Project

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Pista Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa ibat ibang dako ng Pilipinas.

Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinakainaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.

Pasko Ang Pasko, Kapaskuhan, o Panahon ng Pasko (Ingles: Christmas, na may tuwirang salin na "Misa ni Kristo"; Yule, at Yuletide) ay isang araw ng pangiling sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25. Sa araw na ito ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ayon sa mga ebanghelyo, si Hesus ay isinilang ni Maria sa Belen(Bethlehem).

Kaarawan

Ang kaarawan ay araw ng anibersaryo ng kapanganakan ng isang tao. Dinadaos ang isang kaaarawan sa pamamagitan ng mga pagdidiriwang na kabilang ang isang pagtitipong pang-kaarawaan o, sa ilang partikular na kaso, isang seremonya ng pagbabago.

Araw ng Kalayaan

Mga tagapagdala ng Watawat ng Pilipinas noong ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pang-2006 na Araw ng Kalayaan sa Lungsod ng Bagong York sa Estados Unidos. Isang tanda na nagdaraos din ng mga Pagdiriwang ng Pilipinas ang mga Pilipinong nasa ibang mga bansa.

Sayaw sa Obando

Ang Sayaw sa Obando[1] ay isang pasayaw na pagdiriwang ng mga Pilipinong isinasagawa sa Obando, Bulacan, Pilipinas, sa pangunguna ng mga Obandenyo. Bawat taon, sa buwan ng Mayo, sa saliw ng tugtugin ng mga instrumentong yari sa kawayan, nagsusuot ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan ng Obando ng mga tradisyonal na kasuotan upang sumayaw sa kalsadang sinusundan ng mga wangis ng kanilang mga pinipintakasing santo: sina San Pascual Baylon, Santa Clara at Nuestra Seora de Salambao (Ang Senyora ng Salambaw), habang umaawit ng kantang Santa Clara Pinung-Pino.

Dr. Jose P. Rizal Si Dr. Jos Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda y Quintos (Ika-19 ng Hunyo 1861Ika-30 ng Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinigtignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Andres Bonifacio Si Andrs Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro

Emilio F. Aguinaldo Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899.

Lapu-Lapu Si Lapu-Lapu ay isang datu sa isla ng Maktan. Nang dumating si Fernando de Magallanes para basbasan ang mga tribu ng Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu at nakipaglaban sa kanila. Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan.

Maria Josefa Gabriela Cario Silang

Si Maria Josefa Gabriela Cario Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang Joan d'Arc ng Ilocos, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng rebolusyon. Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa Piddig, Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata.

Adobo Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinakakilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Niluto sa suka, toyo, bawang, at paminta[2] ang mga sahog nito. Ipiniprito ang karneng sangkop bago haluan ng suka at bawang.[3] Itinuturing ito bilang pambansang lutuin ng Pilipinas. Maaaring adobohin ang karne, isda o mga gulay. Nagmula sa wikang Kastila ng Espanya at Mehiko ang salitang adobo na nangangahulugang "inatsara" o "kinilaw" (Ingles: pickled).

Sisig

Ang sisig ay isang kilalang ulam sa Pilipinas. Gawa ito sa mga bahaging-ulo ng baboy at ang mga laman nito, at maaaring palasahan ng kalamansi at/o sili. Madalas itong kinakain bilang pulutan kasabay ng beer at karaniwang hindi sinasabayan ng kanin. Maaari rin tumukoy ang sisig sa isang paraan ng pagluto o paghanda ng pagkain. Sa ganitong pamamaraan, maaari ring isisignang hindi limitado sa paggamit ng uloang tuna, pusit, at iba pa.

Lechon Ang Lechon o Roasted/Suckling pig sa Ingles ay isa sa mga paboritong putahe na inihahain sa mga handaan, salu-salo, mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at lalong-lalo na sa mga pista. Ito ay madalas na inihahanda sa gitna ng hapag-kainan na nakakapanghalina sa mga bisita. Ang baboy na ginagamit upang gawing lechon ay kadalasang may timbang mula 4-5 kilo.

Balut

Ang balut (o Trng vt ln sa wikang Biyetnames) ay isang pagkain nanggaling sa Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa pertilisasyon kasama ang isang halos buo nang embryo sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan.[1] Nagmula ang salita sa Tagalog na "balot".

Tinolang Manok

Tinola in Tagalog or Cebuano, or la uya in Ilocano is a soup-based dish served as an appetizer or main entre in the Philippines.[1] Traditionally, this dish is cooked with chicken, wedges of green papaya, and leaves of the siling labuyo chili pepper in broth flavored with ginger, onions and fish sauce. A common variant substitutes pork for chicken, chayote instead of papaya, or moringa leaves known as marungay or malunggay or "kamunggay" (in Cebuano), instead of pepper leaves.[2] However, an allvegetable broth in Cebu with 'kamunggay' in prominence is called "utan kamunggay" or "utan bisay". Tinola was invented in the late 19th century. The dish was also referenced in Jos Rizal's first novel, Noli Me Tangere.

