Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ako ang Salarin

Ni Ezra S. Guerrero

Pinatay ko siya! naaalala ko ang mga sandaling iyon ng aking kamusmusan, kasama ko noon ang aking tiyuhin sa isang madilim na lugar at dooy mangilan-ngilang ilaw lamang ang nagsisilbing tanglaw. Kami lamang ng aking pamilya at ilang kasamahan ang tanging nakababatid ng lugar na iyon. Tama nga ba ang aking nagawa? Tanong ko sa sarili matapos gawin ang mala-krimeng gawain. Oo! Ako ang salarin! Walang habas naming pinagtulungang pinagsasaksak at pinaghahampas ang kaawa-awang biktimang iyon hanggang sa siyay bawian ng buhay. Wag kang matakot! sigaw ng aking tiyuhin habang ginagawa ang marahas na gawain, nanginginig ko pa rin itong itinuloy, ang agos ng pulang likido mula sa kanyang katawan at aking kamay habang nagpupumiglas sa mala-impyernong karanasan sa kamay naming maganak. Di ko maintindihan ang aking nadarama habang hawak ang gulok na siyang kinatatakutan ng aming biktima ng mga sandaling iyon. Hilakbot? Habag? Panghihinayang! Pagkamakasarili? Di ko mabatid kung ano Naalala ko pa ang kauna-unahang pagkakataon na itoy aming ginawa, nanggagalaiti siya sa galit dahil di ko magawang gawin ang mga kahilahilakbot na gawaing halos araw-araw niyang ginagawa. Ngayon ka pa ba aayaw!? bulyaw ng aking tiyuhin. Ni hindi ko alam kung bakit kailangan ko iyong gawin. Tila akoy nanlalambot at binabawian ng lakas sa tuwing naaalala ko ang nga sandaling iyon. Ito ang tumatak sa mura kong kaisipan. Hindi ko na kaya! Susuko na ako! Di ko na kaya pang marinig ang bawat hiyaw at ungol ng kanilang maliliit ngunit kahabag-habag na tinig sa tuwing akoy nagigising sa pagsikat ng araw. Akoy bata pa nga noon sa pusot diwa na di kayang harapin ang habag sa likod ng bawat kaawa-awang nilalang na aming pinapatay para sa kapakanan ng mamamayan. Umalis ako sa lugar na iyon dala ang matinding awa at konsensya na aking dinala sa aking musmos na kaisipan, ngunit di ko maitatangging kailangan itong ipagpatuloy para na rin sa ikabubuhay at kapakanan ng karamihan. Di ko rin natiis na hindi balikan ang mga sandaling iyon Akoy nagbalik matapos ang mahabang panahon at handa nang ipagpatuloy ang nasimulan. Sa ngayoy wala nang takot at kaba. Huminga ako ng malalim at ngumiti, ito ang buhay ko MGA SUKI! Bili na kayo! Mura lang ang kilo, sariwa pa at bagong katay! Bili-bili na suki ito ang aming karanasan, ito an gaming buhay matadero noon at ngayon.

*NOTE: ang kwentong ito ay sa kathang isip ng awtor (Fictional story). Walang hayup o indibidwal na nasaktan habang sinusulat ang kathang ito.

You might also like