Batas Militar (Reaction Paper)

You might also like

You are on page 1of 1

ESQUIVEL, JEZZAMYN P.

I-BSCOE / EE
BATAS MILITAR
Taong 1972: Isang makasaysayang pangyayari ang naganap sa Pilipinas. Ito
ang panahon kung saan idineklara ni Ferdinand Marcos ang Martial Law sa Pilipinas.
Sa pinanood naming “Batas Militar,” ipinapakita dito ang tungkol o
naglalaman ito ng mga pangyayaring naganap noong panahon ni dating pangulong
Ferdinand Marcos. Ipinakita sa palabas na ito ang mga karahasang naganap noong
mga panahon niya, ang mga taong inaresto, mga taong ikinulong at mga taong
pinahirapan ng wala namang sapat na dahilan, at ang lantarang kadayaang
ginagawa ni Marcos partikular na sa eleksyon kung saan nandaya siya upang hindi
siya mapaalis sa kaniyang puwesto.
Maraming Pilipino ang ipinakulong at ipinaaresto. Halos lahat ng
kumakalaban kay Marcos ay ipinakukulong niya kahit na walang sapat na dahilan.
Ang mahirap pa dito, maaari kang hulihin kahit na walang Warrant of Arrest na
pinapakita sa iyo. Tuloy, lalong nagpakita ito ng isang hindi magandang gawain
noong pamumuno ni Marcos.
Buti na lamang at may isang Ninoy Aquino na lumabas noong mga panahong
iyon.
Masasabi kong magiging isang magaling na pinuno sana si Ninoy Aquino
kapag nagkataon. Matapang siya, malakas ang loob, at walang pinapanigan. Alam
niya ang tama at mali. Hanga ako sa kanya lalo na nga mapanood ko ang isang
parte sa palabas kung saan nagbigay siya ng speech—isang speech laban kay
Marcos. Walang takot niyang nilabanan ang administrasyon ni Marcos kahit na alam
niyang maaaring may masamang mangyari sa kanya kapag ginawa niya iyon.
Hindi rin nakatiis ang mga Pilipino. Nagkaisa sila na palisin si Marcos sa
kaniyang posisyon—at ang pangyayaring ito ang tinatawag nating ‘EDSA
Revolution’ ngayon. Libo-libong tao ang nakiisa para maalis si Marcos. At sa
panahong ito ay muling nagkaroon ng pagkakaisa ang Pilipino.
Pero kahit na marami ang may ayaw sa Administrasyon ni Marcos, may kilala
akong tao na gusto ang pamumuno ni Marcos: ang naging guro ko sa Araling
Panlipunan noong nasa unang taon ako ng hayskul. Ang sabi niya sa amin noon,
may maganda rin namang nangyari noong panahon ni Marcos. Wala daw kasing
krimen na nangyayari noong panahon niya kung ikukumpara mo sa panahon
ngayon. Lumakas din daw ang ekonomiya noong panahon niya. Maganda naman
daw sana ang pamumuno niya lalo na kung hindi siya naging makasarili at
nagdeklara ng Martial Law. Ang sabi pa ng guro ko, pinaalis daw noon si Marcos
dahil magnanakaw ito, pero mga magnanakaw naman daw ang pumlit sa kanya.
Nang matapos ang palabas, nasabi ko na lamang sa sarili ko na sana
nabuhay ako noon.. na sana ay nasilayan ko ang mga pangyayari noon.
Napakainteresante. Nakatutuwa dahil nabigyan kami ng pagkakataon na mapanood
ang palabas na ito. Magaling!

You might also like