Movie Review - 50 First Dates (Filipino)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bonus, Grace Nicole Joy T.

BSPT 4th year

MOVIE REVIEW

Pamagat ng Pelikula: 50 First Dates Direktor: Peter Segal Tauhan: Adam Sandler, Drew Barrymore, Rob Schneider, Sean Astin, Lusia Strus, Blake Clark, and Dan Aykroyd Dyanra: Pag-iibigan at Komedya Plot: Si Henry Roth (Adam Sandler) ay isang beterinaryo ng Sea Life Park sa Oahu, Hawaii. Isa sa kanyang mga katangian ang pagiging malapit sa mga turistang babae na dumadayo sa isla. Hindi siya sang-ayon sa pagkakaroon ng seryosong relasyon sa kanyang mga nakikilala. Ngunit, nagbago ang kanyang pananaw nang nakita niya ang isang magandang babae sa Hukilau Caf na nilalagyan ng sining sa pagdedekorasyon ang kinakaing waffles. Siya ay si Lucy Whitmore (Drew Barrymore), isang guro ng sining sa kanilang isla. Lumapit si Henry sa kanya at nagpakilala. Kinabukasan, sinubukan ulit ni Henry na kausapin si Lucy ngunit nagulat siya ng sinabi nito na hindi niya matandaan na nakilala niya siya. Lumapit kay Henry ang may-ari ng caf na si Sue at kinuwento niya na noong isang taon, si Lucy at ang kanyang ama na si Marlin ay umalis upang kumuha ng pinya para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Marlin. Ngunit sa kasamaang palad, silay na-aksidente at nagkaroon ng sakit na Goldfield Syndrome si Lucy. Ito ay isang kondisyon kung saan hindi niya maalala ang mga pangyayari noong araw ng aksidente at hanggang sa kasalukuyan. Tuwing gabi sa kanyang pagtulog, lahat ng mga pangyayari ng araw na iyon ay nawawala at gigising siya na inaakalang ang araw na iyon ay ika- 13 ng Oktubre noong nakaraang taon. At para hindi niya maalala ang mapait na nangyari noong aksidente, ang kanyang ama at kuya na si Doug ay arawaraw na pinagdidiwang ang kaarawan ng ama, pagbibigay ng pahayagan at panonood ng laro sa telibisyon na galing noong nakaraang taon. Kahit pinagsabihan na ni Sue si Henry sa kalagayan ni Lucy, nagpatuloy pa din siya sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ngunit, isang araw ay nagalit si Lucy sa kanya at pinagsabihan siya ni Marlin na layuan ang anak. Pero napansin ng kanyang ama at kuya na tuwing nagkikita si Henry at Lucy, naririnig nilang kumakanta si Lucy kayat naisip nila na pahintulutan si Henry makipagkita kay Lucy. Isang araw nang palapit si Henry kay Lucy, napansin ni Lucy na nilalagyan ng tiket ang kanyang sasakyan at nagmadaling lumabas ng caf kayat di sila nakapag-usap ni Henry. Nakipagtalo siya sa pulis na mali ang akusa sa kanya na expired na ang rehistro ng sasakyan. Upang mapatunayan niya na tama siya, kumuha siya ng dyaryo at ikinagulat niya na ibang araw ang nakasulat sa pahayagan. Dahil dito, kinausap niya ang kanyang ama at kapatid, saka niya nalaman ang kondisyong kanyang kinahaharap. Nakaisip naman ng

