Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LIKSIYON 3

Enero 12 - 18

Natapos ang Paglalang

Sabado ng Hapon
Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito: Genesis 1; Ps. 8:3; Rom. 8:1922;
Lev. 11:1422; Gen. 2:13; Mark 2:27, 28.

Talatang Sauluhin: Nang ikapitong araw ay natapos ng Diyos ang gawain na Kanyang
ginawa, kaya nagpahinga Siya nang ikapitong araw mula sa lahat ng Kanyang ginawa. (Genesis 2:2).

ng liksiyon sa linggong ito ay nirerepaso ang maiksing paglalarawan ng Biblia sa huling

tatlong araw ng Paglalang at sa Sabbath na kapahingahan. Ang paglalarawang itoy makikita sa Genesis 1-2:1-3, subalit may napakaraming reperensya rito sa ibang bahagi ng Kasulatan. Ang isa sa pinakakapansin-pansing aspeto ng salaysay ng Paglalang ay ang pagkakahati-hati nito sa mga araw ng Paglalang. Bakit kaya pinili Niyang gawin ang pitong-araw na ikot ng panahon na tinatawag nating sanlinggo? Hindi tuwirang sinasabi sa atin ng Kasulatan, pero puwede tayong makakita ng mga pahiwatig. Siguroy ang pinakamahalaga na pahiwatig ay ang Sabbath mismo, na naglalaan ng isang natatanging panahon para sa pag-uugnayan ng Diyos at ng mga tao. Bakit itinatag ng Diyos ang sanlinggo para magbigay ng kaukulang panahong nararapat sa ordinaryong trabaho, pero may regular na haba ng panahong ibinukod bilang paalaala n gating relasyon sa Diyos (tingnan ang Marcos 2:28). Maipapaalala nito sa mga tao na ang Diyos talaga ang tunay na tagapagbigay at tayoy talagang umaasa lang nang husto sa kanya. Anuman ang dahilan, madaling Makita na ang salaysay ng Paglalang sa Genesis ay nagbubunyag ng isang Paglalang na ginawa nang may pambihirang ingat at layunin. Walang binayaan sa pagkakataon.
1

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LINGGO

Enero 13

Araw, Buwan, at mga Bituin


Basahin ang Genesis 1:1419. Anong mga pagkilos ang binabanggit sa ikaapat na araw ng Paglalang? Paano natin maiintindihan ito, lalo na sa kasalukuyang pagkaunawa natin sa pisikal na daigdig? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

ng ikaapat na araw na siguro ang tinatalakay nang higit kaysa alinman sa iba pang anim

na araw ng Paglalang. Kung ang araw ay nilikha noong ikaapat na araw, ano ang nagpapaikot araw-araw sa unang tatlong araw ng Paglalang? Sa kabilang banda, kung naroon na dati ang araw, ano ang nangyari noong ikaapat na araw? Ang kawalang-katiyakan ukol sa mga pangyayari sa ikaapat na araw ng Paglalang ay hindi galing sa lohikal na kontrahan kundi sa karamihan ng posibilidad. Isang posibilidad ay, ang araw ay nilikha sa ikaapat na araw, at ang liwanag sa unang tatlong araw ay galing sa presensya ng Diyos o kayay sa iba pang pinanggagalingan tulad ng isang supernova. Ang Apocalipsis 21: 23 ay kaayon ng ideyang ito, kung paanong ang araw ay hindi na kailangan sa bagong lupa dahil naroroon ang Diyos. Ang ikalawang posibilidad ay itinakda sa araw, buwan, at mga bituin ang kanilang tungkulin sa ikaapat na araw. Parang kaayon ng Awit 8:3 ang pananaw na ito. Ang ikatlong posibilidad ay, ang araw ay naroon na dati pero natatabunan ng mga ulap o kayay abong ibinuga ng bulkan at hindi pa nakikita o lubos na gumagana hanggang sa ikaapat na araw. Maitutulad mo ito sa planetang Venus, kung saan ang ganoon ding sitwasyon ay nangyayari ngayon. Ang talata ay parang hindi malinaw na pinagtitibay o kayay hinahadlangan ang alinman sa interpretasyong ito, bagaman hindi nito pinipigil ang matitinding opinion sa paksang ito. Siguroy magandang tuntunin na huwag bibigyan ang isang paksa ng higit na kahulugan kaysa sa ibinibigay dito ng Biblia, at dapat nating tanggapin na ang ating pagkaunawa ay limitado. Ang pagtanggap na ito, lalo na tungkol sa paglalang, ay hindi dapat mahirap gawin. Dahil kung tutuusin, isipin mo kung gaano karaming misteryo ng siyensya ang nariyan ngayon; sa ibang salita, nariyan ang mga ito para masuri ng eksperimento ng siyensya subalit misteryo pa rin. Gaano pa kaya kamisteryoso ang natatago sa malayo nang nakaraan?

