He's All That

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Hes All That

Miss Gonzales? narinig ko na sinabi ng teacher ko nun. Nanahimik yung buong klase at nagtinginan lahat sa akin. Ninenerbiyos na ako nun. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag. Ano naman bang ginawa ko? Tumayo naman ako bigla-bigla doon sa upuan ko. Hindi ko na nilingon yung mga classmates ko dahil alam ko naman na sinusundan nila ng tingin yung paglabas ko. Tumango lang ako doon sa teacher ko na hindi rin alam kung ano ang ginawa ko. Pagkalabas na pagkalabas ko, lumakad ako doon sa tabi nung isang pulis na sinundo ako sa klase ko. Sir! Wala ho akong kasalanan! ang unang lumabas sa bibig ko. Wala namang sinabi si Manong pulis. Naglakad lang siya at pinasunod niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin nung makita-kita ko na dinadala-dala niya ako doon sa dulo ng hallway na kitang-kita pa rin doon sa bintana ng classroom namin. Sana nga lang nilayuan niya kasi ayan tuloy, kitang-kita na may kasama ako na pulis. Nakiki-tsismis tuloy yung klase ko at yung ibang mga estudyante doon sa ibang section. Nakakahiya talaga. Bakit ba ako sinusundo ng pulis? Hindi naman ako masamang tao di ba? ***** AkoSiAndrew says: talaga lang ha? AkoSiAndrew says: hindi mo nga kilala love na kaagad? Nakakinis na itong AkoSiAndrew na ito. Sa forum pa lang nakikipagtalo na sa akin tapos ngayon sinubukan pa akong i-chat. Gusto lang yata makipag-away nito sa akin eh. Matatapang lang naman yung mga ganyan kapag online na. Palibhasa kasi hindi mo kilala sa personal. Kentrice says: sabi ko love ko siya, oo. Kentrice says: assuming ka rin! hindi ba pwedeng love dahil sa mga ginagawa niya at sa talent niya? AkoSiAndrew says: sus. kailan pa ba kayo nag-type na love-love kung hindi naman dahil obsession yan sa mga artista?

Bwisit talaga ito. Ang sarap lang hindi na replyan eh. Teka nga, bakit ba ako nagrereply pa? Kentrice says: obsession? Nag-online kasi ako at pumunta ako doon sa website nung favorite kong artista na si Jakob Hernandez. Panay pa ang participate ko doon sa forum at panay ang comment ko sa mga threads na naka-post na. Matagal ko na kasing idol yun. Years na rin. Ang masaklap lang, itong Andrew na mapang-asar eh panay ang comment sa lahat ng pinupuntahan ko. Panay pa ang sermon sa akin sa lahat ng tinatype ko na annoying fan daw ako na kulang na lang eh sambahin ko ang artista na katulad ni Jakob. Para artista lang daw eh kung magkandarapa ako eh parang wala ng bukas. Sabi pa niya, chances daw na makilala at mapansin daw ako ng idol ko eh slim to none. AkoSiAndrew says: oo. bakit hindi ba? Kentrice says: hindi kaya. hindi naman ganun yun. AkosiAndrew says: ano namang excuse mo sa obsession mo? Kentrice says: eh bakit ba nakikialam ka kung may crush ako doon sa artista? wala namang nagbabawal. AkoSiAndrew says: wala nga. AkoSiAndrew says: ang sinasabi ko lang, nakakainis lang yung mga babaeng ganyan. ni-hindi niyo nga kilala kung paano yang mga artista na yan sa personal tapos pangarap niyo maging boyfriend niyo na? Kentrice says: eh bakit ba nakikialam ka? kung ayaw mo mangarap para sa sarili mo, hayaan mo ang ibang tao. AkosiAndrew says: mangarap ka doon sa reachable. isa pa, sa itsura mong yan sa picture mo, di ka papansinun nun! Ganun ko nakilala si Andrew. Siya ang aking bestfriend-slash-partner-in-crime na friend ko lang online. Nagkakilala kami doon sa forum nung idol ko na si Jakob. Si Jakob kasi ang isa sa pinakasikat na artista ngayon. Sino ba namang hindi magpapantasya doon? Gwapo na nga, matangkad pa, may mga charity work na, at bali-balita eh matalino pa. Yun nga lang, according sa bestfriend ko na si Andrew eh hindi nga daw worth it yung love na sinasabi ko dahil nagsasayang lang ako ng oras. At least yun yung unang tingin ko nun. I guess tama nga si Andrew eh, obsessed nga yata ako kay Jakob. Nung medyo napagtanto ko rin na medyo parang tanga lang yata ako sa paghahabol ko at walang