solusyon si Henry upang maalala ni Lucy ang mga araw-araw na pangyayari sa kanyang buhay. Gumawa siya ng isang video na nagpapaliwanag ng pangyayari noong aksidente at ang estado ng kanilang relasyon. Tuwing umaga ito napapanood ni Lucy bagamat masakit sa kanyang tanggapin, unti-unti niyang naaalala ang mga ito. Lagi na din silang lumalabas (first dates) upang tumagal pa ang pagsasama nilang dalawa. Ngunit isang araw, narining niya ang pag-uusap ni Henry at Marlin na hindi na tutuloy si Henry sa pag-alis kahit na matagal niya na itong binalak at pinag-ipunan para sa katuparan ng kanyang pangarap sa kadahilanang maiiwan niya si Lucy. Kayat hiniwalayan niya si Henry dahil ayaw niyang maging sagabal siya sa mga pangarap nito. Ilang araw ang dumaan at oras na para umalis si Henry. Bago siya umalis, dumaan muna ito sa bahay nila Lucy. Nakwento ni Marlin sa kanya na si Lucy ay nakatira na sa Brain Institute at guro ng sining doon. Nasabi niya rin na tuwing nagkikita sila ni Lucy, palagi itong kumakanta. Binigyan ni Marlin si Henry ng cd at nang pinatugtog niya ito, bigla niyang napagtanto na naaalala siya ni Lucy dahil sa mga pangyayaring naikwento ng ama nito kayat dali-dali niyang pinuntahan si Lucy. Nang nakita niya si Lucy, tinanong niya kung naaalala niya ito ngunit sinabi niya na hindi niya ito naaalala. Pero lagi siyang nasa panaginip nito gabi-gabi at pinipinta niya ang mukha ni Henry. Dahil dito, silay nagkabalikan. Isang araw, nang gumising si Lucy, nakita niya ang isang video tape na naglalaman ng pangyayari noong aksidente at ang kasal nila ni Henry. At paglabas niya ng pinto ay nakita niya na nasa bangka sila kasama ang kanyang ama, si Henry at si Nicole, ang kanilang anak.

Dialog: Wika: Ingles Kaisipan: Ang bawat karakter ng istorya ay may kapupulutan ng aral. Bawat katangian na tinataglay nila ay dapat isabuhay para sa ika-uunlad ng personalidad ng isang tao. Una na dito si Henry, isang lalaking handing gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Marahil nagkakamali man siya sa mga nagagawa niya at maraming pagsubok ang dumadaan sa buhay niya, ito ay nagiging daan upang mas makagawa pa siya ng magagandang bagay na nagdudulot ng kagandahan sa kanyang buhay. Ikalawa ang karakter ni Lucy, kung saan kahit may napakalaking dagok sa kanyang buhay ay di pa rin siya nawawalan ng pag-asa na harapin ang bukas. May determinasyon at lakas ng loob siya sa mga pangyayaring maaring dumating sa kanya kahit masakit, malungkot o masaya man ang mga ito. Ikatlo ang kanyang ama at kapatid na walang sawa sa paggawa ng paulit-ulit na mga kaganapan sa buhay ni Lucy. Makikita mo sa kanila kung gaano nila pinapahalagahan at minamahal ang kanilang kapamilya. At ang panghuli ay ang mga kaibigan na kung saan tumulong sila na mapabuti ang kalagayan ni Lucy. Ang istoryang ito, ay nagpapahiwatig kung gaano kahiwaga ang naidudulot ng pagmamahal. Hindi lamang ang pagmamahal na nakukuha mula sa isang karelasyon ngunit pati na rin sa mga kapamilya at kaibigan. Katulad ng ipinakita ng istorya, kahit na may kondisyong malala na pinagdadaanan ang bida, hindi napagod ang kanyang mga mahal sa buhay na gumawa ng paraan upang

di niya maalala ang mga masakit na nangyari sa kanyang buhay. At naniniwala akong kahit ano man ang mangyari sa atin, hirap o ginhawa, laging nandyan nakahandang tumulong sa atin ang ating mga kapamilya at kaibigan. Ipinakita rin dito ang lalim ng pagmamahal ng magkasintahan. Hindi naging hadlang ang kondisyong mayroon si Lucy subalit ito pa ang naging daan upang tumibay ang kanilang pagsasama. Katulad nga nang sinasabi ng marami sa atin, kapag nagmahal ang isang tao, lahat ay gagawin nito upang maging masaya sila. Nakahanda silang tawirin ang mga dagat upang makuha lamang ang kanilang gusto.

Kilos at Galaw: Damdamin: Tono ng Storya:

You might also like