Rogelio+Sicat Edited

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Si Rogelio Sicat Sa Estilo ng Pagkatha

Ni Marvin Einstein S. Mejaro Introduksiyon: Paano nga ba nagsisimula ang isang manunulat? Kailan masasabi naging katha na ang isang obra? O dili naman, paano masasabi na kailangan pa itong higpitan o banatin, nang sa gayon, ay mas makayas ng mabuti ang tema, banghay, istruktura, tinig, tono, diyalogo, karakter, at ibat iba pang sangkap ng isang kuwento? Maraming kuwento kung paanong marami rin namang estilo sa paggawa nito. Ayon nga kay Gabriel Garcia Marquez, sa edad na dalawaput tatlo, natutunan na niya ang ibat ibang paraan (techne) na dapat na malaman sa pagkatha dahil lamang sa pagbabasa ng samut saring kuwento. Sa simula, aasat sususo ang isang baguhang manunulat sa estilo ng iba. Hindi masama ang bagay na ito. Kaya lamang, darating ang panahon na dapat mahanap na ng isang manunulat ang sariling estilo. Kailangan niyang mabatid ang tonot himig niya sa pagkatha. Madugo ang prosesong ito. Kung tutuusin, madaling magsulat sa paraan ng iba. Ngunit ito ang tunay na hamon sa lahat ng manunulat: ang takasan ang anino ng kanyang mga impluwensiya at maging orihinal. Ang pagiging orihinal ang siyang magiging tatak niya bilang manunulat. May mga nakatatakas sa hamong ito; kaya lamang, sabi nga ni Rio Alma, mas marami ang nagiging bitag magpakailanman at hindi na nakaaalis sa gubat ng mga impluwensiya. Isa si Rogelio Sicat (1940 2002) sa mga pinaka-orihinal na manunulat sa Filipino. Kabilang sa kanyang mga naisulat na nanalo sa Palanca Awards for Literature ang Impeng Negro (1962), Tata Selo (1963), Mga Kaluluwang Naghahanap (1966), Moses, Moses (1969), at Saan Papunta ang Paruparo (1970). Katuwang rin sina Efren Abueg, Edgardo M. Reyes, Rogelio L. Ordoez, Ave Perez Jacob, at Edgardo Bautista Reyes, sabay-sabay nilang pinasimulan ang isang koleksiyong ng mga maiikling kuwentong pinamagatang Mga Agos ng Disyerto (1965). Itinuturing ito ngayon na isa sa mga pangunahing libro na nagpabago sa katha (fiction) sa Filipino. Naging pagsalunga ang koleksiyong ito sa nooy uniporme at limitadong paraan ng paggawa ng katha na karaniwang matatagpuan sa magasing Liwayway. Bukod dito, nagkaroon rin ng bagong paraan ng pagkatha lalo na sa kuwentong realismo sa Filipino. Iba ang mga paksa na naisulat sa Mga Agos ng Disyerto (1965), malayo sa kuwentong mababasa sa Liwayway. Sa katunayan, inayawan ng Liwayway ang kuwento ni Sicat na Tata Selo (1963), kung saan siya naging tanyag, at kinailangan pa niyang ilipat ito sa The Quezonian, ang opisyal na pahayagan ng Manila L. Quezon University (MLQU). Kalaunan, nanalo ang Tata Selo (1963) ng pangalawang gantimpala sa maikling kuwento noong taong ding iyon sa Palanca, at naisalin na ngayon sa ibat ibang lengguwahe pati na sa Russo. Magandang itanong ngayon: Sino ang naging pangunahing impluwensiya ni Sicat upang matutunan ang sariling estilo? Ano ang mga ilang paraan niya sa pagsusulat ng katha? At paano nga ba maging orihinal sa paggawa ng katha, maging orihinal na kuwentista?

