Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamantasan ng Bikol KOLEHIYO NG EDUKASYON Daraga, Albay

TIMPALAK-PAMPANITIKAN NG SAGUFIL ALINSABAY SA PAGDIRIWANG NG BUCE INTRAMURALS


Mga Tuntunin sa Timpalak
(1) Ang timpalak ay bukas para sa lahat ng mag-aaral ng Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon maliban sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na nasa ikalawa, ikatlo at ika-apat na taon sa semestreng ito, at miyembro ng SAGUFIL (Samahan ng mga Guro ng Filipino), ang Tagapagtaguyod. (2) Ang timpalak ay binubuo ng sumusunod na mga dibisyon at mga kategorya: Pasulat na Dibisyon Pabigkas na Dibisyon Filipino Bikol Sanaysay Dagliang Talumpati Dagliang Talumpati Masining na Pagkukuwento Tigsik (3) Sa Pagsulat ng Sanaysay, ang lahok ay maaaring pormal o di-pormal, hindi bababa sa 3 talata at hindi rin bababa sa 500 salita at ito ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga pamantayan: Nilalaman 50% Kaisahan ng mga pangungusap sa bawat talata 20% Istilo/Pagkapamanlikha 30% KABUUAN 100% Ang timpalak sa nasabing kategorya ay gaganapin mismo sa Setyembre 11 taong kasalukuyan sa ganap na 8:00 11:00 ng umaga. Ang pagdarausan ay mangyaring ipapaalam na lamang sa susunod na mga araw. (4) Sa kategoryang Dagliang Talumpati, Filipino at Bikol, ang Tagapagtaguyod ay maghahanda ng mga paksang magiging saligan ng mga kalahok sa kanilang talumpati. Ang mga paksang ito ay bubunutin lamang ng bawat kalahok sa oras mismo ng timpalak. Anot anuman, ang kanilang talumpati ay kailangan pa rin na mai-akma sa sumusunod na mga pamantayan: Nilalaman 50% Interpretasiyon 30% -Bigkas (15%) -Kumpas ng kamay at ekspresyon ng (15%) mukha Panghikayat sa madla 20% -Personalidad (15%) -Kasuotan (5%) KABUUAN 100% (5) Para sa kategoryang Masining na Pagkukuwento, ang Tagapagtaguyod ay naghanda ng isang piyesa na kailangan naming mai-akma ng bawat kalahok sa sumusunod na mga pamantayan: Interpretasiyon 60% -Tinig (20%) -Bigkas (20%) -Kumpas ng kamay at ekspresyon ng (20%) mukha

Masteri Panghikayat sa madla -Personalidad -Kasuotan -Props (Big Book, atbp.)

15% 25% (15%) (5%) (5%) KABUUAN 100%

(6) Sa kategoryang Madamdaming Pagbasa ng Tula, ang mga kalahok ay kailangang mai-akma ang kanilang presentasyon sa susmusunod na mga pamantayan: Interpretasiyon 80% -Tinig (20%) -Bigkas (40%) -Kumpas ng kamay at ekspresyon ng (20%) mukha Panghikayat sa madla 20% -Personalidad (15%) -Kasuotan (5%) KABUUAN 100% (7) Para naman sa kategoryang Tigsik, bibigyan ng Tagapagtaguyod ang mga kalahok ng kalayaan na makapamili ng kanya-kanyang paksa sa kani-kanilang Tirigsikan. Anot anuman, ang bawat kalahok o pangkat ay kailangang binubuo ng 2 hanggang 3 miyembro, ang kanilang gagawing Tirigsikan ay hindi bababa sa 5 minuto, at kailangang i-akma sa sumusunod na mga pamantayan: Nilalaman 30% Pagkamapanlikha (Originality) 30% Masteri 25% Panghikayat sa madla 15% KABUUAN 100% (8) Ang timpalak sa mga kategoryang nabanggit sa bilang 4 7 ay gaganapin sa Demonstration Hall ng Kolehiyo sa Setyembre 11 taong kasalukuyan sa ganap na 1:00-5:00 ng hapon. (9) Ang bawat kalahok, indibiduwal man o pangkatan, ay kailangang may Pormularyo ng Lahok na reserbado ng Tagapagtaguyod. Ang Pormularyong ito ay nagkakahalaga ng limampung piso (Php50) na siya rin naming magsisilbing registration fee ng lahat ng kalahok. Ang Pormularyo ng Lahok, maging ang lahat ng piyesa sa mga kategoryang Masining na Pagkukuwento at Madamdaming Pagbasa ng Tula ay makukuha sa Pangalawang Pangulo ng SAGUFIL o maaari kayong makipag-ugnayan sa kanya sa sumusunod na mga numero: 0921-265-9099. (10) Ang trophy at medalya ng lahat ng magsisipanalo sa bawat kategorya ay reserbado ng CSC Office. Bukod dito, ang bawat kalahok, manalo man o matalo, ay makatatanggap pa rin ng Katibayan ng Paglahok. (11) Ang Tagapagtaguyod ang may responsibilidad ng pagpili ng mga huradong bubuo sa Lupon ng Inampalan sa bawat kategorya at/o dibisyon ng timpalak. Ang desisyon ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago pa. (12) Ang lahat ng kalahok ay inaasahan na susunod sa nabanggit na mga tuntunin sa timpalak. Ang lahat ng lahok ay kailangang angkop o akma sa mga tuntuning ito. Para sa ilan pang impormasyon, katanungan o paglilinaw, maaari naman kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na mga numero: Cherry, Pangulo : 0908-647-9568 Clifford, P.Pangulo : 0921-265-9099

You might also like