Lansones Ang Lansones (Lansium domesticum Correa), isa sa mga paborito ng mga Pilipino, ay isang uri ng manamis-namis na prutas na makikita sa Laguna, Bukidnon, Albay, Quezon, Samar, Oriental Mindoro, Misamis Oriental, at sa ilan pang mga probinsiya sa Mindanao at Visayas. Tinatawag din itong Budhaw, Bukan o Bulahan ng mga Bisaya, Kaubungan ng mga Manobo, Tubua ng mga Bikolano at Bagko ng mga taga-Bukidnon.

Saging Ang Saging (Musa paradisiaca Linn) ay isang uri ng prutas na masasabing pinakakilala sa Pilipinas at matatagpuan sa buong bansa. Isa ito sa mga paborito ng mga Pilipino. Ang Pilipinas din ang pang-lima sa pinakamalaking nagluluwas ng saging sa buong mundo. Ito ay tinatawag na tukol ng mga Ilokano, turdan ng mga bisaya, Latunda ng mga Bikolano at Pangasinense, at Saquin a Latondan ng mga Kapampangan.

Marang Ang Marang ay isang punong tropikal. Maaaring kainin ang buto at tustahin. Matatagpuan ito sa Borneo at Pilipinas.

Bayabas

Ang Bayabas (Psydium guajava) ay isa sa pinakapopular na halamang-gamot sa Pilipinas. Ito ay isang maliit na puno na maaaring lumaki hanggang tatlong metro na may maberde at kulay kapeng balat ng kahoy. Bilang isang halamang gamot,pinakikinabangan ang prutas ng bayabas,kabilang na ang balat at dahon nito. Ang balat at dahon din ay maaring gamiting pampahilom ng sugat. Ang karaniwang gamit ng mga dahon nito ay upang malinis at maalis ang mikrobyo ng sugat sa pamamagitan ng pagbabanlaw sa apektadong bahagi. Ang prutas na bayabas, bukod sa masarap ay may purong katas ng bitamina C. Ipinapayo lamang na limitahan ang pagkain nito upang hindi maging sanhi ng konstipasyon.

Durian

Ang durian o duryan ay prutas ng ilang puno na matatagpuan sa Timog-silangang Asya. Kilala ang prutas na ito sa kaniyang pagiging malaki, matinding amoy, at matinik na balat.

Butuan Ivory seal The writing is stylized Kavi, each letter being fitted into an oblong box so that it appears distorted. Postma states that the script is similar to that on the inscription of Puh Serang near Kediri dated 1002. He further indicates that the writing says "Butban," which presumably stands for "Butwan" or "Butuan" since b and w are frequently interchangeable.

Balangay

Ang Balangay ay ang pinakamatanda at pinakaunang sasakyang pandagat na nahukay sa buong Timog Silangang Asya. Kilala rin bilang bangka ng Butuan, ang sinaunang sining na ito ay isang matinding ebidensiya ng kahusayan ng sinaunang Pilipino, gayon din ng kanilang layong makapaglakbay sa ibayong dagat.

Tela sa Banton

Tela sa Banton. Natagpuan sa Isla Banton, Romblon ang sinaunang uri ng telang ginagamit na pambalot sa bangkay. Ikat ang paraan ng pagkakahabi ng tela, na ang bawat hibla ay masinop na sinusukat, tinitina, ibinibilad, at iniikid bago masining na idisenyo ng tagahabi. Palaisipan pa rin kung kailan ito unang ginawa sa Pilipinas. Samantala, ang Tela sa Banton ang masasabing kaunaunahang telang ikat sa Timog Silangang Asya at natagpuan noong siglo 1415.

Kopitang luad ng Leta-leta Kopitang luad ng Leta-leta. Natatangi ang kopitang ito na yari sa luad, na umiral noong Neolitikong Panahon at matanda pa sa Piramide ng Ehipto. Animo'y doon ipinadron ang modernong kopitang para lamang sa alak na kakaiba ang sipa at linamnam, at maiisip na laan lamang iyon sa mga maharlika o tarikan.

Tapayan sa Manunggul Ang Tapayan sa Manunggul ay isang banga na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang tao sa Palawan noong 890-710 BK. Ang banga ay ukol sa sekondaryang paglilibing kaya mga buto lamang ng yumao ang laman nito. Itinuturing itong Pambansang Kayamanan ng Pilipinas at makikita rin sa likod ng 1000 libo na salapi. Nahukay sa yungib ng Manunggul, Lipuun Point, Palawan ang nasabing banga, at nitong Pebrero 2008 ay sinusubok muling halukayin ng mga dayong mananaliksik na Pranses sa mga baybayin ng Lipuun.

PROYEKTO SA FILIPINO

Ipinasa ni: Giles Oliver M. Erro

Ipinasa kay: Maam Nilda Queda

You might also like