Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DISKUSYON Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga sagot sa ilan sa mga maaaring suliranin kung bakit mayroong mga

taong tinatawag na social climber at kung anu-ano ang mga maaaring dahilan kung bakit sila nagiging ganito at maging ang maaaring mangyari sa kanila kapag pinagpatuloy nila ang ganitong gawain. Unang una sa lahat, may mga taong social climber dahil simple lamang, gusto nila maging socially acceptable o mas kilala sa tawag na pa-cool. Kung kayat sa inaakala nila ay maganda ito at may magandang maidudulot ito sa kanila. Isang halimbawa na ang magustuhan sila ng mga tao at nang sa gayon ay makilala sila bilang sosyal, mayaman, etc. Anu-ano nga ba ang maaaring dahilan nila bakit sila nagiging mapagpanggap? Una, dahil halos lahat ng tao ngayon ay nagiging social climber na sa ibat ibang paraan. Mapa-aware ka o unaware sa ginagawa mo. Hindi man nila aminin ito, ngunit paminsan talaga ay mararamdaman ng taong gusto niyang mag-stand out sa madla. Lahat naman kasi ng tao ay naghahanap ng atensyon. Tignan mo ang mga sanggol, halimbawa, noong ikaw ay sanggol pa lamang, tanungin mo ang iyong nanay, lola, kapatid, lahat ng nakatatanda sa pagkabata mo. Panigurado ay hinding hindi ka tumitigil sa kakangawa para lamang mapansin ka at makakuha ng atensyon. Ngunit hindi naman sinasabing hwag mong gawin ito o patuloy mo pang gawin ito. Kung hindi ay, nang kahit papaano ay makapag bigay alam kung ano ang maaaring simptomas ng pagiging social climber. Isa sa mga ito ay ang Pagpapanggap. Pagsisinungaling kung sino ka talaga. Sasabihin mo sa ibang tao o magpapakilala ka sa ibang tao bilang kilala kahit na alam mong hindi ka naman talaga kilala ng iba na kahit mamatay ka ay hindi naman mapapansin ng kahit sinuman. You flaunt about what you have, what you achieved, that it would sound annoying to those people around you. You are simply just being fake. Pangalawa, ang pagiging Matapobre. Sa pamamaraan na kung saan ay minamaliit mo ang mga mahihirap. Ang mga walang kaya.

Sa tingin mo ay mas mataas ka sa kanila at nakukuha mo pang magtaray sa mga namamalimos, pinagtatawanan mo ang mga jologs at simpleng pagmamayabang na paggalaw o pag-arte bilang parang prinsesa at pinagmamasdan lamang ang ibang mga nasa baba mo bilang mga mabababang klase ng tao. Pangatlo ay ang tinatawag na Sosyalan o Mirror Complex. Sinusubukan mong magpunta sa mga lugar kung saan ang mga sosyal na tao ay madalas na nagpupunta. Naninigarilyo ka kasi naninigarilyo ang mga sosyal, umiinom ka kasi umiinom ang mga sosyal. Ginagawa mo ang mga bagay na ito kasi ito ang mga ginagawa ng mga sosyal. Kahit na lingid sa kaalaman mong hindi mo naman gustong gawin ang mga ito. Gusto mo lamang namang marinig sa kanilang ang tingin nila sa iyo ay sosyal ka din upang nang sa gayon ay gustuhin ka rin nila. Pangapat, Jealous. Di dahil may mas magagara siyang kagamitan sayo, ay kailangang mayroon ka na rin nito para lamang masabing ka-level mo sila o mas mataas ka pa sa kanila. Ipinapakitang di mo kaya kapag nakikita mong mayroon sila ng mga gamit na wala ka. Panglima ay ang Libakera o Backstabber. Sa klaseng ito, pinipilit mong i-assume ang mga bagay bagay na alam mo ang tungkol sa nangyayari sa kanila kahit hindi naman talaga. Sinasabi mong masama sya, ilan ang lalaki niya, gaano siya kalandi, at ka-pangit ang ugali labas at loob, kahit wala naming katotohanan ang mga sinasabi mo. Nasasabi mo lang ang mga ganitong bagay kasi ayaw mo sa kanya, at mas nakakalamang siya siya sa iyo o dahil lamang gusto mong makasakit. Ang panganim ay ang Star Complex na kung saan ay feeling mo star ka. Gusto mong ikaw lagi ang bida sa lahat ng bagay. Akala mo ay marami kang fans sa ganitong palagay na hindi mo alam ay isa ka lamang self-proclaimed o self-imposed na tao. Pangpito ay ang Me-Me Syndrome. Dito naman ay puro na lamang sarili mo ang iniisip mo, kahit wala namang may pakialam sa iyo o sa mga sinasabi mo at nagiging tinatawag na Miss/Mr.-know-it-all-been-there-done-thatjust-like-me. Kahit na hindi ka naman talaga nabibilang sa istorya

subalit pinagpipilitan mo pa ring kasama ka o naroon ka sa eksena. At ang panghuli ay ang Copycat Wearer, na kung saan naman ay lahat ng uso ay ginagaya mo o binibili mo. Kalimitan pa ay ang mga fake na gamit lalong lalo na ang mga bag. Lahat ng mga imitasyong gamit na mabibili mo sa murang halaga ay iyong binibili kahit na alam mo namang hindi ito original. At binibili mo lamang ito dahil ka-tatak nito ang mga mamahaling brand. Bastay kagaya ng mga taong kinaiinggitan mo na gamit, ay iyo ding bibilhin upang magmukha ka ring sosyal o cool sa paningin nila. Pero ang talagang dapat na itinatawag sa iyo ay isang inggiterang social climber. Iyan ay ilan lamang sa mga maaaring maitawag sa isang taong social climber kapag pinagpatuloy nila ang ganitong gawain at dahilan para mas lalo silang kaayawan ng mga tao. Oo nga maaaring maging sikat ka, ngunit sa pangit na paraan lamang. Dahil makikilala ka lamang nila dahil pangit ang imahe mo at alam nilang isa ka lamang mapagpanggap na tao. Kung saan ay mas lalong masisira ang reputasyon mo. Kaya ano ang mas gugustuhin mo diba? Ang manatiling hindi kapansin pansin ngunit walang mga taong nag-iisip ng kung anong pangit sa iyo o ang maging sikat ka ngunit dahil alam ng lahat na pangit ang ugali mo dahil isa kang social climber? Mawari at maunawaan sana ng ilan sa mga taong may ganitong paguugali ang kamalian sa pagiging ganito at sana ay maitigil nila ito hanggat maaga pa kung ayaw nilang mapahiya sa maraming tao.

You might also like