1216808919446TG TML 2nd V12 N1 Web

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ikalawang Taon

Gabay sa Pagtuturo
Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009

Unang Artikulo: Ang Hamon ng Migrasyon


I. Mga Layunin Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. mabatid ang kasaysayan at implikasyon ng migrasyon sa pamilya at sa bansa; B. malikhaing maipahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat ng kwento; at C. matukoy ang pagkakaiba ng panloob at pandaigdigang migrasyon. Paksang-aralin A. Paksa: B. Konsepto: C. Sanggunian: D. Kagamitan: Ang Hamon ng Migrasyon Sa paglipas ng panahon, maraming Pilipino ang nahimok mangibang bansa dahil sa ibat ibang dahilan. Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009 worksheet para sa Panimula at Panlinang na Gawain

II.

III. Mga Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Bumuo ng mga salita mula sa mga titik ng salitang migrasyon. Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa pagbuo ng kwento tungkol sa sanhi at bunga ng migrasyon sa pamilyang Pilipino. B. Panlinang na Gawain Bumuo ng isang timeline na magpapakita ng galaw ng migrasyon sa Pilipinas sa nakalipas na mga taon. Itala ito sa itaas na bahagi ng timeline. Sa ibaba naman, isulat ang implikasyon ng bawat kaganapan. kaganapan/ taon implikasyon IV. Pagpapahalaga Kumalap ng datos tungkol sa bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Aling bansa ang may pinakamalaking bilang ng Pilipino? Sa iyong palagay, ano ang ibig ipahiwatig ng datos na ito? Takdang-aralin Magsagawa ng isang panayam sa paaralan tungkol sa bilang ng pamilyang nakaranas ng panloob at pandaigdigang pandarayuhan. Pagsusulit Sumulat ng sanaysay tungkol sa lugar kung saan nais mong manirahansa sariling bayan o ibang bansa. Ipaliwanag.

V.

VI.

Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009

Ikalawang Artikulo: Ang Pag-uwi sa Sariling Bayan


I. Mga Layunin Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. maipaliwanag ang mga dahilan sa likod ng paglisan ng mga Pilipino sa sariling bansa; B. mahikayat ang mga kababayan na pagtuunan ng pansin ang mabubuting dahilan ng pananatili sa bansa; at C. matukoy ang mga negatibong isyu na sumisira sa imahe ng bansa. Paksang-aralin A. Paksa: B. Konsepto: C. Sanggunian: D. Kagamitan: Ang Pag-uwi sa Sariling Bayan Kahit nasaan man ang Pinoy, hahanap-hanapin pa rin niya ang kanyang sariling bansa. Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009 ashcard

II.

III. Mga Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila sa sumusunod na mga parirala/salita na nakasulat sa mga ashcard. 1. katas ng Saudi 2 stateside 3. made in Japan B. Panlinang na Gawain Kumalap ng mga larawan, patalastas, artikulong nagpapahiwatig ng mga negatibong bagay sa Pilipinas. Talakayin ito. Itanong kung paano mahihikayat ang mga Pilipinong pagtuunan ng pansin ang mga positibong bagay sa bansa? IV. Pagpapahalaga Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit marami pa rin ang umuuwi sa Pilipinas sa kabila ng maginhawang pamumuhay sa ibang bansa? Takdang-aralin Alamin ang mga bansang karaniwang destinasyon ng mga OFW. Itala ang mga pangunahing propesyon na kinakailangan sa mga bansang binanggit. Pagsusulit Ibigay ang hinihingi sa sumusunod na bilang: 1-3. Mga bansang pinakamadalas puntahan ng mga Pilipinong manggagawa simula noong dekada 70. 4-7. Mga dahilan kung bakit umalis ng bansa. 8-10. Mga dahilan kung bakit umuuwi ang mga Pilipino sa sariling bayan. Sagot: 1. Amerika 2. Saudi Arabia 3. Hapon 4. mas mataas na antas ng pamumuhay sa ibang bansa 5. mas mataas na sahod 6. mas maraming pagkakataon 7. colonial mentality 8. pagmamahal sa pamilya 9. pagpapahalaga sa personal na relasyon 10. pagmamahal sa bayan

V.

VI.

Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009

Ikatlong Artikulo: Mga Kwento ng Pangungulila: Panitikang Diaspora


I. Mga Layunin A. maibigay ang kahulugan ng salitang diaspora; B. mapaghambing ang kahulugan ng diaspora noon at ngayon; at C. makaguhit ng mga bagay na kakatawan sa mga isyung panlipunang kinakaharap ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Paksang-aralin A. Paksa: B. Konsepto: C. Sanggunian: D. Kagamitan: Mga Kwento ng Pangungulila: Panitikang Diaspora Matalik ang relasyon ng panitikan at lipunan. Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009 worksheet para sa Panimula at Panlinang na Gawain

II.

III. Mga Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita, samantalang ang konotasyon naman ay ang damdamin o ideyang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang ito. Halimbawa: Ulo Denotasyon: bahagi ng katawan na matatagpuan sa ibabaw ng balikat. Dito matatagpuan ang utak ng tao. Konotasyon: talino o antas ng pag-iisip, pinuno ng isang pangkat Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang diaspora. Salita Kahulugang Denotasyon Kahulugang Konotasyon B. Panlinang na Gawain Paghambingin ang kahulugan ng diaspora noon at ngayon. Konsepto ng Diaspora Noon Ngayon DIASPORA

IV.

Pagpapahalaga Iguhit ang mga bagay na maaaring kumatawan sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa.

Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009

V.

Takdang-aralin Magsaliksik ng mga akdang may tema ng pangungulila. VI. Pagsusulit Tukuyin ang sumusunod: ______________1. ______________2. Nobelang tungkol sa buhay ng mga Pilipinong migrante sa Amerika noong dekada ng 1940. Isa sa maagang bersyon ng balikbayan.

______________3-5. Mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa na patuloy na sumusulat tungkol sa Pilipinas. ______________6-7. Mga nobela ni Rizal. ______________8. ______________9. _____________10. Salitang Griyego na ibig sabihin ay pagkalat. Dinamikong relasyon ng panitikan at lipunan. Pinakamatingkad na tema ng panitikang diaspora.

Sagot: 1. America Is in the Heart 2. Crisostomo Ibarra 3. Jessica Hagedorn 4. Eric Gamalinda 5. Epifanio San Juan, Jr. 6. Noli Me Tangere 7. El Filibusterismo 8. diaspora 9. panitikang diaspora 10. pangungulila Sagot sa Hamong Pangkaisipan: Ang Awit ng Florante at Laura 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Laura gubat higera Florante leon Aladin relihiyon Albanya sanggol Briseo 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. Floresca Atenas Atenas Adolfo Adolfo Menandro Linseo Laura Turko Albanya

Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009

You might also like