Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

PAG-AARAL SA PAKIKIPAGRELASYON NG MGA MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON SA KOLEHIYO AT EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PERFORMANS

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya, at Edukasyon, University of the Immaculate Conception

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa, at Pagsulat Tungo sa Pananliksik

Cantomayor, Ivy Madonna G. - BEED Toyorada, Peter John T. - BSED Tacloban, Rayna P. - BSED

Marso, 2012

PASASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta na kanilang ibinigay para sa pagtatagumpay ng aming pamanahong-papel:

Kay Gng. Lucia Escudero, ang pinakamamahal naming guro sa Filipino, sa masusing paggabay niya sa amin sa paggawa ng isang matagumpay na pamanahong-papel.

Sa aming mga respondente, na nagbahagi ng kanilang oras sa matapat na pagsagot sa aming inihandang kwestyoner.

Sa aming mga pamilya, sa pag-unawa sa mga araw na wala kami sa kanilang piling para lamang mapagtagumpayan at matapos ang pamanahong-papel, at higit sa lahat,

Sa Poong Maykapal, na kailan man ay hindi kami iniwan. Sa gabay at pag-asa na ibinigay niya sa amin sa oras na kami ay nahihirapan.

Muli, maraming maraming salamat po sa pagiging bahagi ninyo sa tagumpay ng pamanahong papel na ito.

Hanggang sa muli.

- Mga Mananaliksik

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

Grap 1:

Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kanilang Kasarian 7

Grap 2:

Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente 8

Grap 3:

Oras na Ginugugol ng mga Respondente para sa Isat-isa 8

Grap 4:

Pananaw ng mga Respondente sa Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon 9

Grap 5:

Pananaw ng mga Respondente sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon 10

Grap 6:

Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente 10

Grap 7:

Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral 11

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1. 2. 3. 4. 5. Introduksyon Layunin ng Pag-aaral Kahalaghan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depinisyon ng Terminolohiya 1 1 2 2 3

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literartura

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. 2. 3. 4. Disenyo ng Pananaliksik Mga Respondente Instrumentong Pampananaliksik Tritment ng mga Datos 5 5 6 6

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 1. 2. 3. Lagom Kongklusyon Rekomendasyon 12 12 13

12

Listahan ng Sanggunian

14

APENDIKS

A.

Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasarbey

15

B.

Sarbey-Kwestyoner

16

C.

Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel

18

D.

Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pasalitang Presentsyon 21

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Inroduksyon

Hindi maipagkakaila na marami sa mga kabataan o mga mag-aaral sa kolehiyo ang pumapasok na sa pakikipagrelasyon. Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999) lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng sariling opinyon. Marahil ay ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para lubusan nilang makilala ang kanilang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan ng pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a.

Bakit maraming kabataan ang nakikipagrelasyon?

b.

Anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot nito sa mga mag-aaral?

d.

Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ng pamanahong-papel na ito ay naniniwala na ang pagaaral na ito ay napakahalaa. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo nang sa ganoon ay mapabuti nila ang kanilang pag-aaral habang sila ay nakikipagrelasyon.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng maitutulong nito hindi lamang sa mga mag-aaral na kasalukuyang nakikipagrelasyon. Kundi pati narin sa mga ma-aaral na nagbabalak na pumasok sa isang relasyon.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral ng kursong edukasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga mag-aral na nasa unang taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong performans.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo lamang na kumukuha ng kursong Edukasyon. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pagaaral na ito upang masagot ang katanungan ng mga mag-aaral at ang miskonsepsyon ng mga tao tungkol sa pakikipagrelasyon habang nag-aaral pa lamang.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maging madali antganap ang pakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginagmit ang bawat isa sa pamanahong-papel.

Ang adolescence ay ang pagbibinata o ang pagdadalaga ng mga tao. Tumutukoy din ito sa kabataan at kasibulan.

Ang intimacy ay matalik na pagkakaibigan o pagkikilala; matapat na pagpapalagayang loob.

