Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Kabanata 1: Katangiang Pisikal ng Asya

Sa kapanahunan ni Homer ng Gresya, ang mga lupain sa silangan ng Aegean ay tinawag ng mga Griyego sa Asya. Ang pangalang Asya ay hango sa salitang Asu na ang ibig sabihin ay lupain ng sumisikat na araw. Sa panahon naman ni Augustus ng Roma, ang Asya ay tumutukoy sa probinsya ng Imperyo ng Roma na sumasakop sa kasalukuyang Asia Minor. Noong panahong klasikal, Asya rin ang pangalang ibinigay ng mga tagaEuropa sa bahagi ng kontinente na umaabot sa silangan ng kanilang daigdig. Simula noon ang Asya ay iniugnay sa pagsikat nga raw at ang Europa sa paglubog nito. Ang mga Asyano ay taga-Silangan at mga Europeo ay taga-Kanluran. Sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng isang rehiyon mahalaga na malaman ang heograpiya nito. Ang mga mahahalagang salik ng heograpiya ay lokasyon, lawak o sukat, topograpiya, klima, at likas na pinagkukunang yaman.

Batayang Kaalaman:
1. Heograpiya pag-aaral tungkol sa isang katangiang pisikal ng daigdig, ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Ang salitang heograpiya ay mula sa salitang kastilang geografia. 2. Tangway isang mahabang usli ng lupa sa tubig at inuugnay ito sa kalupaan sa pamamagitan na tinatawag na istmus. 3. Monsoon ay may 2 uri na dumaraan sa Asya. Ito ang hanging Amihan at Habagat. 4. Talampas isang lugar ng burol, karaniwang binubuo ng medyo malapad na kalupaan. 5. Topgrapiya ay tumutukoy sa katangiang ng balat ng lupa o ng mga anyong lupa at anyong tubig na isang bansa.

6. Kontinente ang mga bansa o lupang nabuo ilang milyon ng nakaraan. 7. Pulo isang piraso ng lupa na mas malaki sa kontinente at mas malaki sa bato na napalilibutan ng tubig. 8. Klima tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon at kasalukuyang panahon. 9. Kapuluan isang pangkat ng mga isala o pulo na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. 10. Disyerto isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato.

Reaksyon:
Lokasyon, Sukat, & Topograpiya napagalaman kong ang Asya ay may kabuuang sukat na 17,500,000 milya kuwadrado o 44,418,000 kilometro kuwadrado. Na ang Eurasia ang tawag sa pinagsamang kontinente ng Europa at Asya. Ang Topograpiya ay binubuo ng ibat ibang anyong tubig at lupa na isang malaking biyayang pinagkaloob sa atin ng panginoon. Mga Anyong Lupa & Tubig Natuklasan kong ang anyong lupa at tubig ay mahalaga sa atin at maging sa kapaligiran na nag-bibigay yaman. Nagagamit natin ang yamang ito sa ating pang araw-araw na pangangailangan. Kaya nararapat lamang na pangalagaan. Klima Dito ko na pagtanto na ang klima ay pangmatagalan. Natuklasan ko rin ditto ang hanging Habagat at hanging Amihan. Pinagkukunang Yaman Napagisip-isip kong na maraming nakatagong likas na yaman na dapat ay ingatan upang lalo itong dumami at mapakinabangan, dahil maaaring ang mga likas na yaman na ito ay makatulong sa atin mapa-angat ang ekonomiya. Mga Rehiyong Pangheograpiya Nalaman kong sa limang rehiyon nahahai ang Asya: Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Hialgang Asya, Kanlurang Asya, at ang Gitnang Asya. Iba-ibang rehiyon at kultura ng mga bansang nakapaloob dito.

Kabanata 2: Yamang Tao ng Asya


Sa kabanatang ito ilalarawan ang mga Asyano gamit ang batayan ng mga antropologo ng biological at social race. Ano ang lahing pinagmulan at ang kulturang gumagabay sa kanilang pamumuhay? Tatalakayin din ang distrubisyon ng populasyon sa ibat ibang rehiyong pang-heograpiya. Mga Asyano ang bumubuo sa 40% ng populasyon ng buong mundo. Dalawang bansa sa Asya ang may pinakamalaking populasyon ang Tsinan a may 1,284,303,705 tao at ang India na may 1,405,845,226 na tao. Tinataya ng Nagkakaisang mga Bansa na aabot sa mahigit na 4 na bilyon ang populasyon ng Asya sa malapit na hinaharap kapag hindi nabago ang takbo ng pagtaas nito.