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LUNES

Enero 14

Paglikha ng mga Hayop sa Himpapawid at sa Tubig


Basahin ang Genesis 1:2023. Anong ebidensya ang nasa mga talata, kung meron man, na nagpapahiwatig ng pagsasapalaran? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

ng katubigan at himpapawid ay nilagyan ng mga nilalang sa ikalimang araw ng

Paglalang. Marami ang nakakita ng ugnayan sa pagitan ng ikalawa at ikalimang araw ng Paglalang. Ang katubigan ay pinaghiwalay ng kalawakan sa ikalawang araw, at pareho itong napuno ng buhay na nilalang sa ikalimang araw. Ang mga pangyayari sa Paglalang ay parang naaganap sa isang pagkakasunod-sunod na nagpapakita ng sinadyang disenyo, ipinapakita ang pagkalingat kaayusan ng Gawain ng Diyos. Sa ibang salita, sa salaysay ng Paglalang ay walang nagbibigay ng anumang lugar para sa sapalaran. Pansinin na ang mga nilalang sa tubig at sa himpapawid ay parehong binanggit sa pangmaramihan, nagpapahiwatig na ibat ibang uri na ng organismo ang nilikha sa ikalimang araw. Bawat nilalang ay pinagkalooban ng kapasidad na manganak at magpakarami. Ang sarisaring uri ay naroon na sa pasimula pa lang. Walang iisang ninuno na pinanggalingan ng lahat ng iba pang uri ng nilalang, kundi bawat uri ay mukhang binigyan na ng posibilidad na manganak ng ibat ibang indibidwal. Halimbawa, may mahigit 400 napangalanang lahi ang nanggaling sa karaniwang kalapati, at di-kukulangin sa 27 lahi ng goldfish ang alam natin. Lumalabas na binigyan na ng Diyos ang Kanyang mga nilalang ng potensyal na manganak ng maraming uri ng ibat ibang anak, na nagdaragdag pa ng sari-saring uri ng nilikha. Sa talatang 21, nakita ng Diyos na ang mga nilalang na ginawa Niya ay mabuti. Itoy nagpapahiwatig na ang mga itoy maganda ang disenyo, kalugod-lugod sa mata, walang mga depekto, at buong kaayusang sangkot sa layunin ng paglalang. Kakaunti ang mga buhay na nilalang na higit na nakakagising sa ating imahinasyon at paghanga kaysa mga ibon. Ang mga ibon ay talagang kahanga-hangang nilalang at kamanghamanghang disenyo. Ang kanilang mga balahiboy magaan pero matibay, matigas pero nababaluktot. Ang mga bahagi ng balahibong panlipad ay pinagsasama-sama ng komplikadong grupo ng maliit na sima na nagbibigay ng matibay ngunit magaang pansuporta. Ang baga ng ibon ay dinisenyo sa paraang makakakuha ng oxygen habang siyay lumalanghap at gayundin habang humihinga ng hangin palabas. Ito ang nagbibigay sa mataas na antas ng oxygen na kailangan para sa matinding paglipad. Ang resultang ito ay nangyayari dahil sa pagkakaroon ng mga air sacs (supot) sa ibang mga buto nito. Ang mga supot na ito ang nagpapanatili sa daloy ng oxygen at kasabay nitoy nagpapagaan sa katawan ng ibon, pinadadali ang pagmentina ng at control ng paglipad. Kamangha-mangha ang pagkakagawa sa mga ibon. Habang nasa isipan ang lahat ng ito, basahin ang Mateo 10:29-31. Anong kaaliwan ang makikita mo sa mga salitang ito?
3

