Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pandan School of Arts and Trades Pandan, Catanduanes

Filifino IV
Pagkakaibigan

Ipinasa ni: Imelda Iblasin

Ipinasa kay: Ms. Jisah Austero

S.Y. 2012 2013

Table of Contents
Table of Contents.............................................................................................2

I Ang Papel at Kapakinabangan ng Pagkakaibigan ...................................................2 II - Abstract.....................................................................................................................2 A. Introduksyon ..............................................................................................................3 PAGKAKAIBIGAN...................................................................................................4 B. Paglalahad ng Suliranin..............................................................................................6 c. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral.........................................................................6

I Ang Papel at Kapakinabangan ng Pagkakaibigan II - Abstract

Ano nga ba ang papel ng pagkakaibigan sa ating buhay? Ito ba nakabubuti o nakasasama sa atin minsan? Ang pagkakaibigan ay importante sa atin dahil dito nagsisimula ang lahat ng samahan at pagmamahalan. Ito ay mahalaga dahil ang iba sa ating mga ugali o kasanayan ay nakukuha natin sa ating mga kaibigan. Marami tayong nakukuha sa ating mga kaibigan na minsan ay nakakasama sa atin. Kung wala tayong mga kaibigan ay tiyak na hindi natin makakayang mabuhay sa mundong ito. Ang mga kaibigan ang tumutulong sa atin bukod sa ating pamilya. Kaya napakahalaga nila para sa isang tao. Ang pagkakaibigan ay isang importanteng aspeto sa buhay ng isang tao. HIndi ito maaring mawala sa buhay nila. Dahil sinasabi nila na ang mga tao daw marunong makisama.Dito nila nakikilala ang mga taong makakatulong sa kanilang buhay. Dito rin nila nakukuha ang mga iba't-ibang ugali nila.Ang pagkakaibigan ay mayroong malaking papel sa buhay ng mga tao sapagkat ito ang tumutulong sa kanila kapag sila ay may problema at ito ren ang nakapagdadala ng kasiyahan sa iba. Dahil gaya nga ng kasabihan na "No man is an island" na ang ibig sabihin ay walang taong nabubuhay lamang para sa kanyang sarili o walang tao ang may kakayahan na buhay na magisa o walang tulong ng iba. Ang mga kaibigan ay ang mga taong handang tumulong sa kanila kapag sila ay nangangailangan. Ngunit minsan ay may mga tao sila na nakikilala na akala nila ay kaibigan nila ngunit yun pala ay gagamitin lang sila. Minsan ang pagkakaibigan ay nakakasira sa kanilang buhay sapagkat kapag ang iyong mga kaibigan ay mabisyo o masama marahil ikaw ay mahawa sa kanila. Sapagkat hindi ka nila tatanggapin kung di ka nila kagaya.

A. Introduksyon

PAGKAKAIBIGAN Ang pagkakaigan ay isang samahan, na nagbibigay ng kakaibang kulay sa ating buhay. Maraming pagkakaibigang nabubuo sa pagdaan ng panahon,mayroong panandalian at may pang habang-buhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at mga masalimuot na pinagdaanan ng pagsasamahan ay mananatiling nakaukit sa ating puso't isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lang nandayan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap sa mga hamon at pagsubok ng ating buhay. Ang tao ay hindi nabubuhay ng nag-iisa, kaya dapat ang pagkakaibigan ay dapat pagkaingatan,na parang iasng mahalagang kayamanan.

Kaibigan; Ikay Mahalaga

Ang buhay natin ay dumaraan lang. Lahat ng materyal na bagay ay hindi natin nadadala sa kabilang buhay. Ngunit, ang ating mga karanasan masaya man o malungkot, ang tangi nating kayamanang madadala sa paglisan natin sa mundo. At isa na doon ay ang pagkakaroon natin ng mga kaibigan. Naisip mo naba kung gaano kahalaga ang iyong mga kaibigan sa iyong buhay?

Mahalaga ang mga kaibigan, lalo na iyong matatalik nating kaibigan. Sila ay biyaya ng Panginoon sa ating buhay upang magkaroon tayo ng kasama sa lungkot at saya. Ayon nga sa pag- aaral na ginawa ng dalawang sikolohista na sina Eduard Diener at Martin Seligman, ang isa sa mga bagay na nakapagbibigay ng kasayahan sa tao ay ang kanilang mga kaibigan at ang mga pagkakataong kapiling nila ang mga ito.

