Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noli Me Tangere Kabanata 46 Ang Sabungan Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol.

Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Noli Me Tangere Kabanata 47 ay tungkol sa tunggalian ng dalawang senyora. Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa. Noli Me Tangere Kabanata 48 Ang Talinghaga. Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nagaayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Noli Me Tangere Kabanata 49 Ang Tinig ng mga Pinag-uusig Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.

Noli Me Tangere Kabanata 50 Ang Mga Kaanak Ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang

buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol. Noli Me Tangere Kabanata 51 Mga Pagbabago Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan. Noli Me Tangere Kabanata 52 Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Noli Me Tangere Kabanata 53 Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Noli Me Tangere Kabanata 54 Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda. Noli Me Tangere Kabanata 55 Ang Pagkakagulo. Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang multong si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

You might also like