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

MARTES

Enero 15

Paglikha sa mga Hayop sa Lupa


Sa Genesis 1:2431, ang mga hayop sa lupa at ang mga tao ay nilikha sa ikaanim na araw. Gaya ng pagkakaugnay ng ikalawa at ikalimang araw, makikita rin ang ugnayan sa pagitan ng paghihiwalay ng lupa atdagat sa ikatlong araw at ng paglalagay ng mga nilalang sa lupa sa ikaanim na araw. Ipinapaalala uli ang maayos at may-layuning pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Paglalang, na kaayon ng isang Diyos ng kaayusan (ihambing ang 1 Cor. 14:33).

aya ng mga nilalang na nilikha sa ikalimang araw, ang pagkakasulat ng talata ay

nagpapahiwatig na marami nang uri ang nilikha nang ikaanim na araw ng Paglalang. Sari-saring uri ng mga hayop, alagang hayop, at mga gumagapang ay nilikha rin naman. Walang iisang ninuno ng lahat ng hayop sa lupa; ang Diyos, sa halip, ay lumikha ng maraming magkakaibat bukud-bukod na lahi. Pansinin ang mga salitang ayon sa kanya-kanyang uri, o katulad na mga kataga sa Genesis 1:11, 21, 24, 25. May mga nagtangkang gamitin ang katagang ito para suportahan ang ideya ng permanenteng uri, isang ideyang kinuha sa pilosopiyang Griyego. Iniisip ng mga sinaunang Griyego na ang bawat indibidwal ay di-perpektong hitsura ng isang di-nagbabagong huwaran, na ang tawag ay tipo (type). Subalit ang pagiging permanent eng mga uri ng nilalang (species) ay hindi kaayon ng turo ng Biblia na ang buong sangnilikha ay nagdurusa dahil sa sumpa ng kasalanan (Roma 8:19-22). Alam natin na ang mga uri ng nilalang ay nabago na, gaya ng inihayag sa mga sumpa sa Genesis 3 (Si Ellen G. White ay sumulat tungkol sa tatlong beses na sumpa sa lupaang sumpa pagkatapos ng Pagkakasala, pagkatapos ng kasalanan ni Cain, at pagkatapos ng Baha), at gaya ng nakikita sa mga parasito at mga maninilang hayop na nagdudulot ng maraming pagdurusat karahasan. Ang kahulugan ng katagang ayon sa kanyakanyang uri ay pinakamaiging mauunawaan sa pagsuri sa konteksto ng pagkakagamit nito.
Basahin ang Genesis 6:20, 7-14, at Levetico 11:14-22. Paano ginamit ang mga salitang ayon sa kanyang uri o ang katumbas na kataga? Paano tayo tinutulungan ng mga halimbawang ito na maunawaan ang kataga sa Genesis 1? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

Ang katagang ayon sa kanyang uri, o katumbas nito, ay hindi dapat ipakahulugan na patakaran ng pagpaparami. Sa halip, itoy tumutukoy sa katotohanang merong sari-saring uri ng mga nilalang na sangkot sa kinauukulang mga kuwento. Ang ibang salin ng Biblia ay ginagamit ang katagang ng sari-saring uri, na parang mas tumpak sa konteksto. Sa halip na tumutukoy sa pagiging permanent eng mga uri ng nilalang (species), ang katagay tumutukoy sa sari-saring uri ng nilalang na nilikha nang ikaanim na araw. Mula sa panahon ng Paglalang, ay marami nang uri ng mga halaman at hayop.

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

MIERKULES

Enero 16

Natapos ang Paglalang

ang matapos ang Paglalang sa anim na araw (saka na natin pag-aaralan ang paglikha sa

tao), makikita natin ang unang pagbanggit ng Biblia sa ikapitong araw.


Basahin ang Genesis 2:13. Pansinin lalo na ang talatang 1, na nagdidiin sa pagtatapos ng lahat ng ginawa ng Diyos. Bakit napakahalaga nito sa pagkaunawa natin sa kahalagahan ng ikapitong araw? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Ang salitang Hebreo para sa kapahingahan sa talatang ito ay shabath, na malapit na kaugnay ng salitang para sa Sabbath. Nagpapahiwatig ito ng pagtigil ng Gawain pagkatapos ng isang proyekto. Ang Diyos ay hindi pagod at nangangailangan ng pahinga; tapos na Siya sa Kanyang Gawain ng paglalang kaya tumigil na Siya. Ang espesyal na pagpapala ng Diyos ay nasa ikapitong araw. Hindi lang ito binasbasan kundi ginawang banal din, na dala-dala ang ideya ng pagkakabukod at bukud-tanging pagkakatalaga sa Diyos. Sa gayon ang Diyos ay nagbigay ng espesyal na kabuluhan sa Sabbath sa konteksto ng relasyon sa pagitan ng mga tao.
Basahin ang Marcos 2:27, 28. Ano ang sinabi ni Jesus na layunin ng Sabbath? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