Ang romance ay pag-iibigan; pagmamahalan; romansa

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga kabataan. Sa kabilang banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa tunay nitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Marami sa atin ang nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon. Ayon kay Steinberg (2002) mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence kapag ginagamit sa sekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay isang emotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isat-isa; willingness to disclose private and occasionally sensitive topics; at ang pagkakaroon ng parehong interes at mga paborito. Kung kaya ang dalawang indibidwal ay maaring magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa kabilang banda rin naman ay maari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walang intimate relationship.

Ang pakikipagrelasyon ay interaksyon din sa iyong kapwa na dapat pagbutihin. Ayon kay Avelino et al. (1996) may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng magandang pakikipagrelasyon. (1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong kasintahan, mabuting huwag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) purihin ang iyong kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa iyong partner; (5) maging masayahin; (6) maging bukas sa mga posibilidad; (7) hayaan ang inyong sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman; (8) huwag saktan kalianman ang iyong kasintahan ; (9) panatilihin ang pagiging malambing (10) maging palatawa.

Sa kabuuan, ang mga pag-aaral na nailahad ay nagsisilbing motibasyon sa pagsusumikap na mapabuti pa ang aming sariling pag-aaral.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa disenyo ng pamamaraang deskriptibanalitik na Pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ang pananaw ng mga nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon nila at ang epekto nito sa kanilang akademikong performans.

2. Mga Respondente

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ang mga respondente ay kumukuha ng kurso na Edukasyon ng kasalukuyang semester ng University of the Immaculate Conception.

Ang mga respondente ay nahahati sa dalawa batay sa kanilang kasarian. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay tatlumpu (30). Labing lima (15) sa kanila ay babae at labing lima (15) ay lalaki. Samakatuwid mayroong pantay na paghati sa mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Gumagamit ang mga mananaliksik ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ng bawat grupo. Pansinin ang kasunod na talahanayan.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang Pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sarbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon at epekto nito sa akademikong performans.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa ibat-ibang hanguan sa aklatan gaya ng libro at journal. Ang mga mananaliksik ay kumuha rin ng mga impormasyon sa internet.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral pa lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon: aaral

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Sa tatlumpung (30) respondente, labing lima (15) sa kanila ay babae at labing . lima (15) sa kanila ay lalaki.

Grap 1 Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kasarian


16 14 12 10 8 6 4 2 0 Babae Lalaki

Sa tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) sa kanila ang nagsabing noong grade school sila nagsimulang makipagrelasyon. Walo (8) naman sa kanila ang nagsabing noong 1st - 2nd Year high school sila nagsimulang makipa relasyon. Labing-apat (14) sa makipagrelasyon. Labing kanila ang nagsabing nagsimula silang makipagrelasyon noong 3rd 4th year high school. At lima (5) naman sa kanila ang nagsabing sa kolehiyo na sila nagsimulang makipagrelasyon.

Grap 2 Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente


16 14 12 10 8 6 4 2 0 Grade School 1st - 2nd Year H.S.3rd - 4th Year H.S Kolehiyo 3 5 8 14

Sampu (10) sa tatlumpung respondente ang nagsabing hindi hihigit sa dalawang oras ang ginugugol nila sa kanilang mga karelasyon. Siyam (9) naman ang nagsabi na nasa tatlo hanggang limang oras lamang. Labing-isa (11) naman sa kanila ang Labing isa gumugugol ng limang oras mahigit s kanilang mga karelasyon. sa

Grap 3 Oras na Ginugugol ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon

37%

33%

di hihigit sa 2 oras 3 -5 oras

30%

5 oras o higit pa

Ipinapakita sa grap 4 ang palagay ng mga respondente sa naidudulot na posit positibo ng pakikipagrelasyon. Sa talumpung respondente, dalawamput-dalawa (22) sa kanila dalawamput dalawa ang nagsabi na ito ay nagdudulot ng inspirasyon. Lima (5) ang nagsabi na dahil sa kasiyahan habang sila ay magkasama. Dalawa (2) ang nagsabi na mas nakikilala niya ang kaniyang sarili ng mabuti. At isa (1) naman ang nagsabi na ito ay bilang paghahanda o pundasyon para sa kaniyang kinabukasan.