Batayang Kaalaman:
1. Han unang tao sa Hapon. 2. Budismo rehiyon ng mayorya ng mga taga-Timog-Silangang Asya. 3. Carlos P. Romulo unang Asyano na naging pangulo ng Pangkahalatang Asemblea ng Nagkakaisang mga bansa. 4. Confucianismo tradisyonal na relihiyon ng mga Tsino. 5. Simitik Instik 6. One Child Policy Ang polisiyang iisa lang ang dapat maging anak. 7. Family Planning Program (POPCOM)- ay programang pangkalusugan para sa mga Ina at mga bata. 8. Lucio Tan, Henry Sy, at Jaime Zobel de Ayala- napabilang sa talaan ng 793 mga bilyonaryo o pinakamayaman sa buong mundo. 9. Dravisdian & Ido-Aryan (2) grupong etniko sa India. 10. Non-Government Organization (NGO)- pribadong sector sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Reproductive Health

Program.

Reaksyon:
Silangang Asyano Napagalaman kong 82% ng mga Silangang Asya ay mga Sinitik o ang mga Instik. Timog-Silangang Asyano Natuklasan kong halos 70% ng TimogAsyano ay naninirahan sa India, karaniwan na sa kanila ng tawaging Indian. Mga Taga-Hilaga-Gitnang Asya nadiskubre kop o na mga Siberian ang mga naninirahan ditto. 85% sa kanila ay Slavic Russian at Ukrainian. Asyano sa Kanluran-Silangan Napagalaman na ang mayorya nila ay kabilang sa grupong etniko. Populasyon ng Asya Nadiskubre ko na ang populasyon ng Asya ay sobrang laki, kayat may nagsasabing mabagal ang pag-unlad ng kontinenteng ito. Kasarian & Edad Napagalaman kong ang kasarian at edad ng mga tao sa Asya ay mahalaga. Dito natutukot ang kasarinlan ng isang tao o kung paano siya matutukoy. Per Capita Income Nadiskubre ko na ang kita ng bawat tao sa bansa mahalagang batayan ng pagsusuri ng kaunlaran at na ang Pilipinas ay pang-anim sa pinaka may mataas na Per Capita Income. Mga Patakarang Pampopulasyon Ang masasabi ko lang po dito ay dapat lang magpatupad ng batas ang gobyerno na makakatulong sa pagkontrol ng paglaki ng populasyon. Katangiang ng mga Asyano Sa aking palagay tunay na kahangahanga ang mga Asyano dahil kahit hirap sila sa buhay nakakagawa parin sila ng paraan upang makabangon at maging matagumpay.

Kabanata 3: Ang Asya sa Panahong Prehistoriko


Kilala ang mga Asyano sa pagiging relihiyoso. Naniniwala ang mga relihiyoso na ang lahat ng bagay sa mundo may buhay man o wala, ay likha ng Diyos. Sa kabila ng pagiging reliho\iyoso, ang mga Asyano ay may kani-kanilang alamat na pinaniniwalaan tungkol sa pinagmulan ng sangkatauhan. Ang mga Hapones halimbawa ay naniniwala na sila ay inapo ng diyosa ng araw na si Amaterasu sa pamamagitan ng apo nito sa tuhod na si Jimmu Tenno. Si Jimmu Tenno raw ang kanilang unang emperador. Naniniwala naman abf nga Koreano na silay bunga ng pagsasama ng espiritu ng isang tigre at ng isang babaeng oso. Ayon naman sa mga Tibetan, ang kanialng lahi ay bunga ng pagsasamana ng isang unggoy at isang babaeng diyablo na nagkatawang-tao. Palasak naman ang alamat ni Malakas at ni Maganda ng mga Pilipino. Ayon sa alamat, biniyak ng isang ibon ang isang kawayan at mula ritoy lumabas ang isang lalaki na si Silalak o Malakas at ang unang babae na si Sibabay o Maganda.

Batayang Kaalaman:
1. Hominid kabilang sa pamilya na binubuo ng mga nilalang na kawangs ng tao; Maagang anyo ng tao. 2. Artifacts bagay na nakuwa at naimbestigasyon gawa ito ng mga taong nasa sinaunang panahon. 3. Panahong Prehistoriko ang panahong bago naimbento ang sistema ng pagsulat. 4. Panahong Historiko panahon na nasusulat na ang kasysayan. 5. Fossils ay binubuo ng mga buto, ngipin, at skeleton ng mga sinaunang nilalang. 6. Arkeologo Taga-tuklas o taga-diskubre; nag-aral ng mga buo o fossils at articfacts. 7. Paleotiko Panahong magspang na bato.