kamatayan na pagbabasa at panonood ko ng mga bagay na tungkol sa kanya, saka ko na-realize na ang dami pala talagang oras na sinasayang ko sa isang tao na hindi naman alam nage-exist ako. Pero ayun nga lang ang maganda sa may idol na crush mo, at least kahit almost unrequited love nga daw ang tawag doon, maganda lang na sabihin na may dream guy ka. Kahit almost imposible nga na mangyari. So nung araw na nakilala ko si Andrew, inasar ko rin naman siya. Tinanong ko pa kung anong ginagawa niya doon sa forum na yun kung ganun na lang niya ka-hate si Jakob. Sinabi niya na gusto daw niyang mag-apply one day sa Medical school at yung isa sa foundation ng charity work ni Jakob eh yung foundation na interested siyang applyan. Kentrice says: bakit gusto mong maging doctor? AkoSiAndrew says: di ko naman talaga alam ang gusto ko. AkosiAndrew says: gusto ko lang ng option kahit na gusto ng parents ko eh business daw ang i-pursue ko. Nung sinabi sa akin ni Andrew yun, saka ko lang na-realize na isa siya sa mga teenager na ganun. Yung gusto niya, hindi yun ang gusto ng parents niya. Naisip ko na siguro wala ring pera yung pamilya nila at kaya gusto ng parents niya na mag-business na lang siya. At least kapag business, graduate ka na kaagad. Kapag Medical school eh 19-kopong-kopong eh hindi ka pa tapos. Minsan nga rin nun kapag nagkakausap kami eh napapansin ko na nadedepress din siya kahit na hindi niya inaamin sa akin directly. Kaya lang wala naman akong magawa kung hindi damayan lang siya sa makakaya ko online. Sabi niya sa akin, feeling daw niya wala siyang totoong kaibigan. Parang yung mga kaibigan daw niya o nakikipagkaibigan sa kanya eh gusto daw siya sa mga maling rason. Nakakaawa nga minsan eh. Buti pa ako kahit papaano naman may mga kaibigan ako. Kung malapit lang siguro si Andrew kung saan ako nakatira, siguro nagkita na kami niyan. Kaya lang ayun, tatlong oras pa ang kailangan i-biyahe para lang makita ko siya. Kahit na cool friend naman siya online, medyo nakakatakot pa rin ng mga eyeball-eyeball na yan. Malay ko ba kung nagpapanggap lang yan na teenager. Eh kung mamamatay tao pala yan o rapist? Simula nung pag-aaway namin ni Andrew online nun, naging magkaibigan din kami. Siya yung naging kaibigan ko na sinasabihan ko ng problema ko nun. Minsan nga mas safe ko pa i-kuwento sa kanya yung mga problema ko kaysa naman sa mga girl friends ko dito. Minsan kasi mas judgmental o pinaplastik na lang ako bigla. Si Andrew naman kasi eh third party. Kumbaga lahat ng opinion niya sa lahat, balanse. Hindi na niya kailangang isipin ang feelings nung iba dahil ayun nga hindi niya kilala. AkoSiAndrew says: so yung babaeng nagkagusto doon sa crush mo eh bestfriend mo? Panay ang tanong ni Andrew sa akin tungkol doon sa kaibigan ko na si Michelle. Nai-kwento ko kasi sa

kanya na may naging crush ako nun sa school namin na pinagsasasabi ko doon sa mga kaibigan ko. Ayun nga lang, kulang na lang eh sabihin ko na inahas ng kaibigan ko dahil sumobra ang papansin at nangagaw na lang bigla ng crush ng may crush. I guess hindi naman din niya totally kasalanan. Nagkagusto rin naman kasi yung crush ko sa kanya at naging sila. Pero ayun lang, ayaw ko na siyang maging kaibigan pa. Merong bang ganun? Nang-aagaw? Kentrice says: ewan ko ba. bestfriend nga siguro AkoSiAndrew says: kung bestfriend mo eh bakit ganun ang ginawa sa iyo? Kentrice says: yun nga ang hindi ko alam. kaya nga di ko na bestfriend yun no! Nag-type ng pagkarami-raming smiley faces itong Andrew at nang-asar lang din naman sa akin. Ganyan kasi yan kapag nagseseyoso na ako sa instant messaging, kung anu-anong pagpapa-light ang ginagawa. Kulang na lang eh iwasan ang seryosong conversation. AkoSiAndrew says: ikaw naman kasi may kasalanan nun. hindi mo pa sinabi. ayan tuloy naunahan ka na Kentrice says: hay naku! hindi ko kaya sasabihin yun. nakakahiya no! may narinig ka na ba na babae na naguunang move? AkoSiAndrew says: bakit hindi? AkoSiAndrew says: kailangan ba laging lalaki na lang ang gumagawa ng move? Kentrice says: well, hindi. pero hindi naman ako yung type ng girl na nauuna mag-move no. gusto ko pa rin lalaki ang unang aamin sa akin AkoSiAndrew says: talaga lang? Tingnan mo ito. Wala talagang moral support na bestfriend ito eh. AkosiAndrew says: akala ko ba ang loyalty mo eh kay Jakob? bakit may pacrush-crush ka na naman sa school? Kentrice says: eh kay Jakob, slim to none ang chance ko na mapansin niya ako. Kentrice says: isa pa, si Jakob hindi ko pa nakakausap. Ni-hindi ko nga alam kung may spark alam mo yun? Kung magki-click ba kami.

