Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng pelikulang Tanging Ina mo last na to

Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng termino ni Ina bilang Presidente ng Pilipinas ay inilaan niya ang kanyang oras para sa kanyang mga anak. Sa di inaasahang pangyayayi, isang araw ay dinala siya ng kanyang matalik na kaibigang si Rowena sa ospital dahil nabagog ang kanyang ulo, at doon ay sinabi ng doctor na siya ay may malubhang sakit, may tumor sa kanyang utak. Mahirap na itong magamot, at may taning na ang kayang buhay. Sila lang ng kanyang matalik na kaibigan na si Rowena ang nakakaalam tungkol sa kanyang kalagayan. Hindi niya ito masabi-sabi sa kanyang mga anak, kayat naqpilitang siyang ilihim nalang ang tungkol sa kanyang sakit. Nangangamba din siya para sa kanyang mga anak dahil alam niyang hindi pa kayang ng mga anak niyang mabuhay ng wala siya.. Ang matalik niyang kaibigan naman na si Rowena ay nabuntis ng isa bodyguard ni Ina na si Frank, at sila ay nagpakasal sa hues. Ngunit di nagtagal ay nakipaghiwalay din si Frank kay Rowena. Si Tudis naman ay umuwi ng Canada kasama ang kanyang anak. Sumunod na lamang ang asawa ni Tudis na si Troy nang ito'y kanya nang susunduin upang bumalik sa Canada. Hindi pumayag si Tudis na sumama sa kanyang asawa, dahil ang gusto nito ay iwan niya ang kanyang anak kay Ina. Kaya't minabuti nalang ni Tudis na hiwalayan si Troy. Si Juan naman ay umuwi galing England ngunit hindi niya ito ipinaalam sa kanyang nanay at mga kapatid at sa kanyang pamilya. Isang araw ay may nagpunta sa kanilang bahay upang maningil ng utang ni Juan. Hindi naniwala si Ina na nakautang si Juan dahil ang alam niya ay nasa England siya. Habang nakasakay ni Ina sa kotse ay nakita niyang naglalakad sa kalye si Juan. Bumaba sa sasakayan si Ina at kanyang sinundan kung si Juan nga talaga ang kanyang nakita. At hindi nga siya nagkamali sa kayang nakita. Pinauwi ni Ina si Juan sa kanyang bahay. Dahil saw ala siyang trabaho ay nanirahan si Juan at ang kanyang pamilya kay Ina. Si Severina naman ay malapit nang ikasal sa kanyang kasintahan na si William. Dahil sa palaging pagtatalo nang mga magkakapatid ay napilitang sabihin ni Ina ang tungkol sa kayang sakit. Sinabi niya na siya ay may tumor sa utak at may taning na ang kanyang buhay. Nalungkot ang kayang mga anak sa kanyang kalagayan. Tinulunga nila si Ina upang mapabilis ang pagpapagamot niya. Inalagaan siya ng kanyang mga anak. Nagdaos sila ng misa para ipagdasal na magamot na ang sakit ni Ina. Habang nagtatalumpati si Ina sa simbahan ay bigala siyang nahimatay. Kaya't itinakbo siya sa ospital. Sinuri siya ng doctor doon. Nagulat angdoctor dahil ang tumor sa utak ni Ina ay bigla nalang nawala. Tuwang-tuwa ang lahat dahil wala nang sakit ang kanilang nanay. Samantala, si Rowena naman ay manganganak na rin kaya't nasa ospital din siya. Makalipas ng ilang araw ay pinabinyagan ni Rowena ang kanyang anak. Hindi niya akalain na darating sa binyag ang kanyang asawa. At doon ay nagkabalikan sila ulit ni Frank. Si Severina naman ay ikinasal na sa kanyan kasintahan na si William. Nung una ay ayaw sana ni Ina na pakasalan niya ito. Ngunit nakita ni Ina na masya ang kayang anak sa kanyang kasintahan kaya't hinayaan na lamang niya na magpakasal silang dalawa.

Tanging Ina mo last na to

Ipinasa ni:

EMMERICH JOHN B. DALMACIO


Ipinasa kay: Bb. Leonora Medallon

You might also like