Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jelyn B.

Areo MGA HAYOP SA PILIPINAS ni: Avon Adarna

BSIT-NW1C

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog, Nagharing uri sa pedestal at bantayog, Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod, Yaman, kapangyarihan ang sa kanilay bumusog. Masang alipin di na alam kung saan susuling, Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing. Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling Mga piping hiyaw, mga luhang haling! Tang ang sisira sa kalawang na bakal, Yuyurakan ka kahit na luhuran, Timawang hayop sa gutom ay basal, Walang pagkilala kay Bathala at dasal! Sa hukom ng Hari doon ang higanti, Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi, Mga hayop na busog at mga nakangisi, Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!

You might also like