8. Flint isang uro ng bato kapag pinukpok o kiniskis ay lumilikha ng liyab o kumikislap. 9. Ramapithcus ay ninuno ng orangutan, isang malaking uri ng unggoy na nakatira sa Asya. 10. Australopithecus unggoy sa timog

Reaksyon:
Pahayag ng mga Siyentipiko nakilala ko si Charles Darwin at ang kanyang mga teorya tungkol sa tao at ang ninuno natin na nagsasabing tayoy nagmula sa unggoy. Pinakamaagang Ninuno ng Tao natuklasan kong ang Ramapithecus ay uri ng unggoy na nabuhay ng 14-18 milyong taon nakakalipas na sinasabing ninuno ng pinaggalingan natin. Direktang Ninuno ng Makabagong Tao napag-aralan ko na Hominid ang maagang uro ng tao o Panahong Pleisticene. Dito nalaman ko ang pagkakadiskubre ng pag-evolve nito. Tinahanan ng Unang Tao sa Asya Dito malalaman na meron tayong tirahan at itoy nagpapahayag na totoo ito. Ngunit nararapat ring paniwalaan ang Diyos Ama. Ebolusyong Kultura Nalaman kong isa ito sa pinakamahalagang impormasyon at isang mahalagang palatandaan ng pagpapatunay na pagkakalinang ng kultura ng sangkatauhan. Isiniwalat ang pagkakaiba ng panahon ng lumang bato at bagong bato. Sa bagong bato nakasaad ang maaga, gitna, at huling oanahon ng bagong bato. Nadiskubre ko rin ang Panahong metal, tanso, bronse, at bakal.

Kabanata 4: Sinilangan ng Unang Sibilisasyon


Ang mga unang sibilisasyon ay sumilang sa mga ilog-lambak ng Asya at Afrika. Ang pinakamatanda rito ay ang sibilisasyong Mesopotamian na sumipot mga 5000 taon na ang nakakalipas sa rehiyong matatagpuan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. Ang sibilisasyong Ehipsyo ay nalinang sa baybayin ng Ilog Nile sa Hilagang Africa. Sa lupaing malapit sa ilog unang nanirahan nang permanente ang mga tao dahil sa tubig at pagkaing handog ng mga ilog. Panapanahon ang pag-apaw ng mga ilog at sa pagkati nito, nag-iiwan ito ng barlik na nagsisilbing pataba sa mga sakahan. Noong sinaunang panahon, higit na madali ang paglalayag kaysa paglalakbay sa pammagitan ng daang-lupa kaya naging madali ang pakikipag-kalakalan sa mga lugar na ito. Lumaki nang lumaki ang populasyon hanggang ang mga pamayanan ay naging lungsod.

Batayang Kaalaman:
1. Ziggurat itunuturing na tulay sa pagitan ng tao at ng kanilang 2. 3. 4. 5. 6.

7.

diyos. Prinsipe Wu nagtatag ng Dinastiyang Hsia. Dinastiyang Hsia Kauna-unang Dinastiya sa Tsina. Chou Hsin nakaimbento ng Chopticks. Phoenicia hinangi sa salitang phoenix, isang kulay na nakukuha sa isang espesyal na klaseng shellfish. Cyrus the Great nagtatag ng Dinastiyang Achaemenid; nagtagumpay laban sa kanyang lolo na si Haring Astyages noong 550 B.K. Bagong Babylon tawag sa panumbalik ng kaluwalhatyon ng Babylonia.

8. Nebuchadnezzar pinakamagaling na monarko ng Imperyong Chaldean na nakaabot sa tugatog ng kadakilaan sa panahong ito. 9. Zoroaster 0 Nagtatag ng rehiyong Zoroastrianismo. 10. Palestina- Banal na lupain ng mga Hebreo.

