Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

HADLANGAN ANG PAGBIBIGAY NG WATER PERMIT KAY ISRAEL BUILDERS AND DEVELOPMENT CORPORATION (IBDC) BREAKING NEWS!!!!

Ibig ko pong ipaalam sa inyo na magkakaroon ng OCULAR INSPECTION ang LLDA sa Sinabak Spring, PatakPatak Spring at Mangulila Spring sa darating na February 19 and 20, 2013 kaugnay sa application ng IBDC na bigyan ito ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Kailangan po nating sumama, makialam at hadlangan ang pagbibigay ng Water Permit sa IBDC upang hindi mapasakamay ng isang dayuhan ang karapatang kumuha at gumagamit ng tubig sa mga bukal o ilog ng ating bayan. HUWAG NATING HAYAAN NA MAKINABANG ANG ISANG DAYUHAN SA MGA BUKAL AT ILOG NG ATING BAYAN!!! T: Ano ang Water Permit? S: Ang Water Permit ay isang property right o pagbibigay ng karapatan sa isang kumpanya o tao na siyang ekslusibo o mag-isa na makakuha ng tubig sa isang bukal o ilog.
1.

T: Ano ang ibig sabihin na ang Water Permit ay isang property right? S: Bilang isang property right ang Water Permit o karapatan na kumuha ng tubig sa isang bukal o ilog ay maaaring ibenta sa isang tao o ito ay maari ring ipangprenda o collateral sa isang utang. Sa madaling salita, ang isang kumpanya o tao na walang pera ay maaaring magkaroon ng pera pag siya ay nabigyan ng Water Permit dahil pwede niyang ibenta sa ibang tao ang Water Permit o gamitin niyang pambayad sa utang o bilang collateral sa utang.
2.

T: Ano ang Water Permit na ina-aplayan IBDC? S: Si IBDC ay nag-aapply ng Water Permit para sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring.
3.

T: Bakit kailangan nating hadlangan o tutulan ang pagbibigay ng Water Permit kay IBDC?
4. 1

S: Maraming dahilan kung bakit natin dapat tutulan ang pagbibigay ng Water Permit kay IBDC. Una, ang Majayjay ang may-ari ng lupa na kinatitirikan o kung saan matatagpuan ang Sinabak Spring at ito ay makikita sa Real Estate Tax Declaration na nakalakip dito. Bilang may-ari ng lupa na kung saan matatagpuan ang Sinabak Spring ang ibig sabihin ang ating bayan din ang may-ari ng Sinabak Spring, kaya ang Water Permit sa Sinabak Spring ay hindi dapat ipamigay sa IBDC. Tama ba na ating ibigay kay IBDC ang Water Permit sa Sinabak Spring? HINDI TAMA AT LALO NA HINDI MAKATARUNGAN. Mahigit kumulang ng 100 taon na ang ating bayan ang nagpapatakbo at kumukuha ng tubig sa Sinabak Spring kaya hindi dapat natin ibigay kay IBDC o sa isang banyaga ang pagpapatakbo ng Sinabak Spring. Sa madaling salita, matagal ng may karapatan ang ating bayan at mga mamamayan sa Sinabak Spring kaya hindi natin dapat hayaan si IBDC na mabigyan ng Water Permit sa Sinabak Spring. Kung mapapapunta kay IBDC ang pagmamayari at pagpapatakbo ng Sinabak Spring ang mga mamamayan sa ating bayan ay magiging dependent o aasa na lamang o mapapasailalim na sa kapangyarihan ni IBDC. Ang malaking katanungan ay bakit hinahayaan ng mga kasalukuyang opisyales ng ating bayan na kunin ni IBDC at para kanyahin ang Sinabak Spring? Maliban kina Kon. Torio Ronabio, Fredie Estupigan at SK Pres. Victor Gruezo III, wala ni isa man sa kasalukuyan nating opisyales ng Majayjay ang tumututol o humahadlang sa pagbibigay ng Water Permit kay IBDC sa Sinabak Spring. WALANG GINAWA na pagsang-ayon ang mga members ng Sanguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Ana Rosa sa Resolusyon na ginawa nina Kon. Torio Ronabio, Fredie Estupigan at SK Pres. Victor Gruezo III upang tutulan ang pagbibigay ng Water Permit
2

kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Kaya mga kababayan itanong po natin sa mga opisyales natin na Walang Ginagawa kung bakit hinahayaan nila na kunin at kanyahin ni IBDC ang Sinabak Spring na isang pag-aari ng ating mahal na bayan? Pangalawa, ang Patak-Patak Spring ay nasa lupa na pag-aari ng Conejos Family at sila ay tutol sa pagbibigay ng Water Permit kay IBDC. Ang Patak-Patak Spring ay matagal na ring pinanggagalingan ng tubig ng ating bayan kaya dapat hindi mapunta kay IBDC ang Water Permit sa Patak-Patak Spring. Ang ating bayan ang dapat na siya ring may karapatan sa Patak-Patak Spring upang hindi tayo maging dependent o umaasa sa isang banyaga na katulad ni IBDC. Pangatlo, ang Water Permit sa Mangulila Spring ay hindi din dapat mapunta kay IBDC dahil ang tubig na manggagaling sa Mangulila Spring ay dadalhin lamang ni IBDC sa mga kalapit bayan samantalang kulang na kulang ang tubig sa ating bayan. Ang tubig na kukunin ni IBDC sa Mangulila Spring ay 900 Liters Per Second (LPS) or 54,000 Liters Per Min. or 3,240,000 Liters Per Hour or 77,760,000 Liters Per Day na dapat sana ay dalhin at pakinabangan sa ating bayan. Pang-apat, ayon sa Contract for the Supply of Bulk Water sa pagitan ng Majayjay at IBDC na may petsa August 1, 2011, maliwanag na nakasaad sa Article IV Section 7 (d) na ang may karapatan na mag-apply ng Water Permit sa LLDA ay ang ating bayan. Si IBDC ay walang karapatan para mag apply ng Water Permit. Ang obligasyon ni IBDC ay tulungan lamang ang ating bayan sa pag aaply ng Water Permit sa LLDA. Kaya ang katanugan, Bakit sa halip na tulungan ang ating bayan, si IBDC mismo ang nag apply na Water Permit sa LLDA?