Grap 4 Pananaw ng mga Respondente sa Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

25 20 15 10 5 0 Inspirasyon Kasiyahan Habang Magkasama Mas Paghahanda Nakikilala sa ang Sarili Kinabukasan Others

Sa tatlumpung (30) respondente, labing dalawa (12) sa kanila ang nagsabi na distraksyon ang negatibong dulot ng pakikipagrelasyon. Dalawa (2) naman sa kanila ang nagsabi na aksaya lamang ito ng panahon. Dalawa (2) rin ang nagsabi na dagdag lamang ito sa gastos. Apat (4) naman ang nagsabi na negatibong nababago ang naba kanilang pag-uugali. Anim (6) sa kanila ang nagsabi na ang pakikipagrelasyon ay uugali. walang negatibong naidudulot sa kanila. At may apat (4) naman na nagsasabing may iba pang negatibong epekto ang pakikipagrelasyon. atibong

Grap 5 Pananaw ng mga Respondente sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

Others Walang Negatibo Nababago ang aking Ugali Dagdag Gastos Aksaya ng Panahon Distraksyon 0 2 4 6 8 10 12

Lima sa tatlumpung (30) respondente ang nagsabi na dahil sa udyok ng mga kaibigan ang dahilan ng kanilang pakikipagrelasyon. Walo (8) naman ang nagsabi na gusto lamang nila ng experience sa pakikipagrelasyon. Dalawa (2) ang nagsabi na dahil sa gwapo/maganda ang kanilang mga karelasyon. Walo (8) ang nagsabi na nagmamahalan sila ng tunay. Apat (4) naman sa mga respondente ang nagsabing excited sila makipag-sex. At tatlo (3) sa kanila ang nagsabi na may iba pang dahilan sex. nagsabi kung bakit nila naisipang pumasok sa pakikipagrelasyon.

Grap 6 Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente


9 8 7 6 5 4 3 2 1 0 Dahil sa Udyok Gusto ko lang ng Kasi Nagmamahalan ng Kaibigan Experience Maganda/Gwapo Kami ng Tunay Siya Excited Akong Makipag-sex Makipag Others

Hinggil naman sa kung paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral, sampu sa kanila ang nagsabi na nagkukulang ang kanilang oras sa pag nila pagaaral. Tatlo ang nagsabi na may tumutulong sa kanila sa paggawa nila ng mga assignments. Walo naman ang nagsabi na matataas ang kanilang mga marka dahil inspired sila. Anim ang nagsabi na ang kanilang pakikipagrelasyon ay walang epekto sa kanilang kanilang pag-aaral. May tatlo naman na nagsabi na may iba pang epekto ang aaral. pakikipagrelasyon sa kanilang pg-aaral. pg

Grap 7 Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral Pag


12 10 8 6 4 2 0 Ngkukulang ng May Matataas ang Walang Epekto Oras sa Pag- tumutulong sa Marka dahil Pgagawa ng Inspired Ako aaral Assignments Others

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin at pananaw ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Edukasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga nasa unang taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong performans. Ang mga mag-aaral na kasama sa pagsago ng sarbey ay kasalukuyang may mga karelasyon at nag-aaral sa University of the Immaculate Conception.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasautan sa tatlumpung (30) mag-aaral. Labing lima sa kanila ang mga babae. At labing lima din ang mga lalaki na parehong nasa unang taon sa pagkuha ng kursong Edukasyon.

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

a.

Nakikipagrelasyon

ang

mga

mag-aaral

dahil

sila

ay

tunay

na

nagmamahalan at gusto nila ng experience na maari nilang magamit sa kanilang pagtahak sa landas na kanilang napili.

b.

