Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Jos Paciano Laurel y Garca Pangulo ng Ikalawang Republika President of the Second Republic Naging pangulo ng bansa noong

Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika

Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas (Fourth President of the Philippines)

Elpidio Rivera Quirino Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika (Second President of the Third Republic) Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

Ramon del Fierro Magsaysay Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika (Third President of the Third Republic) Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

Carlos Polistico Garcia Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika (Fourth President of the Third Republic) Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" upang itaguyod ang pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.

Diosdado Pangan Macapagal Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika (Fifth President of the Republic) Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng mga repormang pangsakahan.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika (Sixth President of the Third Republic) Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika (First President of the Fourth Republic) Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.

Mara Corazn Cojuangco-Aquino Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang June 30, 1992. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution".

Fidel Valdez Ramos Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika (Second President of the Fifth Republic)

Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997. standing. Unfortunately, economic progress doesn't last long when the country takes a hit during the 1997 Asian financial crisis.

Joseph Ejercito Estrada Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika (Third President of the Fifth Republic) Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon.

Maria Gloria Macapagal-Arroyo Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika (Fourth President of the Fifth Republic) Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (19921998) at pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika (Fifth President of the Fifth Republic) Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino. Benigno "Noynoy" Aquino is the current President of the Philippines and took oath of office on June 30, 2010. He is the only son of democracy icons Senator Benigno Aquino Jr and President Corazon Aquino. Noynoy Aquino is also popular known as "P-Noy".

You might also like