Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kalambatang pangkompyuter (Ingles: computer network) ay isang koleksiyon ng mga kagamitang metal (hardware) at mga kompyuter na pinag-uugnay ng mga

kanal na pangkomunikasyon (communication channels) upang makapagbahagi ng mga mapagkukunan at impormasyon.

LAN (mula sa Ingles: local area network) ay isang klaseng network ng kompyuter na sumasakop ng dikalakihang lugar tulad ng isang bahay, opisina, o isang grupo ng mga gusali tulad ng isang kolehiyo.

Metropolitan area network o MAN ay isang network ng kompyuter na karaniwang sumasaklaw sa isang siyudad o malaking kampus ng paaralan. Ang isang MAN ay karaniwang nagkokonekta ng isang bilang ng mga local area network (LAN) gamit isang may mataas na kapasidad na teknolohiyang backbone gaya ng mga link na fiber-optical at nagbibigay ng mga serbisyong up-link sa mga wide area network (WAN) at internet.

Wide Area Network o WAN ay isang network na sumasaklw sa isang malawakang area o sakop(i.e. anumangtelecommunications network na nag-uugnay ng mga hangganang metropolitano, pangrehiyon o pambansa) gamit ang pribado o publikong mga tagahatid ng network.

Ethernet ay isang pamilya ng mga teknolohiya ng pagnenetwork ng kompyuter para sa mga local area network (LAN).

Internet Protocol (IP), na Protokolo ng Internet o Protokol ng Internet sa pagsasalinwika, ay ang pangunahing protokolo ng komunikasyong ginagamit para sa pagpapasa ng mga datagramo (mga pakete) sa kahabaan ng isang internetwork na gumagamit ng Internet Protocol Suite.

Universal Serial Bus o USB ay isang tekonolohiyang binuo noong kalagitnaan ng dekada '90 na nagpapahintulot sa mga kable, konektor at mga sa paglilipat ng impormasyon/bytes sa pagitan ng isang kagamitang elektroniko patungo sa kompyuter.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP).

World Wide Web (WWW) ay isang sistema ng magkakabit ng mga dokumento na makukuha sa Internet. Maaaring makita sa web browser ang mga salita, larawan, at mga tugtog sa tulong ng mga hyperlink.

Elektronikong liham (Inggles: electronic mail, pinapaiksi na e-mail o email), maari ring paiksihin na eliham, ay isang paraan ng paggawa, pagpadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mgaelektronikong sistemang pangkomunikasyon. Blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt osityo sa web na parang isang talaarawan Domain Name System o Pangalang Pang-Dominyo ay isang mahalagang bagay na naukol sa pag-connect sa Internet dahil dito nagbibigay ang DHCP ang IP nang isang kompyuter upang makakonekta sa internet. File Transfer Protocol o FTP ay isang protocol na ginagamit sa paglilipat ng mga file mula sa isang server okompyuter patungo sa isa pang server o kompyuter. HTTP (daglat ng Hypertext Transfer Protocol) ay isang application protocol na ginagamit sa pakikipagpalitan ng datos. Karaniwan itong ginagamit upang makita ang isang web page. Wi-Fi (kilala rin sa baybay na Wi-fi, WiFi, Wifi at wifi) ay markang pagkakakilanlan at pagkalakal ng mga grupo ng product compatibility standards para sa mga wireless local area network o (WLANS). Web browser ay isang client software na ginagamit upang humiling, kumuha at ipakita ang mga dokumento sa World Wide Web server. Web hosting ay isang uri ng serbisyo na kung saan ang isang user ay maaaring maglagak ng kanyang websayt o mga pahina nito upang makita ng iba pang tagagamit ng web o Internet ang mga impormasyon na nais niyang ipakita. Intranet ay isang pribadong network na ginagamit ang mga Internet Protocol, network na koneksyon, at marahil ang pampublikong sistemang telekomunikasyon na ligtas na binabahagi ang isang bahagi ng impormasyon ng isang organisasyon o mga operasyon nito sa kanilang empleyado.

[1]

You might also like