Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.

Guimba, Nueva Ecija

Banghay Aralin
I. LAYUNIN Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito. b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng tayutay batay sa kanilang sariling pang-unawa. c. Nakapagsasadula ng maikling sitwasyon gamit ang ibat ibang uri ng tayutay. II. PAKSANG ARALIN A. Tayutay at mga Uri nito (Figure of Speech) B. Kagamitan - Video Presentataion - Powerpoint Presentation - Palabunutan - Yeso at Pisara C. Sanggunian - Emily Marasigan et-al, Pluma (Wika aat Panitikan), pahina 63 - 64 PAMAMARAAN A. Pagsasagawa ng mga pangaraw-araw na gawain: - Pagbati at pagdarasal - Pagtatala ng mga lumiban - Pagpapaayos sa silid aralan B. Pagbabalik aral ukol sa Pandiwa at 3 aspekto nito C. Pagganyak Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video presentation na kung saan ito ay naglalaaman ng isang kilalang musika. Ipasusuri ng guro sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nakalagay dito gamit ang mga katanungang nakatala: a. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa kanta? b. Kaaya aya ba itong pakinggan? c. Kung ikaw ang tatanungin bilang isang Pilipinong mag-aaral, maganda bang gamitin ang mga salitang ito sa kasalukuyang panaho? PAGPAPAKILALA SA ARALIN Paghahanda - Sa tulong ng isinagawang pangganyak ay maipakikilala na ng guro ang panibagong aralin, ang Tayutay at mga uri nito. PAGTALAKAY Tayutay - ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa tulong ng patalinghagang pagpapahayag na kaiba sa karaniwang paaralan. Layunin ng tayutay na mapaganda at magawang mabisa, masining, at kawili wili ang paglalarawan.

III.

IV.

V.

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.


Guimba, Nueva Ecija

Mga Uri ng MatalinhagangPagpapahayag (Mga Tayutay) 1. Pagtutulad (simile) - naghahambing sa 2 magkaibang bagay, tao, o pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salitat pariralang: tulad ng, gaya ng, animoy, mistula, tila, wari atbp. Hal: Sina Jenina at Eloisa ay tila mga rosas na namumukadkad sa hardin. 2. Pagwawangis (metaphor) - isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga pariralang: tulad ng, kawangis ng gaya ng, atbp. Hal: Para kay Joyce, si Ariel ay isang Adonis. 3. Pagsasatao(personification) - pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa. Hal: Ang puno ay marahang isinasayaw ng hangin. 4. Paglilipat-wika (transferred epithets) - pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga katangian na ginagamit lamang ng tao. Ginagamit ang mga pang-uri. Hal: Ang kaawa-awang tsinelas ni Argie ay tinangay ng aso. 5. Pagtawag (apostrophe) - kahawig nito ang pagsasatao. Ditoy ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao. Hal: Buwan na kay rikit tanglawaan mo ang aking pusong naaguguluhan. 6. Eksaherasyon o Pagmamalabis - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. Hal: Nabasag ang bambam ng tainga ni Gina sa sobrang lakas ng sigaw ni Mary Ann. . VI. PAGPAPAHALAGA/PAGLALAHAT - Ang guro ay naghanda ng mga palabunutang naglalaman ng ibat ibang sitwasyon. Hahatiin ang klase sa limang magkakaibang grupo at pipili ng isang kinatawan upang bumuntot ng tigitigisang piraso ng papel na naglalaman ng ibat ibang sitwasyon tungkol sa: a. Pag ibig b. Pamilya c. Pagmamahal sa Kalikasan d. Pagpapahalaga sa pag-aaral e. Pagmamalaki sa baying sinilangan Ang mga sitwasyong kanilang isasadula sa harapan ng klase ay kinakailangang naglalaman ng mga mala-retorikang mga pahayag o tayutay na tatagal lamang ng 3 minuto. Ito ay mamarkahan batay sa pamantayang nakasaad: PAMANTAYAN: Nilalaman =20% Kahandaan =10% Kaayusan at Daloy =20% 50%

Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba Inc.


Guimba, Nueva Ecija

VII.

PAGTATAYA

PANUTO: Suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa sumusunod na mga pahayag sa kabiang pahina.Ilagay ang kasagutan sa patlang. (10 puntos) ______________ 1. Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan. ______________ 2. Buhay! Maglawit ka ng awa upang makapanlimos ang mga kahabag-habag na nilalang na umamot ng konting pag asa mula sa iyo. ______________ 3. Maging ang langit ay pumikit na yata sa kaawa awing kalagayan ng pamilya. ______________ 4. Tila ito isang patalim na gumutay sa durog. ______________ 5. Ang pagsisipag ang tulay sa aking pagtatagumpay. ______________ 6. Ang kanilang tahanan ay animoy palasyo sa sobrang kalakihan.
_______________ 7. O, Buwan! Sumikat kat akoy aliwin sa aking kalumbayan.

______________ 8. Kinakailangan pang bumaha ng dugo bago matigil ang kanilang init ng ulo. ______________ 9. Ang kahabag-habag niyang bulsa ay walang pera. ______________ 10. Hinaplos ng malamig nah angina ang marikit niyang mukha. VIII. TAKDANG ARALIN

Basahin ang tulang Babang Luksa ni Diosdado Macapagal sa pahina 68, Pluma at isulat sa isang buong papel ang sariling pakahulugan sa bawat sanong.

Inihanda ni: Villanueva, Maria Camille L. BSED Filipino 3rd year Sinangayunan ni: Dr. Arceli Millan Gurong Tagapangasiwa ng YMF

You might also like