Gabi NG Parangal, Idinaos Ni Ezra S. Guerrero

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Gabi ng parangal, idinaos

ni Ezra S. Guerrero Ipinagdiwang ng mga manggagawa ng Quezon City Polytechnic University ang taunang QCPU Employees Recognition Night na idinaos sa Tech-Voc Multi-Purpose Hall noong Pebrero 22, 2013. Ang programa ay handog sa mga manggagawa ng unibersidad na nag-alay ng kanikanilang dedikasyon sa trabaho mula sa Academic Department, Academic Support, Administrative Department at Special Operations. Pormal na nagsimula ang programa ganap na 6:00 n.g. sa pangunguna ni Bb. Ditas Sebogon na nagbigay ng panimulang mensahe at sina Bb. Grace Josue at G. Rommel Cristobal naman bilang guro ng palatuntunan. Sinundan naman ito ng pagbibigay parangal sa mga natatanging manggagawa at departamento ng QCPU na pinamunuan nina Bise Presidente para sa pangangasiwa Santiago T. Flora Jr., at Bise Presidente para sa pamamalakad Melani B. Pisig. Hinandugan naman ng mga manggagawa ng QCPU sina Onesimo Barajas at Rebecca Manga bilang espesyal na benepisyaryo ng programa. Matapos nitoy nagpakitang-gilas naman ang ibat-ibang departamento ng kanilang talento sa larangan ng tula, pag-awit at pag-sayaw. Sa pagtatapos ng gabi ng parangal ay isa-isang nanumpa ang bawat departamento ng kanilang panata sa unibersidad.

You might also like