Minsan, dumarating nalang sila ng basta-basta at papasok sa buhay natin. Minsan, aalis pero mayroon naming nagpapaiwan kahit papaano. Pero naging come and go friends man sila sa atin, dapat pa rin nating isaisip at ipagpasalamat na silay naging bahagi sa kabanata ng ating buhay kahit saglit lang. Sa kabilang dako naman, ang mga kaibigang nagpapaiwang kasama natin sa saya at dusa ay ang matatawag nating matatlik na kaibigan. Ang matalik at tunay na kaibigan ay nasusukat sa oras ng kagipitan ika nga. Nangangahulugan ito na ang matalik na kaibigan ay ang kasama natin hindi lamang sa ligayat saya, kundi pati na rin sa oras na tayoy walang-wala, at sa mga panahong parang pinagbagsakan tayo ng langit at lupa, naroon pa rin sila para makibahagi sa nadarama nating pait. Naroon sila upang tulungan tayong tumayo sa pagkadapa natin.

Madaling magkaroon ng maraming kaibigan pero mahirap makakita ng totoong kaibigankaibigang dadamay sa atin sa oras na kailangan natin ng

masasandalan. Kaya ingatan natin ang ating mga kaibigan, lalo na iyong matatalik at totoo nating mga kasama dahil mahirap matagpuan muli ang mga katulad nila. Isipin nating A lost today is a lost forever.

B. Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito ay sinuri kung bakit nakakasira ng pagkakaibigan ang pagaaral. Sa pag-aaral na ito ay sisikaping saguti ang mga sumusunod na katanungan: 1) Ano ang mga dahilan kung bakit nakakasira ng pagkakaibigan ang pagaaral? 2) Bakit hindi maiwasan ng mga tao na magkaron ng kaibigan na masama ang naidudulot sa kanila? 3) Bakit mas binibigyang halaga ng ibang tao ang pagkakaibigan kaysa sa kanilang pag-aaral?

c. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral


Isa sa pinaka-importanteng parte ng buhay ng isang tao ang pagkakaibigan kaya minarapat ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral ukol dito. Sa mga kaibigan nakukuha ng mga tao ang iba nilang kaugalian kaya nais ng mga mananaliksik na malaman ang papel o nagagawa nito sa pag-aaral ng mga tao. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki sa mga estudyante upang sila ay malinawan sa tungkol sa pagkakaibigan. Makatutulong din ito sa mga taong upang matimbang nila kung mas mahalaga nga ba ang pagkakaibigan kaysa sa pag-aaral.

Batayang Konseptwal

Teoryang Moralistiko Ang tao ay may kakayahang pumili ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsusuri kung bakit nakakasira ng pag-aaral ang pagkakaibigan. Tatakakayin sa pag-aaral na ito ang mga sitwasyon kung saan kolehiyo. Konklusyon at Rekomendasyon Para sa aking, ang pagkakaibigan ay isang samahan ng mga taong malapit sa isa't-isa na may pagmamahalan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Tayong lahat ay may sariling mga kaibigan na handang tumulong at dumamay sa atin. Pinili natin silasapagkat iisa ang ating mga pananaw at kaugalian sa kanila. Sila ang mas nakakaunawa sa atin pagdating sa problemang emosyunal. Minsan mas nauuna nating ipagtapat at isangguni ang ating mga problema at sikreto sa kanila kaysa sa ating mga magulang at kapatid. Sila rin ang nagbibigay payo sa tuwing tayo ay may suliraning emosyunal dahil sila ang mas nakakaunawa pagdating sa buhay pag-ibig (lovelife). Kaya dapat ituring natin ng mabuti at pahalagahan ang ating mga kaibigan upang mas lalo pang tumibay at tumatag ang pagsasamahan natin sa kanila bilang magkaibigan. Bibliograpiya nakakasira ng pag-aaral ang pagkakaibigan. Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa

http://pagkakaibigan.weebly.com/ http://pagkakaibigan.blogspot.com/

You might also like