Kakay Ayaw Sa Gulay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAKAY ayaw sa GULAY/ PIA pihikan 1st Setting: kwarto ni kakay (gabi, matutulog na, naka pantulog) Kakay:

mama, tapos na po akong mag sipilyo at mag linis ng katawan. Matutulog nap o ako para po magising po ako ng maaga para po sa unang araw ng pasuka. (nakangiti) MAMA: ayan, ang bango bango naman ng anak ko. Excited ka naba para bukas? Ano nga palang gusto mong baunin bukas anak? KAKAY: ahhhmmmmmm. NARRATOR: sa isip-isip ni kakay gusto niya ng tsitsirya at mga tsokolate, pero alam niyang papagalitan siya at di papaya gang kanyang mama kung kaya . . . . . KAKAY: kahit ano nalang po mama, sige po matutulog na po ako. MAMA: o siya sige anak magpahinga kna, NARRATOR: at natulog na rin si kakay upang makapag pahinga, kinaumagahan. . . MAMA: kakay!!!! Anak!!! Bangon na at maligo para di ka malate. Sige na anak at nagluluto na ako ng umagahan mo. Masarap to siguradong gutom kana. KAKAY: eto na po mama babangon na po ako at maliligo. NARRATOR: pumunta na ng banyo si kakay upang maligo, ngunit tinatamad si kakay na maligo kaya ang ginawa ni kakay ay. . . . KAKAY: hmppp. Hindi naman makikita ni mama na di ako maliligo e bukas nalang tutal naligo naman na ako kagabi pwede na un. Makapag bihis na nga lang. ( nagbihis agd-agad si kakay at din a naligo, siya ay bumaba upang kumain) MAMA: anak oh, kumain kana at inumin mo na ang gatas mo para mainitan ang tiyan mo sige na kumain kna diyan at aayusin ko lang ang gamit mo huh. KAKAY: sige po mama. (pagkaalis ng kanyang mama) naku naman eto nanaman ung gatas na to na sobrang sama ng las yuckkk! Hmmmm alam ko na!!! (dali daling pumunta si kakay sa lababo kasama ang baso ng gatas at ito ay tinapon niya). Ayan ubos na ang gatas ko hahahaaha. Di naman na to mapapansin ni mama. Hmmmmm. Wala bang tsitsirya?? Puro nalang itlog itlog?? Hotdog?? Patatas?? Hayyyy. ( tinawag ni kakay ang kanyang alagang aso na si PULGAS at tsaka pinakain at pinaubos ang pagkain niya, at simula nun yun ang paulit ulit na ginagawa ni kakay pag umaga tuwing kakain siya)

MAMA: oh anak. Wow naman! Ang galling naman ng anak ko naubos ang pagkain. Siya sige na anak ito na ang baon mo masarap yan. SANDWICH!! Masarap yan ubusin mo yan anak huh?? Binaunan na din kita ng JUICE mo ditto huh?? Andyan na service mo sige na lakad na. KAKAY: sige po nay, (nagmano) 2nd setting : classroom, teacher mag papa recess, maglalabas na baon ang mga studyante. CLASSMATE 1: uyy kakay, kain na tau. Tara na. KAKAY: hmpp ayoko, di masarap yung baon ko e, CLASSMATE 1: bakit naman? Ano ba yang baon mo? KAKAY: sandwich at juice!! May gulay pa kaasar. CLASSMATE 1: hala! Ang sarap nga ng baon mo e. ako eto lang tsitsirya at coke KAKAY: wow!! Hmmmmm. Ang sarap naman ng baon mo buti ka pa. tutal naman nasasarapan ka sa baon ko gusto mo bang palit nalang tau?? CLASSMATE 1: sige sige. Sana ganito nalang din baon ko mas gusto ko nito e kaysa sa junk foods. KAKAY: naku alam mo, may maganda akong ideya, lagi nalanag tayong magpalit ng baon gusto mo? (pumayag ang kanyang classmate na lagi silang magpalit ng baon, di kinakain ni kaka yang baon niyang sandwich at juice mas gusto niya ang tsitsirya at softdrinks hanggang sa) 3rd setting: kwarto ni kakay, natututlog si kakay, nakalimutan niyang itapon ang balat ng tsitsirya at bote ng softdrink sa bag niya dahil siya ay naka tulog. Pumasok ang ina ni kakay sa kanyang kwarto at makikita ang balat at bote sa kanayang bag. (kinaumagahan) MAMA: anak, bakit may balat ng tsitsirya at bote ng softdrink sa bag mo? KAKAY: ay. (naku patay) wala po yun nay, nilibre lang po kami ng nanay ng klasmeyt namen dahil bday po ng classmate namen (naniwala ang kanayang mama at din a nagtanong muli).

