Ang Himagsikang Pilipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ANG HIMAGSIKANG PILIPINO

Maituring na nabigo ang kilusang Propaganda


na makamit ang alinman sa mga layunin nito. Hindi ipinagkaloob ng pamahalaang Espanyol ang mga repormang hinihingi ng samahan dahil nang mga panahong iyon ay abala ang Espanya sa mga

suliraning

panloob.

Dagdag

pa

rito,

walang

pagkakaisa sa loob mismo ng kilusan sa pagitan ng mga kasapi tulad ng di-pagkakaunawaan ng mga tagasunod nina del Pilar at Rizal.

Si Rizal at ang La Liga Filipina Sa pagkabuwag ng Circulo Hispano at Kilusang Propaganda sa Espanya, bumalik sa Pilipinas si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Alonso Y Realonda noong June 26, 1892. Agad siyang inanyayahan sa isang pulong sa Ilaya St. Tondo, Maynila noong July 3, 1892 at ditoy itinatag niya ang samahang La Liga

Filipina.

Mga Layunin ng La Liga Filipina 1.) Magkaroon ng pagkakaisa ang buong bansa para sa kapakanan ng lahat. 2.) Magtulungan sa panahon ng pangangailangan 3.) Pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang katarungan 4.) Maisulong ang edukasyon, pakikipaglaban at agrikultura 5.) Maisagawa ang pagbabago o reporma sa pamahalaan.

Sa kasamaang-palad, pinangambahan
ng mga may kapangyarihang Espanyol na isang mapanganib na samahan na may layuning magpabagsak sa pamahalaan. Ipinadakip ni Gobernador Heneral Eulogio

Despujol si Jose Rizal noong July 6, 1892 at


ipinag-utos na ipatapon sa Dapitan City,

Zamboanga del Norte at ikinulong sa loob


ng apat na taon.

Ang Katipunan Ang pagkakatatag

Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan sa No. 72, Azcarraga St. Tondo, Manila ay
ng naging kasagutan ng mga nakararaming Pilipino sa kabiguan ng mga Propagandista. Noong July 4, 1892, matapos ipadakip si Jose Rizal, agarang bumuo ng isang samahan ang mga Pilipino sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ito ay ang KKK.

MGA LAYUNIN NG KATIPUNAN 1.) Maghangad ng kalayaan mula sa Spain 2.) Pagtuturo at pag-aaral ng kagandahang asal, kalinisan, mabuting pakikipagkapwa at ang pakikibaka sa panatisismo. 3.) Pagpapairal ng kapatiran sa mga kapwa kasapi, pagtatanggol at pagtulong sa mga mahihirap at naaapi.

MGA URI NG KASAPI


1.)

Katipon- Gumagamit ng kontrasenyas o sekretong hudyat na Anak ng Bayan at sa pagpupulong ay gumagamit ng talukbong na itim. Ang talukbong ay mga tatsulok na gawa sa putting laso na naglalaman ng mga letrang Z, LL, at B, batay sa letra ng Katipunan, nangangahulugan itong Anak ng Bayan, at hudyat ng Katipon.

2.) KAWAL- Sila ay nagsusuot ng luntiang talukbong na may tatsulok na binubuo ng mga puting linya. Nakasabit sa leeg ng kawal ang isang luntiang laso na medalya ang dulo. Ang hudyat nila ay GOMBURZA 3.) BAYANI- nagsusuot ng pulang maskara at laso na may berdeng linya sa gilid. Sumisimbolo ito sa katapangan at pag-asa. May pulang linya sa harapan ng maskara na binubuo ng tatsulok na may letrang K na nakaayos na patatsulok din. Ang kanilang hudyat ay Rizal.

ANG KARTILYA NG KATIPUNAN


Upang ganap na maikintal sa isipan at puso ng mga kasapi ng Katipunan ang mga adhikain at layunin nito, inatasan ni Andres Bonifacio na gumawa ng isang kartilya si Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan) na maglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng mga kasapi.

1.) Ang buhay ay hindi ginugol sa isang banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi man damong makamandag.

2.) Ang gawaing magaling na nagbubuhat sa paghahambog o pagpipinta sa sarili at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. 3.) Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang bawat kilos, gawat pangungusap sa talagang katwiran.
4.) Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng taoy pantay-pantay; mangyayaring ang isay hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

5.) Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa puri.

6.) Sa taong may hiya, ang salitay panunumpa.


7. ) Huwag mong sayangin ang panahon, ang yamang nawalay mangyayaring magbabalik, ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan. 8.) Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi 9.) Ang matalinoy may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10.) Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak, kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. 11.) Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang kundi isang katuwang at karamay ng lalaki sa mga kahirapan nitong buhay.Gamitin ng nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal) na kahinaan, at alalahanin ang inang nag-aaruga sa iyong kasanggulan. 12.) Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

You might also like