Kahulugan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anu-ano ang mga kahulugan nito?

1. Ang may pinapaslang nabubuhay ng walang hanggan. Sagot: Anu man ang ginawa mo, mabuti man o masama ay siguradong babalik din sayo. Minsan ay tinatwag din natin itong karma. Isipin mo mang ikaw ang nakalamang sa ginawa mong masama, ay siguradong walang maidudulot na kabutihan ito sayo. Kukulitin at kukulitin ka ng iyong konsensya. Buhay man ng iba ang natapos, hindi naman tahimik na pamumuhay ang magkakaroon sa iyong natitirang buhay, na hahantong din sa pagkakataong nanainis mo na rin matapos na din ito. 2. May kaliwat may kanan sa ating lipunan. Sagot: Ang lahat ng bagay ay dapat balance. Maging tayo sa ating sarili ay may kaliwat may kanan.o, maikukumpara natin ito sa pagkakaroon ng mabuti at masama. At mas lalong hindi natin ito maikakaila sa ating lipunan. May mga tao tayong masasabi na mabuti, may mga tao din tayong masasabi na masama.

3. Patuloy ang pagtunggali, patuloy ang paglalaban. Sagot: Hanggang may pakikipagaway, may paglalaban. Maari din sabihin nating, hanggang may hindi napagkakasunduan o napagkakaintindihan ay siguradong patuloy pa rin ang paglalaban. 4. Pumanig ka, pumanig ka huwag ng ipagliban. Sagot: Kung saan man tayong may nakikitang oportunidad, ay dapat na agad nating pagkakamtan. Kung saan man ang naiisip nating tama at dapat panigan na mga bagay, ay dapat hindi na nating ibalewalang bahala lamang. Dapat ay sumuporta tayo sa kung ano sa tingin natin ay tama. Dapat tama. 5. Ang di makapagpasiya ay maiipit sa gitna. Sagot: Minsan dumarating ang panahon na tayo ay naguguluhan at hindi agad makapagsiya kung ano talaga ang sa atin. Kaya minsan ay mas pinipili nating wala na lamang panigan. Ngunit, tayo lamang ang masusukol sa paraang ito. Kaya dapat matuto tayong magdesisyon at panindigan kung ano man ang napili nating panig. Huwag tayong matakot at maging duwag sa responsibilidad ng ating mga naging desisyon.

6. Bulok na ang haligi na gating lipunan. Sagot: Dahil nga sa halos ang nangingibabaw na lamang sa ating lipunan ay iyong may mga kapangyarihan na wala namang dulot na kabutihan sa ating lipunan, mas nagiging mahina na ang pundasyon nito at tayo lamang mga mahihina at walang laban ang nanganganib na mabagsakan ng bulok na haligi na ito. 7. Matibay ang pananalig na itoy palitan. Sagot: At dahil nga sobra sobra na. naging masidhi na din ang ating kagustuhan na mabago ang pamamaraan na ito. Hindi na natin ninanais na ito ay manatili pa, at sinisidhi na natin itoy palitan. 8. Suriin mong mabuti ang iyong paninindigan. Sagot: Minsan ang tao ay sinusuri sa kung ano ang kanyang mga prinsipyo at paninindigan na kanyang pinaglalaban sa buhay. Subalit minsan, ay nagiging bulag tayo at hindi na natin nalalaman na ang ating pinaniniwalaan at pinaglalaban pala ay hindi tama. Nararapat lamang na matuto tayong maging bukas at suriing mabuti sa kung ano ang mga bagay na dapat nating paniwalaan at ipaglaban na magiging pundasyon sa kung anong magiging uri nga tao tayo

You might also like