Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Pagpapakilala Ang teatrong D Wonder Twins of Boac ay nagbibigay ng isang pambihirang pananaw sa mundo ng pelikula at kung paano nito napalaki at nahubog ang ating kultura.Ito ay kwento ng kambal na nais sumikat sa industriya ng pag-aartista. Nag-umpisa ang kwento sa bayan ng Boac sa Marinduque kung saan nakatira ang kambal na sina Bastian at Viola.Mahilig silang sumali sa mga paligsahan sa pagsayaw at pagkanta sa mga pista at maging sa perya.Ngunit may iisang pangarap ang kambal at iyon ay ang makilala sa industriya ng pag-aartista.Upang matupad ang kanilang mga pangarap,lumuwas sila ng Maynila upang makipagsapalaran.Sa Maynila kasi,bukas ang mga opurtunidad para sa mga katulad nilang nais mag-artista dahil ang mga malalaking studio films ay naghahanap ng mga bagong mukha ng artista.Sa kasawiang palad, lumubog ang sinasakyang barko ng kambal at nagkahiwalay silang dalawa.Hindi nakita ni Viola si Bastian kayat inakala niyang patay na ito. Sa pagpasok ni Viola sa magulong mundo ng Maynila,ibat ibang trabaho ang kaniyang napasukan.Nagtinda siya ng sampagita sa mga kalye ng Malate hanggang dumating ang hinihintay niyang pagkakataon.Naghahanap ang Campanilla Pictures na pag-aari ni Don Orsino, ng lalaking bagong talent.Napagpasiyahan ni Viola na magaudition.Ginamit niya ang katauhan ng kaniyang kambal na si Bastian upang magpanggap bilang si Cesar.Sa kalaunan,si Viola ang naging tagapamagitan ni Don Orsino kay Donya Olivia, ang huling may-ari ng BLV Studios.Nais ni Don Orsino na pakasalan si Donya Olivia upang mapag-isa ang dalawang malaking film studio ng panahon.Sa kasukdulan ng mga pangyayaring ito, naipit si Viola sa pagitan ng kaniyang pag-ibig kay Don Orsino at sa kaniyang mga pangarap. Umibig si Viola kay Don Orsino at ang mga mata ni Don Orsino ay para lamang kay Olivia.Ngunit si Olivia ay unti-unting nahulog ang loob kay Viola sa katauhan ni Caesar.Pumayag si Donya Olivia na pag-isahin ang dalawang film studio kapalit ng pagpapakasal ni Caesar kay Olivia.Ngunit hindi pumayag si Don Orsino dahil nahulog na ang kaniyang loob kay Caesar. Nais patunayan ni Don Orsino na handa siyang ibigay ang Campanilla kay Donya Olivia huwag lamang nitong pakasalan si Caesar.Naipit si Viola sa pagitan ni Don Orsino at ni Donya Olivia.

II.

Pagsusuri Hindi siguro alam ng iba na ang teatrong ito ay batay sa Twelfth Night ni William Shakespear.Upang maipakita ang kagandahan nito,ang Phillipine Educational Theater Association (PETA) ay nagdagdag ng ilang bagay upang maipakita ang kahusayan ng palabas na ito. Ang modernong adaptasyon nito ay isinulat ng manunulat ng dulang pantanghal na si Rody Vera.Nagampanan rin ng maayos ng mga bida ang kanilang mga papel sa dula.Naipakita nina Cris Villonco at Chrome Cosio bilang Bastian at Viola ang kagandahan ng kanilang karakter.Napakahusay din ng kanilang pag-awit.Nagbigay ito ng dagdag na kulay sa dula.Nakipagsabayan rin ang ibang mga actor sa dalawang pangunahing tauhan na ito. Hindi sila nagpahuli sa mga beteranong ktor sa teatro na sina Shamaine Centenera-Buencamino,Bodjie Pascua at ang actor na si Arnel Ignacio.Nakipagsabayan din ang ibang cast na sina Juliene Mendoza,Gino Ramirez,Paolo Rodriguez,Carlon Matobato,Rikki Benedicto,Gie Onida,Eric dela Cruz,Roi Calilong,Kiki Baento,Kat Castillo,Tricia Husena and Divine Aucina. Nakadagdag din sa ganda ng dula ang musikang isinulat ni Jeff Hernandez.Akmang-akma ang musika sa tema ng dulang ito.Binigyan din ng buhay ang dula sa pamamagitan ng paglalapat ng sayaw.Napakaganda ng choreography ni Carlon Matobato.Nasabayan naman ito ng mga actor at mga aktres.Kakaiba rin ang mga costumes na pinili ni John Abul.Bumagay ito sa bawat tauhan at nabigyan nito ng magandang karakter ang bawat tauhan.Nakatulong din ng malaki ang ilaw sa pamamahala ni Jon Jon Villareal.Napaganda nito ang bawat eksena sa dula. Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang nagsisilbing ama ng dula.Maayos ang pagkakadirek ng PETA Artistic Director Maribel Legarda.Sa pamamagitan ng dulang ito,naipakita ni Legarda ang kagandahan ng pelikulang Pilipino.Masasabi ring ang palikulang ito ay maaaring makatulona sa mga mag-aaral.Maaari rin silang makapulot ng aral sa dulang ito.Sa kabuuan,naging maganda ang dula at nabigyan nito ng hustisya ang dulang Pilipino.

