Professional Documents
Culture Documents
Kapag Nakita Ko Ulit Si Hui Lan (BUOD)
Kapag Nakita Ko Ulit Si Hui Lan (BUOD)
1. Ang may-akda:
Wong Meng Voon
3. Buod ng may-akda:
Matapos mawala ng mahigit sa dalawang taon, nagbalik muli si Mr.Wu o Ah Miao sa Hsin Li Valley. Parang wala naming pinagbago ang Hsin Li Valley. Ganoon pa rin ang mga magkakaparehong bahay na gawa sa latat kahoy na nagpapaalala sa kanya ng mga bahay ng kalapati. Hindi man lang nagdala ang panahon ng bagong atmosphere sa Resettlement Area na yun. Wala naming bumibili sa tindahan ng umagang yaon. Siguro karamihan narin ay nagtatrabaho na. ngunit may batang babaeng maikli ang buhok, mga onse o dose anyos ang dumating na may hawak na walang lamang bote. Nagulat si Ah Miao at tila napaisip kung kakilala niya ito, at naalala niya naman ang itsura ng muka ngunit hindi lamang niya matandaan. Sinabi ng kanyang nanay na anak iyon ni Hui Lan. Si Hui Lan na dati niyang kababata na hindi na niya nakita sa loob ng dalawampung taon na napabalitang nakatira na muli sa Hsin Li Valley, sa Third Resettlement Area. Sa mga oras na iyon, naalala tuloy ni Ah Miao kung paano sila nagkakilala at naging malapit ni Hui Lan. Pareho silang galling sa minahan ng ginto noon na nag-aaral sa isang Primary School sa Pang Ta. Matalino at masipag si Hui Lan kaya lagi siyang nangunguna sa klase samantalang pumapangalawa si Ah Miao. Pareho rin silang mahilig magbasa at sabay lagging pumapasok sa paaralan. May isa ngang pangyayaring tinulungansiya ni Hui Lan, yun ay sa pagbebenta ng Pao sa paaralan. Nahihiya kasi si Ah Miao na magbenta kaya tinulungan naman siya ni Hui Lan at naging matagumpay naman ito dahil kahit mismong ang guro nilang si Mr.Ong ay napabili niya gayon na din ang kanilang mga kamag-aral.
Ngunit matapos ang Primary Five ay nagkahiwalay na ng landas ang magkaibigan. Lumipat ang pamilya ni Hui Lan sa Town K. at tumigil na sa pag-aaral, nagpatuloy naman sa pag-aaral si Ah Miao sa Village B. noong 1949. Matapos ang dalawampung Taon, hindi na niya nakita si Hui Lan kaya ganoon na lamang ang gulat ni Ah Miao sa nakitang anak nito. Napabalita kasing nakapg-asawa si Hui Lan sa edad na kinse at nagkaroon ng siyam na anak. Pagkarinig na balitang yun ay agad na nagpasama si Ah Miao sa kanyang nanay upang bisitahin si Hui Lan, ang matagal na niyang napahiwalay na kababata. Ang bahay ni Hui Lan ay hindi rin naiiba sa kahoy at latang parang bahay ng kalapati. Masyadong simple. Nang mapagsabihan ang pagdating nila sa isa sa mga bata, isang babaeng middle-aged, mga isat kalahating metro ang taas, ang lumitaw upang salubungin sila. Matapos salubungin ang nanay ni Ah Miao ay tumagilid ito ay tinignan siya ng mabuti. Nakilala siya nito, at laking gulat ni Ah Miao na yun nga si Hui Lan. Hindi siya makapaniwala sa nakita dahil ang pagkakaalam niya ay kasing-edad niya lang ito ngunit ngayon ay parang kaedad na nga kanyang ina. Pinuri-puri ni Hui Lan si Ah Miao na siya namang ikinahiya nito. Mayaman na kasi at ganap na abogado si Ah Miao, at ito si Hui Lan isang ina na halos hindi alam ang maipapakain sa siyam na anak kinabukasan. Hindi rihn nag-aaral ang mga anak nito. Makaraan nang kaunti sa alas-otso, nagpaalam sila Ah Miao at ang kanyang nanay, Mabigat na mabigat ang bawat hakbang ni Ah Miao habang naglalakad pauwi. Parang hinatak pababa ng isang putol na bakal ang puso ni Ah Miao sa nangyari sa kanyang kababatang si HUI LAN.
4. Pagsusuri sa Binasa:
A. Layunin ng Binasa:
Naglalayon ang akdang Kapag Nakita ko Ulit si Hui Lan na mailahad at maipaalam sa mambabasa at kapwa ko mag-aaral na walang pagkakaiba ang sentimyento at kamalayang umiiral ng mga tauhan ng akda sa isinasaisip natin sa kasalukuyan. Na kung ano ang ibang gawain nila ay maihahambing sa atin.
Teoryang Humanismo: Dahil nabigyang pansin ang magagandang saloobin, katangian at ugali ng taong nakapaloob sa akdang ito. Nabigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda.
Tao Vs. Tao Ang pagpapaalis sa pamilya ni Hui Lan sa kanilang panirahan at ipinadala sa baryon g mga tauhan ng Emergency Law. Tao Vs. Lipunan Ang diskriminasyong natatanggap ni Hui Lan, dahil nga bata syang ina.
G. Konklusyon:
Sa pangkalahatan, naidetalye naman ng awtor ang nais iparating sa mga mambabasa at nagustuhan ko ang kwento. Marami ring aral akong natutunan na magagamit ko sa pang arawaraw ko na pamumuhay sa mga problemang aking tatahakin.
H. Rekomendasyon:
Sa mga pangyayaring naganap sa may akda, hindi dapat nating tularan ang nangyari kay Hui Lan. Dapat ang mga kabataan ngayon ay masa maging mautak sa bawat desisyong kanilang gagawin para na rin sa kanilang ikakabubuti at ikaaasenso.