4th setting: school, susunduin si kakay ng kanyang mama ( pumunta ang mama ni kakay sa kanailang school upang sumduin siya, habang siya ay naghihintay kay kakay nakita siya ng classmate ni kakay na kapalitan niya lagi ng baon) C 1: tita tita, magandang hapon po, kayo po yung mama ni kakay dib a po?? (tumugon ang mama ni kakay) alam niyo po ba ang sarap ng gawa niyong sandwich lagi po kaming nagpapalit ng baon ni kakay ayaw niya daw po kasi ng baon niya, e ayoko din po kasi ng baon kong tsitsirya at softdrinks. MAMA: huh? Gnun ba? Naku buti nasabi mo. Salamat sa pag bati mo sandwich ko huh. Ingat ka. Si kakay nga pala?? C1: palabas na din po si kakay tita, sige po. 5th setting: sa bahay, papagalitan na si kakay. MAMA: kakay kaylan ka pa natutong magsinungaling sa akin? Sinumbong ka ng klasmeyt mo sakin na lagi daw kayong nagpapalit ng baon dahil ayaw mo ng baon mong sandwich at juice mas gusto mo daw tsitsirya ta softdrink?? Kaylan kpa natutong kumain ng mga ganong pagkain?? Di kita tinuruan ng mga ganoong bagay kakay. Napaka halaga ng pagkain ng gulay at masusuntnsyang pagkain, kaysa sa mga junkfoods. Di iyon makakatulong sa iyong katwan anak bibigyan ka lamang nito ng sakit. Napaka daming sustansya ng gulay anak, gagawin ka nitong malusog at matalinong bata. KAKAY: ayoko po ng baon kong sandwich na may gulay, nakakasuka po ang lasa. At ng mga patatas at gatas. Di poi to masasarap. Mas gusto kop o ng tsitsirya at softdrink na mas masarap MAMA: simula ngayon anak lagi na akong sasama sa school mo para mabantayan kita dahil sa mga pinag gaga gawa mo KAKAY: (magagalit) sana hindi nalang ikaw ang nagging mama ko, gusto ko yung mama na ibibigay lahat ng pagkaing gusto ko!!! (umakyat at nagkulong si kakay sa kanyang kwarto hanggang sa makatulog, kinabukasan) Hala!. Anong oras nab a? bakit hindi ako ginising ni mama late na ko sa school (dali daling pumunta si kakay sa kainan at hinanap ang kanyang mama, NGUNIT!) Sino ka?? Nasan ang mama ko? At ano tong mga to?? Nasaan ang mama ko??

UBASITA: ako ang mama mo, di bat hiniling mong sana iba nalang ang mama mo, na laging ibibgay ang pagkaing gusto mo?? Heto na ako ang mama ubasita mo na lagging ibibigayang pagkaing gusto mo. Heto nga oh pinag handa kita ng masasarap na tsitsirya at softdrink, may ice cream at candy at madami pang iba humiling ka lang (mapapahanaga si kakay) KAKAY: wow! The best ka! Talaga bang akin lahat ng to? Ay teka may pasok pa ako eh. UBASITA: wag ka ng pumasok ok lang yan, kumain ka lang ng kumain wag kang papagutom huh? At mamaya lulutuan kita ng pritong manok at malamig na malamig na softdrink para sa lunch mo. Di ba gusto mo yun? (tutugon si kakay) (ilang araw ng hindi pumapasok si kakay, may mga araw lang na sinisipag siyang pumasok ngunit di na rin siya naliligo at nagsisipilyo, araw araw tsitsirya, softdrink, at mga pritong pagkain lamang ang kinakain ni kakay at wala ng iba, minsan nalang din siya magsipilyoat maligo miski magpalit ng kanyang damit, hanggang sa) KAKAY: ahhhhh, ang sakit sakit na ng tiyan ko!! Sobrang sakit. UBASITA: ooh.. anong nangyayari sau? Kumain kna pinaghainan na kita ng paborito mong tsitsirya. KAKAY: wala bang kanin? Sobrang sakit na ng tiyan ko puro nalnag junkfood laman ng tiyan ko at gatas na mainit para mainitan ang tiyan ko kautlad ng laging ginagwa ni nanay sakin para mainitan ang tiyan ko sa umaga?? UBASITA: kainin mo nalang yang mga tsitsirya nay an sigurado pag kumain ka niyang paborito mo mawawala din yan. KAKAY: ayoko!! Ang sakit na ng tiyan ko. ( sa sobrang sakit ng tiyan ni kakay siya ay nakatulog at mananaginip, lalabas na ang mga buhay na junkfoods at gigising si kakay tatakutin siya lalabas ang mga gulay at ipagtatanggol si kakay sa mga junk foods. May lider na matnda sa junkfoods taga pag salita at sa gulay at sa panlinis ng katawan) KAKAY: (umiiyak, malungkot. Di na kumakain) Sana di ko nalang hiniling na mapalitan ang mama ko, di ito mangyayare sakin kung nakinig lang ako saknya, sobrang sakit ng tiyan ko at nanghihina na ako, dapat nakinig ako kay mama na sakit lamang ang dulot sakin ng mga junkfoods na ito, dapat gulay, prutas at masusustansyang pagkain ang kinakain ko upang ako ay maging malakas, matalino at lumaki. Hayyyyy. Namimiss ko na ang masasarap na luto ni mama na dati hindi ko pinapansin, sana bumalik na siya, sana siya nalang ulit ang mama ko. Promise ko na kakain na at ng

masusutansyang pagkain tulad ng gulay, prutas at mga karne, makikinig na k okay mama. (patuloy sa pag iyak, kinabukasan) Hmmmmm. Ang bango naman nun, ano kaya yun?? MAMA: oh anak kain na!! tanghali na, nagluto ako ng manok diyan kumain kana ( sa hapag kaninan, bibigyan ng mama ng manok si kakay ngunit tatanggi) KAKAY: mama, ayoko po ng manok, yung gulay nalang po. Mas masustansya po ang gulay kaysa sa mga pritong pagkain, at mas gusto kop o ng isda mama. (mamamangha ang mama at bibigyan ng gulay at isa) Wow!! Ang sarap naman nito mama, ngayon ko lang ito natikman napaka sarap pala. Wow!! Pahingi pa po mama. MAMA: mabuti naman anak at natutnan mo ng kumain ng gulay at isda, masustansya ang mga pagkaing yan anak na magpapalakas at magpapasigla ng iyong pangangatwan, sige anak kumain kappa!

You might also like