Budista

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiyana nakatuon sa mga

aral ni Buddha kyamuni (Siddhrtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Itinuturo ng Budismo na may likas na "Bodhi" o "Budhi" ng bawat tao, na pamamagitan ng mabubuting gawa at pamumuhay ay maaabot ng tao ang mas mataas na kamalayan at diwa ng tao. Lumawig ang Budismo sa India noong lumang panahon sa loob lamang ng limang siglo pagkatapos ng Nibbana ng Mahal na Buddha, at naitala at napagyaman sa Gitna, Timog-Silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Budista ang tawag sa isang taong naniniwala at sumusunod sa gabay ng Tatlong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Turo ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang Budismo sa pag-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at sinasabing nasa 230,000,000 hanggang 500,000,000 ang bilang ng mga Budista sa buong mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan ng mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang bahagi ng mundo. Nabibilang ito sa mga pangunahing relihiyon sa mundo.

You might also like