Pansinin na hindi ginawa ang Sabbath dahil may pangangailangan ang Diyos kundi dahil may pangangailangan ang tao na ginawan ng probisyon ng Diyos. Sa katapusan ng unang sanlinggong iyon, nagpahinga ang Diyos sa kanyang Gawain ng paglalang at ginugol ang Kanyang panahon sa pakikipagrelasyon sa Kanyang mga nilalang. Kailangan ng mga tao ang pakikipag-ugnayan sa Maylikha sa kanila para maunawaan ang kanilang lugar sa sansinukob. Isipin mo ang kagalakan at pagkamangha na naranasan nina Adan at Eba habang nakikipag-usap sila sa Diyos at minamasdan ang daigdig na kanyang ginawa. Ang karunungan ng paglalaang ito para sa pagpapahinga ay lalo pang nagging mas malinaw pagkaraan ng pagkakasala. Kailangan natin ang kapahingahan ng Sabbath upang huwag nating malimutan ang Diyos at malulong sa materyalismot sobrang trabaho.

Iniuutos ng Diyos na ibigay natin ang ikapitong bahagi n gating buhay sa pag-alaala sa gawa ng Paglalang. Anong sinasabi nito sa atin tungkol sa kahalagahan ng turong ito? Paano mo matututunang magkaroon ng mas malalim at mas mayamang karanasan sa Panginoon sa pagpapahinga kung Sabbath gaya ng ginawa Niya mismo?
5

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

HUWEBES
Ang Literal na Araw

Enero 17

Basahin ang Genesis 5, 8, 31. Ano ang bumubuo sa isang araw ng paglalang? Meron bang nagpapahiwatig ` sa mga talatang ito na ang mga ito hindi literal na 24-oras na araw gaya ng nararanasan natin ` ngayon?

ng likas ng mga araw ng Paglalang ay nagging paksa ng maraming diskusyon. May mga

nagtatanong kung ang mga araw bang ito ay ordinaryong araw o baka kumakatawan sila sa mas mahabang yugto ng panahon. Ang paglalarawan ng talata sa mga araw ng Paglalang ay nagbibigay ng sagot sa tanong nayan. Ang mga araw ay binubuo ng gabi (madilim na yugto) at umaga (maliwanag na yugto) at sunud-sunod ang bilang. Ibig sabihin, ang mga araw ay inihayag sa isang paraang napakalinaw na nagpapakitang sila mga araw na gaya ng nararanasan natin ngayon, may gabi at umaga, may yugto ng kadiliman at may yugto ng liwanag. Mahirap makita kung paano mas malinaw o tiyakan ang pahayag na ito sa paglalarawan sa mga araw ng sanlinggo. Ang paulit-ulit na pahayag na at nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga ay nagdiriin sa literal na aspeto ng bawat araw.
Basahin ang Levitico 23:3. Ano ang indikasyon natin na ang buong pitong araw ng sanlinggo ng Paglalang ay ` katulad ng araw na nararanasan natin ngayon? ____________________________________________________________________________________

Walang pagdududa ang mga sinaunang Hebreo tungkol sa likas ng araw ng Sabbath. Ito isang araw na may ordinaryong haba pero may dalang espesyal na pagpapala mula sa Diyos. Pansinin ang tiyakang paghahambing ng anim na araw ng sanlinggong paggawa ng Diyos sa anim na araw ng sanlinggong paggawa natin at ang katumbas na paghahambing sa araw ng kapahingahan para sa Diyos at para sa atin. (tingnan din ang Exodo 29:9-11). Pati ang maraming iskolar na hindi naniniwala sa ideya na ang mga itoy literal na araw ay madalas na tinatanggap na ang pagkaunawa dito ng mga sumulat ng Biblia ay literal na mga araw. Napakapraktikal sa ating relasyon sa Diyos an gating pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang Salita. Kung hindi natin mapagkakatiwalaan ang Salita ng Diyos sa mga pundamental at malinaw na sinasabi nito gaya ng Paglalang sa literal na anim na araw sa Genesis, sa ano pa natin Siya mapagkakatiwalaan?