Ang pakikipagrelasyon ay nagdudulot ng parehong positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Ito ay may malaking epekto sa kanilang pag-aaral.

c.

Ang positibong epekto ng pakikipagrelasyon sa mga mag-aaral ay ang pagkakaroon nila ng inspirasyon. Ang negatibo namang epekto ng pakikipagrelasyon ay ang distraksyon. Ngunit tiyak namang maiiwasan ang negatibong epekto nito kapag nabalanse ng dalawang tao ang kanilang sitwasyon.

d.

Ang epekto naman ng pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ay ang pagkukulang o kawalan ng sapat na oras para sa pagaaral.

3. Rekomendasyon

Kaugnay

ng

mga

kongklusyong

nabanggit,

buong

pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a.

Para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa isang relasyon, kinakailangan na maging maingat tayo sa bawat desisyon na ating ginagawa. Kung alam nating hindi magiging mabuting impluwensya ang ating mga karelasyon, kailangan na natin itong tapusin.

b.

Para naman sa mga wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, hindi ito malaking kawalan sa inyong pagkatao. Hindi ito magiging sukatan ng kaligayahan ng ating buhay.

c.

Para sa mga magulang, kahit na nasa wastong edad na ang ating mga anak, dapat nating tandaan na kinakailangan parin nila na magkaroon ng gabay na magtuturo sa kanila lalo na sa paghubog nila sa kanilang sarili.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

AKLAT

Bernales, Rolando A. et al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Malabon City, Philippines: Mutya Publishing House. 2009

Sizer-Webb, Frances et al. Health: Making Life Choices. Cincinnati: West Educational Publishing, 1999.

Avelino, Soledad et al. Personality Development and Human Relations. Manila, Philippines: Rex Printing Co. Inc., 1996. Steinberg, Laurence. Adolescence: 6th Edition. Boston: The McGraw-Hill Companies, Inc., 2002.

Lamberton, Lowell H. Human Relations: Strategies for Success. Richard D. Irwin, Inc. 1995.

JOURNAL

Mendoza-Dayrit, Mylene. How Love Improves Your Health. The Philippine Star. February 7, 2012.

APENDIKS A

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU

Pebrero 27, 2012 Bb.. Student, Secondary Education University of the Immaculate Conception

Mahal naming Binibini, Maalab na Pagbati! Kaugnay ng ginagawa naming pamanahong-papel sa Filipino 2 tungkol sa pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans, ay nais po naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itatakda. Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat n gaming pamanahongpapel. Dalangin po naming ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap.

Lubos na gumagalang,

Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat

Binigyang-pansin:

Gng. Lucia Escudero Propesor

Pebrero 24, 2012 Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon University of the Immaculate Conception Ginang: Maalab na Pagbati! Kami po ay kabilang sa pangkat 1-C Engineering na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2. Isa po sa pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans. Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kamiy makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa tatlumpung (30) mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon. Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po ng lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat

Binigyan-pansin:

Gng. Lucia Escudero Propesor

Inaprobahan:

Gng. Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon

Mahal naming Respondente, Maalab ng Pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto Nito sa Akademikong Performans. Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyari lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Maraming salamat po!

- Mga Mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.

1. Pangalan (Opsyunal): __________________________________________________________ 2. Kasarian: [ ] Babae [ ] Lalaki

3. Kailan ka nagsimulang makipagrelasyon? [ ] Grade School [ ] 1st 2nd Year H.S. [ ] 3rd 4th Year H.S. [ ] sa kolehiyo

4. Ilang oras ang ginugugol ninyo sa isat-isa? [ ] di hihigit sa 2 oras [ ] 3 5 oras 5. Ano sa palagay mo ang naidudulot na POSITIBO ng pakikipagrelasyon? [ ] 5 oras o higit pa

[ ] inspirasyon [ ] kasiyahan habang kami ay magkasama [ ] may makakasama sa pangangailangan