Reaksyon:
Sibilisasyong Mesopotamian napagalaman ko na mga Griyego ang nagpangaan sa kanila ng Lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Nakilala ko ang mga Sumerian at kung pano ito bumagsak. Kasama rin ang mga Babylonian, Hittite, Asyrian, Chaldean, at mga Persiano kasama ang mga nagawa nila. Sinaunang Sibilisasyon sa kulturang Fertile Crescent nalaman ko na binubuo ng Palestina, Phoenicia, at Syria. Okupado ito nga pat na bansa: Lebanon, Israel, Jordan at Syria. Napag-alaman ko ang ga: Hebreo, pamano ng mga Hudyo, Ang mga Phoenician at ang pamana nila. Kasama rin ang mga Aramean at ang kanilang pamana. Masasabi talaga natin ang mga nakaraang panahon ay puno ng mahahalagang impormasyong dapat nating malaman at talaga naman nakaka-interisado. Sibilisasyon ng lambak Indus Ang masasabi ko lang ditto ay isa ito sa apat na pinaka-dakilang sibilisasyon sa mundo. Kung anong pinagmulan at ang pagkakadiskubre nito kung pano ang kanilang kultura pero nalaman ko rin na nabuwag at bumagsak ang sibilisasyong ito. Ang Sibilisasyong Tsino napagtanto kop o na magnda at nakaka-interisado na kwento. Maraming mapupulot na kaalaman sa pagtuklas ng ibat ibang impormasyon nakasaan dito.

Kabanata 5 : Ang Imperyong Islam


Sa panahong organisado na at maunlad ang mga pamayanan sa rehiyon ng Fertile Crescent, nanatli na ring primitibo at lagalag ang mga Arabe sa Tangway ng Arabia. Noong ika-7 siglo P.K. ang kalakalan sa Arabia ay nakasentro sa kapatagan ng Red Sea at Golpo ng Persia. Isa sa sentrong kalakalan ay ang lungsod ng Mecca, malait sa Red Sea. Dito sa Mecca ipinanganak si Mohammed noong 570 P.K. Si Mohammed ang nagtatag ng relihiyong Islam. Nabahala si Mohammed dahil patulog na pagsamba ng mga Arabe sa mga Diyos-diyosan sa gulang na 40, nagkaroon siya ng pangitain na tinawagan siya upang maging propeta ng Diyos. Hinimok niya ang mga Arabe na sumamba sa iisang Diyos at tanggapin siya bilang Propeta nito. Natakot ang mga Arabe sa mga ipinahayag ni Mohammed at marami ang nagpakita ng pagsalungat nito sa kanya. Napilitan siya na lumikas patungong Media, ang pagtaks na ito ni Mohammed ay tinawag na Hegira. Sa Medina, tinanggap si Mohammed bilang pinuno at propeta ng Diyos.

Batayang Kaalaman:
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Ak-Khawarizmi Ama ng Matematika. Hegira pagtakas ni Mohammed patunging Medina. Janisary Corps grupo ng mga sinanay na kabataan. Canon Of Medicine isang encyclopedia tungkol sa pagpapagaling ng ibat ibang karamdaman. Jihad Banal na pakikidigma. Sickman Of Europe tawag sa pagsisimula ng Turkey noong ika-20 siglo. Mohammed ang nagtatag sa relihiyon Islam. Uthman pumlit kay Umar bilang kalipa. Umar tagapayo ni Abu Bakr.

10. Abu Bakr unang kalipa; Nagbalik ng Islam ang mga tribong nag-alsa makaraang mamatay si Mohammed.

Reaksyon:
Ang unang 4 na kalipa- Nalaman kong si Abu Bakr anf unang kalipa, pangalawa naman si Umar na naging pinakamalapit na tagapayo ni Abu Bkar. Pumapangatlo naman si Uthman bilang kalipa naisang lider, at ang huli ay si Ali na pinsan ni Mohammed na asawa ni Fatima na anak ni Mohammed. Dinastiyang Umayyad (661-750) Natuklasan kong itinatag ito ni Muawiya at pinamunuan hanggang 750. Dinastiyang Abbasid (750-1258) Nalaman kong ang Abbasid ay hinango kay Abu Al-Abbas Al-Shaffan, apo sa tuhod ni Mohammed. Dinastiyang Fatimid, Ang mga turkong Seljuk at ang Krusada Napagtanto kong halos maraming sumasalungat sa Dinastiyang Abbasid kaya nagtatag si Ubaydullah (isang lider at masasabing angkan ni Fatima), Ito ang Dinastiyang Fatimid. Nakilala ko rin ang mga Turkong Seljuk at Krusada. Imperyong Ottoman at ang Pagbagsak nito Nalaman kong hanabng ang Ottoman ay nasa ilalim ng Seljuk Inokupa nila ang isang bahagi ng Asya Minor sa pamumuno ni Osman at nasakop nila ang Seljuk. Kaso, unti0unting naging lubhang maluho ang pamumuhay ng sultan at lumalala ang intriga sa pamunuan. Tinangja nilang sakupin ang Vienna ngunit silay nabigo at untiunting umurong ang mga sundalong turko. Mga Ambag ng mga Muslim sa Kabihasnan ng Daigdig Napag-alaman kong maraming nagawa at ma-ambag ang ibat-ibang Dinastiya at ang mga kultura at maging sa gamit ay nagkaroon sila ng isang kamangha-manghang ambag.