AkoSiAndrew says: conversation like ours? Kentrice says: I guess so. Madali ka kasi kausap. AkoSiAndrew says: whoaaa! did I finally get in your head? AkoSiAndrew says: hindi ba tama ako doon as assumption ko? slim to none chance kay Jakob? But with me Kentrice says: hoy huwag ka ngang confident diyan masyado. Kentrice says: sinasabi ko lang eh doon na lang ako sa mas attainable na guy Kentrice says: pero kahit ganun, idol-crush ko pa rin yang si Jakob no. Ang tagal bago mag-reply ni Andrew nun. Akala ko nga nung una na disconnect na siya. Saka ko lang napansin na gumalaw uli yung icon niya kaya ko nalaman na nagtatype uli siya. AkosiAndrew says: attainable na guy? kagaya nino? Kentrice says: ewan ko. guy na kilala ko. ganun ba... AkosiAndrew says: paano kung attainable na guy, tapos dream guy mo pa? Kentrice says: tinatanong pa ba yan Andrew? Alam mo na dapat ang sagot diyan! Kentrice says: Bakit ikaw? Sino bang dream girl mo? AkosiAndrew says: di pa siya attainable din sa akin eh. Kentrice says: may gusto ka na? Ang tagal na naman bago mag-reply ni Andrew nun. Medyo gabing-gabi na kasi nun at inaantok na rin ako. Hinihintay ko na lang yung reply niya doon sa message ko at magpapapalam na rin ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang tagal mag-reply nito ngayon. After siguro ng mahaba-habang paghihintay ko, saka lang siya nag-send ng message na akala ko eh pagkahaba-haba eh hindi naman pala. AkoSiAndrew says. Kentrice, pupunta ka ba sa concert ni Jakob diyan sa inyo? Napaisip naman ako. Nagpapabili sana ako ng ticket doon sa concert ni Jakob, kaya lang sold out na dito

sa amin. Kulang na lang eh iyakan ko nung malaman ko na hindi ako makakapunta. Minsan na nga lang maliligaw ang idol ko sa amin, hindi ko pa makikita. Kentrice says: hindi eh. sold out na kasi yung concert niya. AkoSiAndrew says: ganun ba? pupunta kasi ako sa concert at may extra ticket ako. gusto mong sumama? Nagulat naman ako offer niya, at the same time, kinabahan din naman ako. Indirect invitation ba ito na magkita kaming dalawa after months and months of online conversations? Niyayaya ba ako sa date ni Andrew? Kentrice says: pupunta ka dito sa amin? I mean, dito sa concert? AkoSiAndrew says: oo naman. bibigay ko sa iyo yung extra ticket, yun ay kung, gusto mong sumama? Hindi naman ako sumagot kaagad kay Andrew. Pinag-isipan ko din naman yung magiging desisyon ko. Pero siyempre naman, magmamaganda pa ba ako? Manonood na nga ako ng concert ng idol ko, free na nga yung ticket, makikilala ko pa yung bestfriend ko? Panalo naman di ba? Kentrice says: sure. AkoSiAndrew says: great. sige kita na lang tayo sa Friday. Bago pa ako nakasagot nun sa kanya para sa details kung saan at anong oras kami magkikita, hindi naman ako hinintay. Bigla ba namang naglog-out sa akin. Tingnan mo yun? Ayun nga. Masasabi ko nga na mabait naman akong bata. Wala naman akong kalokohan na ginagawa. Hindi naman ako involve sa illegal drugs, gang at kung anu-ano. Kaya nga ewan ko ba kung bakit kung ano na namang kamalasan itong napasok ko. Madalas na buhay ko nga eh online at alam ni Andrew yun. Which brings me back to this day. Sir! Wala ho akong kasalanan! ang unang lumabas sa bibig ko. Wala namang sinabi si Manong pulis. Naglakad lang siya at pinasunod niya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin nung makita-kita ko na dinadala-dala niya ako doon sa dulo ng hallway na kitang-kita pa rin doon sa bintana ng classroom namin. Sana nga lang nilayuan niya kasi ayan tuloy,