[ ] mas makikilala ko ang aking sarili [ ] paghahanda para sa aking kinabukasan [ ] others: _________________________

6. Ano sa palagay mo ang naidudulot na NEGATIBO ng pakikipagrelasyon? [ ] distraksyon [ ] aksaya ng panahon [ ] walang negatibo [ ] dagdag gastos [ ] nababago ang aking ugali [ ] others: _____________________________________

7. Bakit mo naisipang makipagrelasyon? [ ] dahil sa udyok ng kaibigan/barkada [ ] para maging sikat ako [ ] gusto ko lang ng experience [ ] kasi maganda/gwapo siya [ ] nagmamahalan kami ng tunay [ ] naawa lang ako sa kaniya [ ] excited akong makipag-sex [ ] others: _________________________

8. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral? [ ] nagkukulang ng oras sa aking pag-aaral [ ] hindi nakakagawa ng mga assignments/projects [ ] may tumutulong sa paggawa ko ng mga assignments [ ] matataas ang aking marka dahil inspired ako [ ] walang epekto [ ] others: ___________________

Pamagat:

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

Mananaliksik:

Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________ Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka. A. Masteri 1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang naitakda sa bawat isa? Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay ng bawat isa? Sapat at malinaw ba ang ma nailahad na paliwanag at halimbawa ng bawat miyembro? Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pag-sagot ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? Sub-total:

__________ __________ __________ __________ __________ __________

2. 3. 4. 5.

B.

Pamamaraan 1. 2. 3. 4. 5. Laohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo-biswal? Angkot at epektib ba ang kagamitan ng pangkat? Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon ng mga kagamitan sa presentasyon? Angkop at epektib ba ang pamamaraan o istratehiyang ginamit ng pangkat? __________ __________ __________ __________ __________

Sub-total: C. Artikulasyon 1. 2. 3. 4. 5. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro ng pangkat sa pagsasalita? Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? Angkop at epektib ba ang kanilang galaw, kumpas at iba pang non-verbal clues? Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing? Sub-total:

__________

__________ __________ __________ __________ __________ __________

D.

Disiplina 1. 2. 3. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentasyon ng pangkat? Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot ng mga tanong ng panelist? Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan ang mga gawain? Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili? Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa? Sub-total:

__________ __________

__________ __________ __________ __________

4. 5.

Kabuuan/Katumbas na Marka:

__________

Mga Puna at Mungkahi: _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

Pamagat:

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

Mananaliksik:

Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________ Sistema ng Pagmamarka: Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka. A. Paksa at Suliranin 1. 2. 3. 4. 5. 6. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng Pananaliksik? Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga valid na paglalahat? Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral? Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin ng pag-aaral? Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino? Sub-total: __________ __________ __________ __________ __________

__________ __________

B.

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 1. 2. 3. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay? Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral at literaturang iyon? Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral sa iba pang hanguang ginamit? Sub-total: __________ __________ __________ __________

C.

Disenyo ng Pag-aaral

1. 2. 3. 4.

Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit sa pananaliksik? Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? Sapat at angkop ba ang respondeng napili sa paksa ng pananaliksik? Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos? Sub-total:

__________ __________ __________ __________ __________

D.

Presentasyon 1. 2. 3. 4. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos? Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos? Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at tabular/grapikal na presentsyon ng mga datos? Sub-total: __________ __________ __________ __________ __________

E.

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 1. 2. 3. 4. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap? Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin sa pag-aaral? Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendsyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral? Malinaw, tuwiran, at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendsyon? Sub-total: __________ __________ __________

__________ __________ __________

5.

F.

Mekaniks at Pormat 1. 2. 3. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto Ng pamanahong-papel? Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit ng pamanahong-papel? Sub-total:

__________ __________ __________ __________

Kabuuan/Katumbas na Marka:

__________

Ebalweytor: __________________________________________ Petsa: _______________________________________________

You might also like