Kabanata 6: Timog-Silangang Asya noong Sinaunang Panahon


Nasa maagang yugto pa lamang ng kultura ang Timog-Silangang Asya nang makapasok ditto ang mga dayuhang impluwensiyang dala ng mga manlalakbay nakaramihay buhat sa Timog Asya. Ang mga katutubo ng rehiyon, bagamat marunong magsaka, ay mga nomadiko at pagano. Sa pagpasok ng mga dayuhang impluwensiya ay naitatag ang mga kahariang Hindu, Buddhist, at Islamik. Sa panahong nagsisimula pa lamang maitatag ang mga permanenteng panirahan hanggang sa maitatag ang mga kaharian, naging malaki na ang impluwensiya ng Hinduismo at Budismo sa pamahalaan at kultura sa maraming bansa sa rehiyon. Gayundin, ang Islam ay naging maimpluwensiya sa Pilipinas at as Indonesia.

Batayang Kaalaman:
Theravadang Budismo (Timog Budismo) ang higit na popular kesa sa katimugang ng Asya. 2. Ramayana matandang epiko ng India. 3. Dvipa rutang napapalubutan ng tubig. 4. Suvarna ginyo 5. Yaya Trigo 6. Lungsod ng mga Mangangaso ang ibig sabihin ng unang kabisera ng Funan ay ang Vyadhapura. 7. Bodhissattva santong pinagdarasalan ng haring Buddhist. 8. Ramkhamhaeng isa sa maagang pinuno o hari ng Sukothai. 9. Pho Kun Loethai anak ni Ramkhamhaeng ay isang debotong Buddhist at tinawag siyang devaraja o banal na hari.
1.

10.

Luthai anak ni Pho Kun Loethai, pumasok sa monastery si Luthai at ginugol ang kanyang panahon sa pagiging isang prayleng Buddhist (bhiksu).

Reaksyon:
Ang Maagang Impluwensiya ng Kulturang Indian at Tsino Masasabi kong lumaganap ang ibat-ibang kulturang naisakatuparan o naipahayag. Ibat-ibang kwento ang nasasalamin sa talakaying ito. Annam nalaman kong silay tinaguriang mga Annamese sa Semtral Vietnam. Simpleng pamumuhay at pasasaka ang ikinabubuhay nila. Champa nalaman kong may relasyon pala sila sa mga malay na nanirahan sa Sentral at Timog baybayin ng Vietnam. Funan ang sinaunang Kampuchea, at nalaman kong isa pala ito sa pinakamatanda at pinakadakilang dinastoya sa Timog-Silangang Asya. Ang ibig sabihin ng Funan ay Hari ng kabundukan. Chenia masasabi kong wala gaanong naiwang bakas ang Chenia kaya walang makuhang basehan ang historyador para mailarawan Estado ng Angkor nalaman kong ang estado ng Angkor ay may makabuluhang kasaysakayan. Ang pangalan ng dating Cambodia ay Kampuchea. Sukhothai & Ayutthaya Nalaman kong naimpluwensiyahan sila ng kulturang Dongson. Bukang Liwayway ang tawag sa Sukothai. Ang hari nila ditto ay si Ramkhamhaeng. Kamanghamangha ang kanilang lahi. Pagan kahit mahusay ang pamumuno ni Haring Anawrata. Sa huliy nasakop at nasalanta rin ang Pagan. Ang mga Imperyong Srijaya, Sailendra, Mataram at Majapat & Ang Islamisyon sa Indonesia at Malaysia Masasabi kong kahnga-hanga pala ang kasaysayan nila.

