Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura (Final)
Banghay Aralin Sa Sibika at Kultura (Final)
Inihanda ni:
Ipinahanda ni:
I.
Makasusunod ng mabuti sa wastong kilos na dapat gawin habang itinataas o ibinababa ang watawat Maiguguhit sa sariling kaparaanan ang watawat ng Pilipinas Masasabi ang mga pagpapahalaga tungkol sa watawat
II. Paksang Aralin Ang Watawat ng Pilipinas (Sagisag ng Bansa) Pagpapahalagang Isasanib: Katapatan, pagkamagalang, at pagkamakabansa
Kagamitan: Visual Aids ng ibat ibang kulay, larawan krayola bond paper lapis
III. Pamamaraan
A.Pambungad na Gawain Gawain ng Guro Pangganyak: 1. Magpakita ng mga larawan ng ibat ibang pambansang sagisag ng ating bansa. 2. Tanungin ang mga bata ang mga bata kung anong pambansang ang ipinakikita. Pambansang ibon (Agila) Gawain ng Mag-aaral
B. Panlinang na gawain 1. Pagpapakita ng papel na may ibat ibang kulay at larawan. Bughaw, pula, puti, araw, bituin
Watawat Anong bagay ang makikita ninyo sa paaralan na may ganitong kulay at larawan? 1. Bughaw ay sumisimbulo ng kapayapaan 2. Pula ay sumisimbulo sa kagitingan o katapangan 3. Puti ay sumisimbulo ng kalinisan 4. Araw na kulay dilaw na may walong (8) sinag ay sumisimbulo sa 8 probinsyana nag-alsa sa kastila. Maynila, Cavite, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna at Batangas. 5. Dilaw na 3 bituin ay sumisimbulo sa 3 pangunahing pulo ng ating bansa. Luzon, Visayas, Mindanao. Ang bawat bata ay kukuha ng papel na may katanungan. Itoy kanilang ilalahad sa klase.
2. Paglalarawan ng mga simbolo sa watawat. Bughaw, pula, puti, araw, at mga bituin.
3. Ang guro ay magpapakita ng kahon. Ang kahon ay may laman na mga katanungan na siyang ipapakita o ilalahad ng mag-aaral. Mga tanong: 1. Ano ang ginagawa natin kapag ang
watawat ay itinataas o ibinababa? 2. Ano ang gagawin ninyo kapag ang watawat ay sira o punit? 3. Paano ang tamang pagtiklop ng ating watawat? 4. Ano ang gagawin ninyo kapag narinig ninyo ang pambansang awit habang itinataas? 5. Ano ang ibig sabihin kapag ang watawat ay nakahalf-mass? 6. Maiguguhit mo ba ang watawat? 7. Pagguhit
3. Patrianggulo (Ipakita sa klase ang tamang pagtiklop ng watawat). 4. Hihinto, tatayo ng matuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib, haharap kung nasaan ang watawat at sumabay sa pag awit. 5. Maaaring may namatay na mahalagang tao na nagsisilbi sa ating bansa.
6. Opo.
C. Pangwakas na Gawain 1. Pagpapakita ng mga watawat na naiguhit. 2. Paglalagom: Ano ang watawat? 3. Pagpapakita ng ibat ibang paraan ng paggalang sa watawat ng Pilipinas. 4. Pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas. 5. Ano ang inyong natutuhan sa ating leksyon ngayon? 6. Magbigay ng halimbawa 1. 2. Ang watawat ang isang sagisag ng isang bansa. 3. 4. Aawit ang mga bata. 5. Kung paano natin igagalang ang ating watawat. 6. Kapag nakitang itinataas ang watawat ay hihinto ng panandalian. (Ipapakita ng bata sa klase)
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa watawat. Lagyan naman ng ekis (x) kung ito ay hindi nagpapakita ng paggalang sa watawat. Ilagay ang inyong sagot sa patlang.
_____1. . Lumakad ng mabilis kapag nakitang itinataas ang watawat. _____2. . Huminto panandalian at tumayo ng matuwid kapag itinataas ang watawat habang inaawit ang pambansang awit. _____3. Makipag-usap sa kaklase habang itinataas o ibinababa ang watawat. _____4. Hayaang mabasa ang watawat kahit na umuulan. _____5. Tahiin o ayusin ang watawat kung ito ay punit o sira.
X /
X X /