Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon para Sa Unang Yunit NG El Filibusterismo
Introduksyon para Sa Unang Yunit NG El Filibusterismo
Mga Pamantayan Nailalarawan ang mga kalagayang pampulitika, panlipunan, kasaysayan, at kultura noong panahon ng kastila. Napalalawak ang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng masiglang pakikilahok sa Gawain at talakayan. Nasusuri ang mga salik na nagbunsod sa pag-usbong ng nasyonalismo noong panahon ng kastila. Makapagsagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga kahinaan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila at sa kasalukuyan.
Gamit ang KWL Chart ay itatala ng ng mga mag-aaral ang kanilang dating kaalaman tungkol sa nobela.
TRANSFER GOALS
Makapagsasagawa at makabubuo ng isang pagtatalo na kung saan mahahasa ang kanilang kakayahan sa pangangatwiran at pagbibigay-konteksto hinggil sa isang preposisyon.
Performance Task
Goal: Makikilahok ka sa isang debate hinggil sa sumusunod na preposisyon: HIGIT NA MASAMA ANG KALAGAYANG POLITIKAL, EKONOMIKAL AT PANLIPUNAN NG BANSA SA KAMAY NG MGA PILIPINO KAYSA SA PANAHONG SAKOP TAYO NG MGA DAYUHAN.
Role: Ikaw ay miyembro ng Debate Team ng inyong paaralan na: Tagasang-ayon sa isyung pinagtatalunan Tagasalungat sa isyung pinagtatalunan Tagalikom ng datos na magagamit na ebidensiya sa paksang pinagtatalunan Pinuno ng pangkat na sang-ayon o salungat Tagapamagitan o moderator sa dalawang pangkat na magtatalo.
Audience: guro sa Filipino, mga kamag-aral bilang board of judges ng ANC Situation: Sinasabing ang kasaysayan ay paulit-ulit lamang at ang mga suliranin ng bansa ay gayundin. Dahil ditto, ang Kagawaran ng Filipino ay naglunsad ng isang debate o pagtatalo. Ang inyong pangkat ay napiling ilahok ng inyong paaralan para sa pagtatalong gaganapin sa awditoryum at dadaluhan ng mga kilalang hurado galling sa ANC. Naatasan kayong maging kinatawan ng affirmative ( o negative). Performance/Product: Maghahati ang klase sa tatlong pangkat. Magkakaroon ng palabunutan upang malaman ang pangkat na sang-ayon, salungat at hurado. Standard ang Criteria for Success: Ang inyong pagtatalo ay gagabayan ng mga pamantayan na nakasaad sa rubrik:
PAMANTAYAN
Paggalang sa kalabang pangkat
1
Hindi nagpakita ng paggalang
2
Paminsan-minsan ay nagpapakita ng paggalang
3
Nagpakita ng paggalang
4
Nagpakita ng paggalang hanggang matapos ang pagtatalo
Estilo ng pananalita
Maayos ang pagsasalita Buhay na buhay ang pananalita kaya nahikayat ang mga tagapakinig
Isyung pinagtalunan
TAKDANG ARALIN:
Balikan ang buod ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paghahanap ng sipi at pagbabasa. Maghanap ng sipi at basahin ang buod ng El Filibusterismo Ihambing ang mga tauhang buhat sa Noli na matatagpuan sa El FIli at tuntunin ang kanilang naging tungkulin sa bagong Nobela. Bakit inihandog ni Rizal sa Gomburza ang nobelang ito. Anu-ano ang mga karanasan ni Rizal nang sulatin niya ang nobela na nakaapekto sa nilalaman nito.