Eksplorasyon NG Europeo Sa Asya

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EKSPLORASYON NG EUROPEO SA ASYA

Mga Kadahilanan o Glory -batay sa dami ng kolonya, layong magbigay ng karangalan sa kanilang sarili at Bansa o Gold -(rekado) tuklasin ang mga produktong mula sa Silangan na pinagkakakitaan ng mga Muslim at Italya o God -layong palaganapin ang Kristiyanismo Mga Salik na Pumukaw sa Panahon ng Eksplorasyon: 1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo Si Marco Polo ay mula sa Venice na naglakbay kasama ang kanyang ama sa ibat ibang lugar sa Asya tulad ng Tsina, Persia, Afghanistan, Mogolia at marami pa Binihag ng mga piratang Europeo sa kanyang paglalakbay pabalik at pinatapon sa kulungan Nakilala at inilahad ni Marco Polo ang kanyang mga karanasan sa kapwa niya bihag na si Rusticiano na isang manunulat , ng makalaya ay agad na inilathala ni Rusticiano ang kanyang aklat na The Travels of Marco Polo Inilalarawan ng aklat ang mga pagdiriwang, kayamanan kapayapaan ng lugar na gumising sa kuryusidad at imahinansyon ng mga Europeo upang marating ang Asya 2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo Maipalaganap ang Kristiyanismo at mapagbago ng pananalig ng mga taong hindi Kristiyano sa ibang lupain 3. Paghahangad ng Kayamanan Kontrolado ng mga Muslim at Italian ang kalakalan sa Silangan at Kanluran sa rutang Silk Road Ang mga Muslim ang nagdadala ng kalakal sa mga mangangalakal na Italian na kanilang ibinebenta sa mga Europeo sa napakamahal na halaga Napagpasyahan ng mga Europeo na gumawa ng paraan upang madaig ang mga mangangalakal at makahanap ng rutang pangkalakalan patungong Asya 4. Paghahangad ng Karangalan at Katanyagan Paghahangad na makauna sa pagtuklas ng mga lupain at rutang makapagbibigay hindi lamang ng kayamanan kundi pagkilala ng buong daigdig sa kanilang bansa

5. Pagbagsak ng Constantinople Hinarangan ng ng mga Muslim ang rutang patungong Asya (Silk Road) Naghanap ng bagong rutang gagamitin para sa kalakalan 6. Pag-unlad ng Teknolohiya o Ang pag-unlad ng teknolohiya ang nagsulong sa mga paglalakbay ng mga Europeo

Ang caravel, bapor na nilikha ng mga Europeo na epektibong nakakausad taliwas sa ihip ng hangin na ginagamitan din ng magnetic compass na likha ng Tsina na nagtuturo ng direksyon sa mga nabigador

Eksplorasyong Portugal o Prinsipe Henry, sinoportahan ang mga Portuguese na pinasimulan ang eksplorasyon na nagnais matuklasan ang pinagmulan ng mga rekadong kinakalakal sa Europa Nagtatag ng kauna-unahang naval school sa Portugal o Bartolomew Diaz -nakarating sa Cape of Good Hope ( ngunit sanhi ng kapaguran at nauubos nasuplay ng pagkain minabuting bumalik sa Portugal) o Vasco de Gama -nakatagpo ng bagong ruta at narating ang India, nakapag-uwi ng mga mamahaling bato, seda at iba pang produktong galling Silangan (nagbukas ng tuwirang ruta ng Portugal patungong Asya) o Francisco Albuquerque -unang viceroy ng hari at reyna ng Portugal sa Silangan o Alfonso de Albuquerque -nahirang na viceroy at nagtatag ng imperyo ng Portugal sa Asya Eksplorasyong Espanya o Sinundan ng Espanya ang eksplorasyon ng mga Portugal o Si Fernando Magellanes ang namuno ng unang ekspedisyon inilunsad ng Espanya na nakarating sa Pilipinas o Loaisa, Cabot, Saavedra, Villalobos at Legaspi Ang mga ekspedisyong sumunod kay Magallanes

2.2.2. Mga Gabay na Tanong: 2.2.2.1. Ano ang makikita sa larawan? 2.2.2.2. Saan ginagamit ang mga nakita sa larawan? 2.3. Pagtalakay ng Aralin: (42 mins.) 2.3.1. Ano ang eksplorasyon? 2.3.2. Anu-ano ang mga naging dahilan ng pagnanais ng mga Europeo na maglakbay patungong Asya? 2.3.3. Paano nakatulong si Marco Polo na magkaroon ng interes ang mga Europeong maglakbay patungong Asya? 2.3.4. Anong bansa sa kanluran ang unang naglunsad ng eksplorasyon? 2.3.5. Ilarawan ang partisipasyong ginawa ng mga sumusunod sa eksplorasyong Portugal: 2.3.5.1 Prinsipe Henry 2.3.5.2 Vasco de Gama 2.3.5.3 Bartolomew Diaz 2.3.5.4 Francisco de Albuquerque 2.3.5.5 Alfonso de Albuquerque 2.3.6. Paano nagkainteres ang Espanya sa paglalakbay patungong Asya? 2.3.7 Ilarawan ang mga ekspedisyong pinadala ng Espanya upang manakop 2.3.8. Bakit ninais ng mga Europeo na magkaroon ng kolonya sa Asya? 2.4. Paglalagom: (3 mins.) 2.4.1. Alin sa mga nabanggit na dahilan ng pagkakaroon ng interes ng mga Europeo sa Asya ang masasabing pinakasanhi? Bakit? 2.4.2. Kung hindi nagkaroon ng eksplorasyon ang mga Europeo, ano kaya ang magiging epekto nito sa mga bansa sa Asya? Bakit? 3. Pagpapahalaga: (5 mins.) 3.1. Paano mo makakamit ang mga pinapangarap sa iyong paglalakbay sa buhay? Bakit? 4. Takdang-Araling: (3 mins.) 4.1. Paano nasakop ng mga Ingles ang India? 4.2. Tukuyin ang mga naging sanhi, naganap at resulta ng mga sumusunod: 4.2.1. Rebelyong Sepoy 4.2.2. Digmaang Opyo 4.2.3. Rebelyong Boxer 4.2.4. Himagsikang Taiping 4.3. Isulat ang inyong sagot sa isang buong papel.

You might also like