III.

Konklusyon Ipinakita ng dulang ito ang katotohanang gagawin ng tao ang lahat ng paraan makuha at maabot lamang nito ang mga pangarap.Hindi sila maaaring hadlangan ng anumang pagsubok .Hindi rin sila mahahadlangan ng sinuman sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.Tulad na lamang ni Viola at ni Bastian.Nagkahiwalay sila,ngunit hindi iyon naging hadlang upang makamit nila ang kanilang minimithi.Hindi sumuko si Viola sa pagharap sa mga hamon ng buhay kahit na wala na ang kaniyang kakambal na si Bastian.Itinuloy niya pa rin ang pangarap nila ni Bastian na pumasok sa pag-aartista.Nagpanggap siyang lalaki upang makapasok sa mundo ng pag-arte.Ginawa niya ang lahat ng paraan para maabot ang kaniyang mga pangarap sukdulang baguhin niya ang kaniyang sarili. Nakakatuwang isipin na may mga taong nais pa ring buhayin ang pelikulang Pilipino.Ipinakita nilarito ang ebolusyon n gating mga pelikula.Mula sa mga drama hanggang sa comedy.Nakakatuwa ring isipin na nagbigay ng panahon upang mailagay sa entablado ang mga pelikulang ito.Ipinakita rin ditto na hindi natin mababaon sa limot ang ating kultura.Mahalaga pa rin ito upang Makita at malaman natin ang ating kultura.Napagsama nito ang ating mga kaugalian at ang ating artistic na pamamaraan.Hindi dahil ang mga dula ay nasa nakaraan,hindi ibig sabihin nun na wala na itong halaga ngayon.Ang pelikula at dula pa rin ang bumubuhay sa mga limot nating kaugalian. May mga bagay ring napatunayan ang manunuring ito, isa nalamang dito ang pag babalat-kayo ng marami sa atin para lamang kumita halimbawa nito ang eksenang kung saan namamalimos at nagbebenta si Viola ng sampaguita nagpilay-pilayan at bulag-bulagan siya upang marami ang maengganyo na sa kanyang bumili at upang siyay kaawaan. Isa rin sa pag babalat-kayo ang pag sali ni Viola sa isang teatro na akala ng marami siyay isang tunay na lalake. Napatunayan rin ng manunuring ito na marami talaga ang nangangarap na mag punta sa Maynila dahil sa tingin nila sa lungsod mas gaganda ang buhay nila at matutupad ang kanilang mga pangarap at ninanais sa buhay. Para sa manunuring ito napahalagahan ang kultura ng nakaraan na kung saan teatro ang pinagdadausan ng kanilang dulaan hindi sila gumamit ng makabagong teknolohiya at hindi nila ginaya ang iba na sa sinehan pinapalabas ang mga ginagawang palabas upang panoorin ng mga tao. Ang dulang ito ay naghihikayat na wag sanang balewalain ang mag teatro na mas makasaysayan pa kaysa sa mga sinehan na nakakaimpluwensya sa mga kabataan na maaaring makanood nito.

REACTION PAPER D WONDER TWINS OF BOAC

IPINASA NI: GENNY ROSE V. DOBLE IV-CHARITY

IPINASA KAY: Dr. CESAR P. CAPARAS

You might also like