Kaya dapat tutulan at hadlangan natin ang pagbibigay ng Water Permit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Kaya kung makakaharap ninyo ang opisyales ng ating bayan, itanong ninyo sa kanila kung bakit hinahayaan nila na mag-apply ng Water Permit si IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring na gayong nakalagay sa Contract for the Supply of Bulk Water na ang may karapatan na mag-apply ng Water Permit ay ang ating bayan. Itanong natin sa mga members ng Sangguniang Bayan lalong-lalo na kay Vice Ana Rosas kung bakit hindi nila sinang-ayunan ang Resolution na ipinasok nina Konsehal Torio, Ronabio, Fredie Estupigan at SK Pres. Victor Gruezo III upang tutulan ang pagbibigay ng Water Permit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Higit sa lahat dapat itanong natin kay Mayor Filo Guera bakit siya ay nagbigay ng letter Cetification sa LLDA na may petsang Marso 14, 2012, na walang tutol o hadlang ang ating bayan sa pagbibigay ng Water Permit kay IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Bakit hindi ang ating bayan ang nag-apply ng Water Permit gayong malinaw na nakalagay sa Article IV Section 7 (d) ng Contract for the Supply of Bulk Water na ang ating bayan ang siyang may karapatan mag-apply ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. Nakalakip ditto ang letter Certification na may petsang Marso 14, 2012 mula kay Mayor Guera. Pang lima, pag nabigyan ng Water Permit si IBDC malamang na tuluyan ng matuyuan ng tubig o mamatay na ang mga lupaing agricultural o bukirin sa ating bayan dahil si IBDC na ang may control sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring at si IBDC ay malamang hindi bigyan ng tubig ang mga lupaing agricultural o bukirin sa ating bayan dahil sinasabi na wala namang nakalagay sa plano ni IBDC kung paano
4

bibigyan ng tubig ang mga agricultural o bukirin sa ating bayan.

lupaing

Pang huli, kung mabigyan ng Water Permit si IBDC sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring, malamang magsimula na si IBDC na maningil ng bayad sa tubig. Hanggang wala pang Water Permit si IBDC, hindi pwedeng maningil si IBDC ng bayad ng tubig, hingan ninyo si IBDC ng kopya ng Water Permit. Kaugnay pa rin ng paniningil ng bayad sa tubig, hingin ninyo ang kontrata o kasulatan na kayo ay may kontrata kay IBDC para magbayad ng singil sa tubig kay IBDC. Tandaan po ninyo ang kontrata ninyong pinirmahan sa pagkakabit ng water meter ay sa isang Majayjay Waters. Katulad na ng sinabi noon, ang Majayjay Waters ay hindi naka rehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) and Securities and Exchange Commission (SEC) at dahil dito lumalabas na ang Majayjay Waters na isang impostor. Sa madaling salita, kung wala kayong pinirmahan na kontrata kay IBDC sa pagkakabit ng water meter, si IBDC ay walang karapatan na maningil ng bayad sa tubig. Kung sakali na puputulin ni IBDC ang inyong supply ng tubig dahil ayaw ninyong magbayad dahil wala naman kayong kontrata kay IBDC, ano ang dapat ninyong gawin? Ang inyong gawin ay huwag papasukin sa inyong bahay o bakuran o paligid ng bahay ang tauhan ni IBDC na gustong putulin ang inyong supply ng tubig. Ang inyong supply ng tubig ayon sa batas ay isang property right o ariarian at ayon sa batas tayo ay may karapatan para ipagtanggol ang ating ari-arian sa pamamagitan ng paggamit ng tamang pwersa (REASONABLE FORCE) upang di makuha o mawala sa atin ang ating ari-arian. ANG PAGTATANGGOL SA ATING ARI-ARIAN O SUPPLY NG TUBIG AY TINATAWAG SA BATAS NA SELF-DEFENSE. Sa madaling salita kailangang matuto tayong tumindig at makipag laban at huwag nating hayaan na yurakan ni IBDC ang ating karapatan at ari-arian.
5

Tandaan natin ang kasabihan WALANG MANGAAPI KUNG WALANG NAGPAPA-API. KAYA MGA KABABAYAN, ako po ay muling nananawagan sa inyo na tayo ay magsama sama upang tutulan o hadlangan ang pagbibigay ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak Spring at Mangulila Spring. MABUHAY ANG MAJAJAYENOS!!!

You might also like