Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang timog-silangan Asya ay isang rehiyonng Asya, na binubuo ng mga bansa na sa heograpiya ay timog ng Tsina, silangan ng India, kanluran

ng New Guinea at hilaga ng Australya.Ang rehiyon ay nasa intersection ng geological plates, na may mabigat na pagyanig at aktibong mga bulkan.Ang Timog-silangang Asya ay binubuo ng dalawang heograpikong rehiyon: Ang Mainland Timog Silangang Asya, na kilala rin bilang Indochina,na Binubuo ng Cambodia, Laos, Burma (Myanmar), Thailand, Vietnam at Peninsular Malaysia, at Maritime Timog-silangang Asya ay, binubuo ng Brunei, East Malaysia, East Timor, Indonesia, Pilipinas, Christmas Island, at Singapore. Ang Association of Southeast Asian Nations o mas kilala sa tawag na ASEAN ay isang organisasyong pampulitika, kultura at ekonomiya. Ang pangunahing layunin nito ay ang pagtataguyod ng pangkabuhayan, panlipunan at pangkulturang kaunlaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Dagdag pa nito, layunin din ng ASEAN ang pangangalaga ng pangkabuhayan at pampulitikang katatagan ng mga kasaping bansa. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay naniniwala sa maraming iba't ibang mga relihiyon. Ang mga bansang nasa kalupaang Asya. gaya ng Thailand. Cambodia, Laos, Myanmar. at Vietnam ay pangunahing naniniwala sa Budhismo. Ang Singapore ay

pangunahin din Budhista. Ang mga paniniwalang namana at Confucianismo ay malawak din pinananaligan sa Vietnam at Singapore. Sa Kapuluaang Malay, ang mga taong nakatira sa Malaysia, kanlurang Indonesia at Brunei ay pangunahing naniniwala sa Islam. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas, silangang Indonesia at Silangang Timor. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong populasyon na sinundan naman ng vietnam sa malayong agwat. Ang Silangang Timor ay isa ring predominanteng Katoliko dahil sa matagal na pananakop dito ng mga Portuges.

You might also like