Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Magkaroon ng ideya kung anong mga paglabag sa batas ang nasasaklaw nito. Mapanatili ang seguridad ng publiko.

Ang Hadlang sa Kapribaduhan: Sulyap sa mga Negatibong Bahagi ng Cyber Crime Law Isang pananaliksik ng mga estudyante ng Ikalawang grupo ng IV-Hertz. Sa Larawan, pinapakita ang bilang ng kasarian ng lahat ng mga tagatugon. 166 o 61.03 % ang mga kababaihang respondante samantalang 106 0 38.97 % ang mga kalalakihang tagatugon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman ng sampung katanungan na close- ended. Sa karagdagan ang close- ended na katananungan ay na ginamit ay ang multiple choice kung saan mas limitado ang mga posibleng sagot. Ang nasabing sarbey ay binigay kay Ginoong Pablo Gliane, guro sa Araling Panlipunan, upang iwasto at suriin ang sarbey. Ang naayos na sarbey na may 140 na kopya ay ipinamahagi sa 17 tatlong pangkat ng paaralan na naibalik din.

SALIGAN NG PAG AARAL Sa panahon ngayon, ang kompyuter ay isa sa pinaka mahalagang instrumento sa kasaysayan ng sangkatauhan na tinatawag na Computer Generation . Ito ay napakahalaga sa pang araw araw na buhay. Magmula sa pinaka malaki at hanggang sa pinakamaliit na bagay ay nangangailangan na rin ng kompyuter. At sa patuloy na pagsulong at pag unlad ng teknolohiya, umuunlad din ang kakayahan ng tao laban sa kapwa sa pamamagitan ng maling gawain. Ang Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law ay isang batas na naglalayong bigyang depinisyon at tapatan ng pagpaparusa ang mga krimeng naisasagawa sa pamamagitan ng internet, para na rin mapigilan at maiwasan ang pagkalat pa nito. Ang mga krimeng sakop ng batas ay ang mga sumusunod: cybersex, pornograpiya na umaabuso sa mga bata (child pornography), pagnanakaw ng pagkakakilanlan (identity theft) at illegal na paggamit ng datos sa cyberspace (illegal access to data). Cybercrime Law Results

A. Katangian ng mga Tagatugon

SAKLAW Sinasaklaw nito ang impormasyon tungkol sa batas na cybercrime.

PANI MULA Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Saligan ng Pag-aaral b. Layunin ng Pag-aaral c. Kahalagahan ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos Katangian ng mga Tagatugon Katangian ng mga Sagot Metodolohiya Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa din na pinaguusapan at pinagtatalunan ito dahil sa ilang hindi makatarungang parte ayon na din sa ibang mambabatas at mamamayan. Dahil dito ay napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ungkatin ang mga negatibong bahagi ng batas na ito at ilahad sa publikong uhaw sa kaalaman upang matugunan ang mga tanong ng mamamayan at magkaroon ng palagay ang lahat upang madesisyunan hinggil sa batas na ito

LAYUNIN NG PAG AARAL Sa pag-aaral na ito ay ilalahad namin ang mga impormasyong kailangan malaman ng mga mamamayan 1. Layunin ng pag aaral na ito na magkaroon ng ideya ang mamamayan ukol sa batas na cybercrime law 2. Mapalawig ang kaalaman ng gumagamit ng internet ukol sa kriminalidad na napapaloob dito. 3. Magkaroon ng makatwirang desisyon hinggil sa batas na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

LIMITASYON Dahil sa hindi pa itong tuluyang ipinapatupad, at kasalakuyang pinagaaralan ay hindi pa maihahain ang kumpletong impormasyon sa publiko. Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa tatlong pangkat na mga tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:a. Isang mag-aaral ng Santa Rosa Science and

Technology High School. Nasa ika7 hanggang ika9 na baiting.Sa kabuuan ay naisauli lahat ng sarbey. Ang datos ay binigyan ng interpretasyon. Sa karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga bahagdan para sa mas magandang pagkakaiba ng mga resulta

1. Ayon sa nakalap na resulta ng sarbey para unang katanungan, sa bilang na 166 na babae ay 122 ang may sagot na OO at 44 ang HINDI. Sa lalaki na may bilang na 106 ay 101 ang OO at 5 ang HINDI. Ayon sa nakalap na sagot ay malaking porsyento ang may kaalaman tungkol sa batas na ito, ngunit hindi pa din sapat dahil may porsyento pa din ng mga respondent ang hindi nakaka alam ng batas na ito.

2. Para sa ikalawang katanungan, ang bilang ng babae ay 166 at 76 dito ay may sagot na OO at 90 ang hindi. Samantalang sa lalaki na may 106 na bilang ay 61 ang OO at 45 ang HINDI. Ayon dito ay mas malaki ang porsyento ng may HINDI lubos na nakakaintindi ng batas na ito. Kaya ito ay kontrobersyal sa kasalukuyan. 3. Para sa ikatlong katanungan naman na may 166 pa din na bilang na babae ay 76 ang OO at 90 ang HINDI. Sa lalaki naman na may 106 na respondent ay 36 ang OO at 70 ay HINDI. Sa resulta na ito ay may mababang porsyento ang may pahayag na labag sa karapatang pantao ang mga kaparusahan sa batas. 4. Sa resulta namang ito ay parehas na may malaking porsyento ang sumasangayon na ang kapangyarihan ang maari nilang maabuso laban sa pera. Marahil dahil siguro ay saklaw ng kapangyarihan ang pangaabuso sa pera. 5. Sa ika-limang katanungan sa sarbey ay malaking porsyento ang nagsasabing may negatibong epekto ang cybercrime law sa lipunan. Ito ay marahil na din sa kakulangan sa pagkakaintindi sa nabanggit na batas. 6. Ayon sa sarbey, malaking bahagi sa lalaki at babae ang nagsasabing dapat itong aralin muli sa Kongreso. Ito din ay sinyales ng hindi sapat na basehan na sinagot din ng mga respondente.

7. Sa ika-7 tanong ay parehas na may malaking porsyentong natanggap ang sagot na HINDI, ibig sabihin ay hindi sumasangayon ang nakararami na makatutulong ito sa mga kabataan upang maproteksyunan sila. 8. Para sa ika-8 tanong ay parehas na sumangayon ang lalaki at babae na sa batas na mas magiging disipinado lamang ang mga mamamayan kaysa sa pagiging ligtas nila na siya naming pangunahing layunin ng batas na ito. 9. Sa ika9 na katanungan ay parehas nanamang sumangayon ang mga lalaki ay babae na hindi sapat ang basehan upang gawin ang naturang batas. Ito ay isang sinyales ng hindi pagsangayon ng nakararami. 10. Sa huling katanungan ay sumangayon naman ang dalawang panig. Para sa kanila ay hindi naaayon ang mga kaparusahan ayon sa mga paglabag sa batas ng isang mamamayan.

Francesca Bucao Andi Gatdula Kathia Capuchino Lea Babasanta Marielle Manalo Francesca Aguilar Juliet Cabael Michelle Castejon Hydxel Tiamzon Bienvenido Ramos Pauline Algarne Carol Sarajan Led Factoriza Joshua Silvestre Denniel Panergo Sam Abalos Ipinasa nina: INSTRUMENTO RESPONDANTE

You might also like