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

BIERNES

Enero 18

Karagdagang Pag-aaral: Gaya ng nasabi na, ang mga araw ng sanlinggo ng Paglalang ay
binilang at itinurong binubuo ng madilim na panahon, ang gabi, at ng maliwanag na panahon, umaga o araw. Walang makatuwirang paraan para bigyang-kahulugan ang mga araw na ito maliban sa pagsasabing sila y gaya ng mga araw na nararanasan natin ngayon. May mga gumagamit sa mga talatang gaya ng Awit 90:4 at 2 Pedro 3:8 kapag nakikipagtalo na sa katunayan daw ang bawat araw ng Paglalang ay kumakatawan sa 1, 000 taon. Ang konklusyong ito ay hindi iminumungkahi ng talata at wala itong magawa para resulbahin ang isyung ginawa ng mga nag-iisip na ang mga araw na ito y kumakatawan sa bilyun-bilyong taon. At saka, kung ang mga araw sa Genesis ay kumakatawan sa mahabang kapanahunan, maaasahan mo dapat na makikita mo sa mga fossil record ang pagkakasunod-sunod na kapareho ng pagkakasunud-sunod ng mga buhay na organismong nilikha sa sunud-sunod na anim na araw ng Paglalang. Samakatuwid, ang unang mga fossil ay dapat na mga halaman, na nilikha sa ikatlong araw. Ang sunod dapat ay ang mga unang hayop sa tubig at ang mga hayop sa himpapawid. Panghuli, ay makikita dapat natin ang mga unang hayop sa lupa. Pero hindi ganito ang pagkakasunudsunod ng mga fossil record. Ang mga nilalang sa tubig ay nauuna bago ang mga halaman, at ang mga nilalang sa lupa bago ang mga nilalang sa himpapawid. Ang unang fossil ng nagbubungang punongkahoy at iba pang mga halamang namumulaklak ay lumilitaw lamang pagkatapos ng grupong ito. Ang pagkakapareho lang ay, ang taoy panghuling lumitaw sa dalawang salaysay na ito. Sa bawat sunud-sunod na araw ng paglalang, sinasabi ng Biblia na itoy binubuo ng gabi at umaga, gaya ng lahat ng mga araw na sumunod. Ellen G. White, PATRIARCHS AND PROPHETS, p. 112. Subalit ang mapagdudang pagpapalagay, na ang mga pangyayari sa pinakaunang sanlinggo ay nangangailangan ng pitong napakahahabat di-tiyak na yugto ng panahon para maisagawa ay direktang humahampas sa pundasyon ng Sabbath ng ikaapat na utos. Ginagawa nitong di-tiyak at Malabo ang lubhang nilinaw ng Diyos. Ito ang pinakamasahol na uri ng kawalang-paniniwala; sapagkat para sa maraming nagsasabing silay naniniwala sa salaysay ng paglalang, itoy nakabalat-kayong kawalangpaniniwala. Ellen G. White, SPIRITUAL GIFTS, vol. 3, p. 91.

Mga Tanong Para sa Talakayan:

Kahit sa di-literal na interpretasyon ng Genesis, dalawang punto ang kitang-kita:


walang sapalaran sa gawa ng Paglalang, at walang iisang ninuno para sa mga uri ng nilalang (species). Ngayon, dumating ang ebolusyon ni Darwin, na sa ibat ibang bersyon nito ay nagtuturo ng dalawang bagay: ang pagiging sapalaran at iisang ninuno para sa lahat ng uri ng may-buhay. Paano mo, kung gayon, ipaliliwanag ang Genesis sa pamamagitan ng isang teorya na, sa pinakasaligang antas nito, ay sinasalungat ang Genesis sa pinakasaligang antas nito?

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

Bakit mahalagang maunawaan na ang siyensya, sa kabila ng lahat ng mabuting


nagagawa nito, ay isa pa ring pagsisikap lamang ng tao?

Ang lahat ng pinag-aaralan ng siyensya ay ukol sa nagkasalang sanlibutan, isang


kaibang-kaiba sa maraming paraan ng orihinal na Paglalang. Bakit napakahalagang lagging tandaan ang katotohanang yan?

You might also like