kitang-kita na may kasama ako na pulis. Nakiki-tsismis tuloy yung klase ko at yung ibang mga estudyante doon sa ibang section. Nakakahiya talaga. Bakit ba ako sinusundo ng pulis? Hindi naman ako masamang tao di ba? Miss Gonzales, kailangan naming maging cooperative ka. sabi nung pulis sa akin na sinungitan ako. May dalawang pulis sa likuran ko at isa sa harapan ko. Kulang na lang iparamdam nila sa akin na criminal talaga ako. Ano po bang problema? Hindi na naman ako sinagot ni Manong pulis. Hindi ko rin alam hija. Sinabi lang sa amin na wanted ka at kailangan ka naming dalhin. Napataas naman yung kilay ko. Lalo na namang kumalabog yung tibok ng puso ko. Kulang na lang siguro eh lumabas sa dibdib ko yung puso ko. Bakit naman ako wanted? Wanted para saan? Hindi naman ako shoplifter. Hindi kaya false accusation ito? Tawagan ko na kaya sina Mama? Maghintay ka lang diyan, Miss. Sabi ni Manong pulis sabay turo niya doon sa bench area. Hindi ako mapakali na naupo doon sa bench. Tinitigan ko pa yung paa ko nun at tinapik-tapik ko yung sahig. Sabi nga nila kapag ninenerbiyos ka, lalong lumalabas yung mga mannerisms mo. At para sa akin, ayun nga, panay ang tapik ko ng paa doon sa sahig. Kulang na lang eh umiyak ako doon. Nakita ko na pinagpi-piyestahan na ako ng tsismis ng mga classmates at schoolmates ko. Kentrice Rivera: Wanted. Parang magiging headline bukas sa school newspaper namin. Kauna-unahang estudyante na sinundo ba ng pulis. Sa tinagal-tagal ng paghihintay ko nun, lalong lumalala yung nerves ko. Kaya nga siguro nung narinig ko na nagbukas ng pinto si Manong pulis malapit doon sa Principals office namin at sinabing, Yun po yung wanted, lalo lang akong hindi mapakali. Paglingon na paglingon ko nun sa direksiyon papunta ng Principals office, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o nawawala na ako sa sarili ko. Nanigas na yata ako doon sa kinauupuan ko. Naupo naman siya sa tabi ko. Hey. Narinig ko sinabi niya sabay nginitian niya ako. Naamoy ko pa yung pabango niya.Nakatingin lang ako na parang tanga sa kanya. Kulang na lang siguro eh tumulo yung laway ko dahil bukas yung bibig ko sa kanya.

I-ikaw. Tinuro ko naman siya, B-bakit mo ko pinapa-hunting? Natawa siyang bigla sa tinanong ko. Yung tawa na hindi ko aakalain na maririnig ko ng personalan. Hindi siya sumagot sa akin kaya tinulak ko pa siya sa braso niya. Hoy! Tinignan niya ako uli. Nagsisigawan na doon sa classroom ko at nagsilabasan na yung ibang mga estudyante. Saka naman pumalibot sina Manong pulis para hindi magkagulo doon sa kinauupuan ko. Kentrice narinig ko na sinabi niya yung pangalan ko. Nanlaki siguro yung mata ko. Napaatras lang ako ng konti sa kanya. K-kilala mo ko? Tumango naman siya sa akin. Inaabangan niya yung reaksiyon ko uli. Nung hindi na naman ako makagalaw doon, saka lang siya gumalaw. Bigla na lang siyang may nilabas doon sa pocket ng bulsa niya. Sabi mo kasi sa akin, parang isang malaking gesture na kapag lalaki ang gumagawa ng move. I totally agree with you, kahit na hindi ko sinabi sa iyo. Kinuha niya yung kamay ko at may nilagay siya sa loob na papel na hindi ko pa tinitignan, Sabi mo, maggi-give up ka na dahil gusto mo ng guy na attainable at guy na kilala mo. Kaya ito, nagpapakilala ako sa iyo Tumayo siyang bigla sa harapan ko. Napatingala naman ako dahil nakaupo pa rin ako doon sa bench. I like you. I really really like you. Sabi niya ng mabilis sa akin, I know you became my friend kahit hindi mo alam kung sino ako. You liked me for me, not for my status. Kaya ikaw ang pinipili ko. nagkunut-noo siya, I went to this extent para hanapin kita dito. Ini-extend niya yung kamay niya na hinihintay niya yata na makipagkamay ako sa kanya. If you give me a chance, ipo-prove ko sa iyo na I can be that guy. The dream guy, and the attainable guy. I cant breathe. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My real name is Jakob Andrew Hernandez. Medyo lumuhod siya sa harapan ko kaya natapat na yung mukha niya halos sa mukha ko. I have an extra ticket. Be my date to my concert?

You might also like