Nang Minsang Mawala Si Pepe

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NANG MINSANG MAWALA SI PEPE

Narrator: Mag-iikalabindalawa na ng tanghali noon at nkahain sa sa tahanan nina Pepe. Tinatawag na ni Aling Lolay ang mga anakupang managhali ngunit si Pepe ay nawala. Tumindig si Aling Lolay at tumingin sa bintana at nagsalita. Aling Lolay: Hindi ko malaman kung bakit wala pa si Pepe. Magiikalabindalawa na, at dapat ay narito na siya. Anak 1: Marahil po ay kinausap na naman siya ni Pari Leoncio. Anak 2: Natatandaanba ninyo ang sabi ni Pari Leoncio na siya raw ay nasisiyahang kausapin si Pepe. Anak 3: O baka naman dumaan muna sa bahay ng Tiyo Manuel. Anak 4: O, maaaring doon na mananghalian sa kina Tiyo Jose. Narrator: Ang bawat kapatid na babae ay palaging nagtatakip sa ina kapag si Jose ay may nagagawang hindi tama o may nakagalit. Aling Lolay: Hanapin nga ninyo si Pepe sa paaralan. Narrator: Utos ni Aling Lolay sa isa sa mga katulong. Binalingan din nito si Paciano at inutusan. Aling Lolay: Hanapinmo ang kapatid mo. Akoy nag-aalala nab aka may mangyari sa kanya. Narrator: Ang mga inutusan ay nagsialis na. Ang mag anak ay nagsimula nang kumain ngunit si Aling Lolay ay nanatiling nakatatayo sa may durungawanat naghihintay kay Pepe. Pagkatapos ay nanaog at tumayo sa may hagdanang nakaharap sa kalsada. Nang malapit na ang unang oras ng hapon ay ipinasya ng ina na siyay aalis din upang hanapin ang anak ngunit siyang pagdating nina Paciano at Pepe. Anak 1: O, hayan na sina Paciano at Pepe.

Narrator: Ang ina ay sumalubong agad sa maghawak na Paciano at Pepe. Anak 2: Saan ka nanggaling? Anak 3: Saan mo siya nakita? Anak 4: Bakit ngayon ka lang? Narrator: Hindi magkamayaw ang tanungan ng mga kapatid na babae. Si Paciano ang sumagot. Paciano: Nakita ko siyang lumalakad patungong Los Banos. Aling Lolay: Patungong Los Banos? At bakit ka tutungo sa Los Banos? Pepe: Hindi po naman ako talaga pupunta roon, lamang ay nang akoy galing sa paaralan at akoy nakatingin sa mga punungkahoy at asul na langit ay nasiyahan ako nang labissa mga napangmasdan ko. Nakita ko ang mga kalabaw at mgaibon sa bukid, Nakakita ako ng mga mayang nanginginainsa mga uhay ng palay. Sinundan ko ang isa at lumipad pa ito nang malayo. Nais ko sanang sundan pa ito ngunit nagpakalayu-layo. Ang dami ko ring napangmasdang tutubiat magagandang paruparo. Aling Lolay: Ngunit hindi ito oras ng pamamasyal. Nalalaman mo bang lahat kami ay nag-aalala nang gayon na lamang? Pepe: Nalulungkot po ako, Nanay. Ipinangangako ko po na hindi na ako muling magpapasyal sa ganitong oras. Narrator: Hindi kumibo ang ina. Alam niyang si Pepe ay tutupad sa kanyang pangako. Aling Lolay: Sige, hugas na ng kamay at makakain. Pati akoy hindi pa kumakain. Narrator: Si Pepe ay hiyang-hiya sa ina at mga kapatid sa kanyang dipagdating sa oras ng pananghalian.

You might also like