Kabanata 7: Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano


Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano. Hindi ito kataka-taka dahil sa Asya sumilang ang mga pangunahing relihiyon sa mundo. Sa Gitnang Silangan sumilang ang Zoroastrianismo, Judaismo, Kristy\iyanismo, at Islam. Sa Timog Asya naman nagsimula ang Jainismo, Hinduismo, at Budismo. Samantala, Silangang Asya naman ang sinilangan ng Confucianismo, Shintoismo, at Taoismo. Bago pa man sumilang ang mga organisadong relihiyon, naniniwala na ang sinaunang Asyano na may kakaiba at makapangyarihan puwersa na may kinalaman sa mga pangayayaring nagaganap na wala sa kakayahan ng tao, na sila at ang kanilang kapaligaran ay nilikha ng isang makapangyarihang nilalang na hindi nila nakikita. Dito nagsimula ang paniniwala sa mga espiritu na kanilang sinasamba kahit di nakikita at ito ang panimula konsepto ng relihiyon. Ang pananaw sa kabilang buhay, paraan para mabuhay, pakikipagkapwa, sistema ng pamumuno, at iba pang mga gawaing panlipunan ay ginagabayan ng relihiyong pinaniniwalaan. Kaya upang malubos ang kaalaman tungkol sa pamumuhay ng sinaunang Asyano, mahalaga na talakayin ang mga batayang paniniwala ng mga relihiyong sumilang sa Asya at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Batayang Kaalaman:
1. Zoroaster/Zarathustra nagtatag ng relihiyong Zoroastrianismo. 2. Judaismo ang relihiyon ng mga sinaunang Hudyo na nabibilang sa tribo ni David na humalili kay Saul bilnag hari ng Israel. 3. Bibliya banal na kasulatan ng relihiyong Kristiyanismo na binubuo ng luma at bagong tipan.

4. Mohammed ang nagtatag ng relihiyong Islam. 5. Hegira ay itinala bilang simula ng kalendaryong Islam. 6. Nirvana pinakamataas na antas ng kabanalan upang makipagisa kay Brahma, ang punong diyos. 7. Budismo ay itinatag ni Siddharta Gautama; hinango sa salitang Sanskrit na Buddha na ang ibig sabihin ay naliliwanagan o namulat. 8. Confucius ang kinikilalang pinaka-dakilang pilisopo ng Tsina; ang nagtatag ng relihiyong Confucianismo. 9. Taj Mahal ito ang isang museleo na ipinagawa ni Shah Jahan para sa kanyang asawa na si Mumtaz Mahal. 10. Lao Tzu tagapagtatag ng relihiyong Taoismo.

Reaksyon:
Zoroastrianismo, Judaismo, Kristiyanismo, Islam, Jainismo, Sikhismo, Hinduismo, Budismo, Confucianismo, Taoismo, at Shintoismo Ibat ibang relihiyong na may sari-sariling paniniwala. Lahat ay may mabuting hangarin sa pananalangin. Ang Sining ng mga Asyano Talagang kahanga-hanga ang mga Asyano. Ang pinaka-kilala rito ay ang Kaligrapiya ng Tsina. Ang Panitikang Asyano Nalaman kong ang mga Asyano ay nakalikha ng mga kaisipan na nakaambag sa lipon ng mga kayamanang itelekwal ng daigdig.

Kabanata 8: Kolonyanismo sa Timog-Silangang Asya


Binigyan-daan ng paggalugad at pagtuklas ang pananakop ng mga Europeo sa Asya. Ang paggalugad sa ibayong-dagat ng mga Eurepeo ay bunsod ng mga sumusunod na layunin: 1. 2. 3. 4. Palaganapin ang Kristiyanismo Hanapin ang pinanggagalingan ng ginto at rekado Maghanap ng pamilihan ng kanilang mga yaring produkto Makipagsapalaran at madulutan ng karangalan ang bansa

