Professional Documents
Culture Documents
Mga Sangkap NG Maikling Kwento
Mga Sangkap NG Maikling Kwento
Mga Sangkap NG Maikling Kwento
1. BANGHAY borador, balangkas, krokis, plano, proyekto. Ito rin ay tumutukoy sa buod ng kwento - Ito ang gabay na sinusundan ng kwentista sa kanyang pagsisimula. -Kilala ito bilang estruktura ng isang naratibo - Hindi lamang ito simpleng buod ng kwento. Sa halip, ito ay nagiging pamantayan sa kasiningan ng kwento. - Ang simula, gitna, at wakas ng kuwento ang maituturing na utak, puso at kaluluwa ng isang kuwento.
ESTRUKTURA NG BANGHAY
Rurok Komplikasyon/ Tumitinding Galaw Eksposisyon/ Panimulang Galaw
Kakalasan Resolusyon
2. TUNGGALIAN isa sa mahalagang elemento ng anumang naratibo.Tinutukoy sa katha ang labanan, salpukan, at banggaan ng mga lakas ng mga tao o kayay mga puwersa at kapangyarihan - Hango sa salitang tunggali na tumutukoy sa pagtatalo o hidwaan. Nangangahulugan din itong dahilan o mga dahilang ibinibigay para sa o laban sa isang bagay. - Tunggalian ang dahilan kung bakit umuusad, sumusulong o pumapaimbulog ang kuwento. - Ito rin ang nagsusulong sa banghay - Kung walang tunggalian, walang kuwento
TEMA - Nagbibigay ng bigat, lalim, at tunguhin sa isang sulatin at gawaing nangangailangan ng pagkamalikhain at kritikal na kaalaman - Walang halaga ang pagsusulat kapag walang mahagilap na layunin ang manlilikha sa kanyang pag-akda - Tema nag kahulugan ng pagkatha - Tinutukoy ng tema ang anumang paksain ng isang akda. Sentral na mensahe ito ng anumang sining.
4.TAUHAN AT KARAKTERISASYON TAUHAN tumutukoy sa personalidad na inilalarawan, kinakatawan at inilalahad sa kuwento, nobela, o dula. KARAKTERISASYON proseso ng paglikha, pagpapaunlad, pagbibigay-katangian at ang pagganap ng isang tauhan -sa pamamagitan ng karakterisasyon nailalantad ang ilan pang impormasyon tungkol sa tauhan tulad ng kanyang hitsura, edad, personalidad, pakiramdam, pananalita, kasarian, oryentasyong sekswal, pinag-aralan, hanapbuhay, estadong sibyl, estadong pinansyal, kulturang pinagmulan, relihiyon, aliwan, ambisyon, motibasyon at ideolohiya.
tinutukoy ng tagpo ang lunan (kung saan nagaganap) anong panahon (kung kailan nagaganap) ang pinangyayarihan ng naratibo o galaw sa akda.
6. DIYALOGO kumbersasyon, pag-uusap, at palitang-kuro sa pagitan ng dalawa o higit pang tauhan tauhan ang ugat ng diyalogo binubuo ng diyalogo ang tono at damdamin ng isang katha
7. PANAUHAN (point of view) perspektibo, posisyon o pagtinging pinagmumulan ng kuwentong isasalaysay o susulatin para sa mga mambabasa inilalarawan ng panauhan ang tinig na pinagmumulan ng isang katha sinisikap sagutin ng panauhan ang mga sumusunod: Sino ang nagsasalaysay sa kuwento? Paano ito ikinukwento
IKALAWANG PANAUHAN gumagamit ng ikaw sa halip na ako o siya may pakiramdam na personal na kinakausap ng may-akda ang mambabasa
IKATLONG PANAUHAN ang karaniwang ginagamit na panauhan sa mga kuwento at nobela gumagamit ito ng pananaw na siya at sila itinuturing na pinakmadaling isulat