagharing lilitaw upang magbigay pag-asa ay kulay sating mga buhay. B. Pangkaasalan: Maging matapang at kalamado sa lahat ng oras na kakaharapin mo ang iyong mga problema upang matiwasay mo itong masolusyonan. C. Pang-Ispiritwal: Sa bawat kadiliman sating buhay Diyos lamang ang makatutulong satin. Kayat lagi dapat natin siyang kinakausap para malagpasan natin an gating mga problema.

Wakas

You might also like