Batayang Kaalaman:
1. Bartholomew Diaz nakatuklas sa Cape of Good Hope noong 1488 sa dulo ng Timog Africa. 2. 333 taon ang taon kung kalian nasakop ng mga Espaa ang Pilipinas. 3. Ferdinand Magellan - ay isang kawal na Portuges na nakatuklas ng daan mula Europa patungong Asya at nakasabing bilog ang mundo. Ang kanyang tunay na pangalan ay Fernao de Magalhaes sa Portuges. Tinawag siya na Fernando de Magallanes sa Kastila. 4. Miguel Lopez de Legazpi pinuno ng kauna-unahang nagtagumpay na ekspidisyon na ipinadala ng Espaa sa Pilipinas. 5. Strait of Magellan ang tawag ngayon sa karagatan na lagusan sa Timog Amerika ni Magellan. 6. 1565 itinatag ni Legazpi ang unang permanenteng tahanan ng mga Kastila sa Cebu. 7. 1571 nasakop ni Legazpi ang kahariang Muslim ni Raja Sulayman sa Maynila. 8. Heneral J. Groff van der Bosch (1829-1839) ang nangasiwa sa sistemang kultural sa Java. 9. 1824 nilusob ng hukbong Burmese ang India. 10. Pebrero 6, 1819 lumagda sa isang kasunduan sina Sir Thomas Stamford Raffles at ang Sultan ng Johor.

Reaksyon:
Ang mga Portuges at Kastila sa Asya Sa pagalugad ng mga rekado at ang pagpapahayag ng relihiyong Kristiyanismo, natuklasan ng mga Portuges ang Asya. Napatunayan ni Ferdinand Magellan na tunay ngang bilog ang mundo. Naging Kolonya ng Espaa ang Pilipinas nalaman kong nasakop tayo at naging kolonya ng mga Kastila sa loob ng 333 taon. Pamamahala ng mga Kastila Para sakin, hindi karapat dapat ang pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Sadyang naging sakim ang mga Kastila sa pamumuno ng bansa. Ang mga Amerikano sa Asya at ang Pamamahala nito sa bansang Pilipinas Nalaman kong dahil sa digmaang EspaaAmerikano nakapunta ang mga Amerikano sa Pilipinas. Kahit ibinalik nila ang demokrasya sa bansa, nakaranas parin ang bansang Pilipinas ng pagsasamantala. Ang mga Olandes sa Asya at ang Pamamahala nito sa Indonesia Nalaman kong iisa lamang ang layunin ng mga Olandes sa India yun ang tumubo at kumita nang malaki sa pakikipagkalakalan. Naging mapagsamantala rin sila. Ang mga Pranses sa Asya at Pamamahala nito sa Indonesia para sakin, hindi rin naging maganda ang pamumuno ng mga Pranses sa India. Ang mga Ingles sa Asya at ang Pamamahala ng mga Ingles sa Burma at Malaya Nalaman kong kahit binigyan ng posisyon ang mga Burmese ay iyon ay mababa lamang, lahat ng mataas na posisyon ay hinahawakan ng mga Ingles. Epekto ng Kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya nalaman kong nagkaroon ng malaking pagbabago sa kabuhayan, lipunan, at buhay-pulitka ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Kabanata 9: Ang mga Dayuhan sa Timog Asya


Sa loob halos ng isang siglo matapos marating ni Vasco de Gama ang Calcutta, India, nakontrol ng mga Portuges ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Silangang Indies at Europa. Naputol ang pamamayani ng Portuges nang pumasok sa kompetisyon ang mga mangangalakal na Olandes, Ingles, at Pranses. Noong 1605 napaalis ng mga Olandes ang mga Portuges at nang lumaoy naitaboy na rin nila ang mga Ingles sa laban ng Indinesia. Sa bandaning huli mga Ingles at mga Pranses ang naging mahigpi na mafkatunggali na rehiyon.

Batayang Kaalaman:
1. Robert Clive ang namuno nang tinalo ng hukbong Ingles ang magkasanib na puwersa ng mga Indian at Pranses. 2. Francois Dupleix ang namuno sa puwersa ng Indian at Pranses. 3. Sutte ay ang pagsunog sa katawan ng balong babae kasama sa pagsunog sa bangkay ng namatay na asawa. 4. Thuggi isang ritwal ng pag-aalay ng buhay ng isang tao para sa diyosang si Kali. 5. Sepoy ang mga Rebelyong Indian. 6. Viceroy ang kumakatawan sa pamahalaan sa isang bansa, klonya o isang lugar. 7. Mayo 10, 1857 sinakop ng mga Sepoy ang Delhi. 8. 1858 winakasan ng Britanya ang pamamahala sa British East India Company sa India. 9. Reyna Victoria ang nagtalaga ng isang viceroy upang mamuno sa India.

10. 1765 itinalagang gobernador si Robert Clive ng kompanya ng Bengal Presidency.

Reaksyon:
Ang mga Ingles sa India Nalaman kong natalo ni Robert Clive ang magkasanib na bansang India at Pranses sa pamumuno ni Francois Dupleix. Pamamahala ng mga Ingles sa India masasabi kong ang pamamahala ng mga Ingtles ay karapat-dapat na ginagawa. Tinutulungan din nilang mapaunlad ang India. Ang Rebelyong Sepoy Sa palagay ko, ang dahilan ng kanilang pagsalungat ay misunderstanding, oo nga, kultura nila at nagbago, pero nagbago naman para sa ikakabuti. Direktang Pamamahala ng Britanya sa India Napagalaman kong lalong napadali ng mg aINgles sa pamamagitan ng sentralisadong pamahalaan upang pairalin ang mga suliranin at patakarang kolonyal sa buong subkontinente ng India. Patakarang Kolonyal sa India Masasabi kong may itinatago palang maitim at negatibong pakikitungo rin pala ang mga Ingles, talagang hindi ito maiiwasan.

Kabanata 10: Ang mga Dayuhan sa Silangang Asya


Pawang mga mangangalakal at misyonerong Europeo ang nagsidating sa Silangang Asya mula 1635 hanggang ika-19 na siglo. Dumating sa Canton, Tsina ang mga Ingles noong 1635, ang mga Pranses noong 1698, ang mga Danes noong 1731, ang mga Swedish noong 1732, ang mga Ruso noong 1753, at mga Amerikano noong 1784. Ang pagpapalitan ng kalakal sa Tsina ay isinagawa sa lungsod ng Canton kung saan nakabase ang gilde ng mga mangangalakalna Tsino na natatajda bg presyo at nagpapaupa ng bahay sa mga dayuhang mangangalakal. Pinapayagan ang mga dayuhan sa Canton sa panahong tinakda para sa pagpapalitan ng kalakal na tumagal nga pat na buwan. Nakarating din sa bansang Hapon ang mga dayuhang mangangalakal at misyonerong Kristiyano. Datapwat sa ilalim ng Dinastiyang Tokugawa ay sinira ang daungan ng Hapon sa mga dayuhan maliban sa mga mangangalakal na Tsino at Olandes na nakadadaong sa Nagasaki lamang, Tinawag na Panahon ng Seklusyon ang panahong nakasara ang daungan ng Hapon sa mga dayuhan. Naganap ito sa loob halos ng 250 taon. Sa Panahong ng Seklusyon dumanas ang Hapon ng kapayapaan at kaunlaran kultural.

Batayang Kaalaman:
1. Co-Hong nagaganap ang pakikipagkalakalan; Katumbas ng 2. Spheres of Influence ang sonang ito ay tumukoy sa isang lugar kung saan ang dayuhan ay may karapatang linangin at pakinabangan ang likas na kayamanan dito. 3. John Hay Ang kalihim ng Estado sa Amerika na nagpanukala ng Open Door Policy.

Chamber of Commerce.

4. Open Door Policy ang polisiya na nagbigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng mga dayuhan sa Tsina. 5. Seclusion Policy pagsasara ng bansang Haponn ang kanilang pintuan sa mga dayuhan. 6. Lord George Macartney ang namuno sa misyon na makipagayos sa emperador sa Tsina at payagan magkaroon ng karagdagangpuerto. 7. Marso 1830 isang hakbang ang isnagawa ng pamahalaan upang wakasan ang pagpupuslit ng opyo. 8. 1839 nagdeklara ng pakikidigma ang Gran Britanya laban sa Tsina. 9. 1860 ang sapilitang pag-lagda ng mga Tsinan g sila ay matalo sa Tratado ng Tiensin. 10. Setyembre 6, 1899 naitakda ang Open Door Policy.

Reaksyon:
Ang mga Ingles sa Tsina sa palagay ko, dapat pahintulutan ng mga tiga-Tsina ang kahilingan ng mga taga-Gran Britanya, para di masyadong lumala, eto naming Gran Britanya, may kadugaang nalalaman, kung sa bagay, kawawa naman sila, pero hindi nila kailangan gumamit ng maling paraan upang makabangon. Dapat nilang isipin na minsan may nasa taas at minsan may nasa baba. Ang mga Dayuhan sa Hapon masasabi kong nagkaroon ng kahandaan ang mga Hapon sa pagbubukas ng kanilang bansa. Nagkaroon sila ng sariling karapatan sa sariling bansa nang nagkaroon ng Seclusion Policy.

You might also like