Sa Anino ni Hemingway, at ang Matipid at Diretsong Pagkatha: Aminado si Sicat na si Hemingway ang pinakamalaking impluwensiya sa kanyang mga prosa. Si Ernest Hemingway (1899 1961) ay isang sikat na Amerikanong manunulat, at isa sa mga nagpanibago sa estilo ng pagkatha sa Ingles. Malaki ang implikasyon ng mga naisulat niya sa henerasyon ng maraming manunulat na Americano. Kilala si Hemingway sa pagsusulat gamit ang maiikli at matitikas na pasalaysay na pangungusap. Taong 1954 nang manalo siya ng Nobel Prize for Literature at naitanghal bilang isa sa pinakamagagaling na manunulat ng ikadalawapung siglo. Ilan sa mga kinilala niyang kuwento ang A Farewell to Arms (1929) tungkol sa kanyang karanasan sa pagiging sundalo sa Italya; Death in the Afternoon (1932) hango sa kanyang paglilibot sa mga bansang Espanya at Aprika; at For Whom the Bell Tolls (1940) ayon sa Ikadalawang-Digmaang Pandaigdig. Ngunit lubhang sumikat si Hemingway sa nobela niyang The Old Man and the Sea (1952) tungkol sa matandang si Santiago mula sa bansang Cuba at ang payak na karanasan ng pangingisdat pagsusumikap sa isang bagay na mahirap kamtan. Pahayag ni Sicat, kailangang rendahan ang wika upang lumakas ito. Bawat salitay kailangang may gamit, at kalkulado dapat ang mga ito. Wika pa niya, si Hemingway ang nagturo sa kanya na nagpapakita dapat ang kuwento sa halip na nagsasalaysay. Maligoy para kay Sicat ang katha sa Filipino, at dapat kayasin ang mga salita upang gawin itong mas matipid, diretso, at hindi nagbabantulot. Pansinin ang matipid ngunit diretsong pagsalaysay sa ginagawa ng bida sa kanyang kuwentong Ama:
Hindi siya sumagot. Hinubad niya ang dyaket at isinabit iyon sa pako sa haligi. Naupo siya sa baba nito at habang nakasandal ay sinimulang kalagin ang tali ng kanyang gomang sapatos.

Halatang malayo ang tindig ng prosa ni Sicat sa mga mabubulaklak na pagkatha na karaniwang mapapansin sa mga nobela sa Filipino noong panahon niya. Hindi sinasabing mali ang mabubulaklak na salita; kaya lamang, hindi ito kailangan para kay Sicat. Pansin niya: labis ang dramatisasyon at pulos mahilig ang mga kuwentista sa melodramatikong paglalarawan. Hindi basta nagtatambak lamang ng buhangin si Sicat. Bagkus, matiyaga siyang namimili ng mga dapat na buhangin. Masinop siyang nagtatabi ng mga dapat na salita. Muling tingnan ang diyalogo sa kuwento niyang May Isang Sagala:
Matagal na lumuhod si Elenita. Di niya namamalayan, nakalapit sa likod niya ang mabait na pari, si Padre Gonzalo. Sinabi niya sa pari ang kanyang dasal. Hinawakan siya nito sa isang kamay at itinayo. Magiging sagala ka, Elenita, tila isang makapangyarihang engkantada na nangako sa kanya ang pari. Hindi makapaniwala si Elenita. Magiging sagala ako, Padre? Oo, sagot ng pari. Pero wala po akong damit. Ipabibili kita. Wala rin po akong sapatos. Ipabibili rin kita. Ay, laking tuwa ng batang si Elenita. Hindi na niya makuhang magpasalamat sa pari. Tumakbo siyang umuwi, halos maiwan ang kanyang bakya.

Hindi maaksaya ang salitaan sa kwentong ito. Malinaw at maiintindihan din agad ang paguusap nina Padre Gonzalo at Elenita. Hindi rin nakalilito ang pahiwatig ni Sicat sa simula. Ipinamamalas ang kagustuhan ng bata na sumama sa sagala sa paglalarawan nang pagluhod nito sa Simbahan. Ginamit ni Sicat na simbolo ang karakter ni Padre Gonzalo upang matupad ang dasal na minimithi ng bata. Epektibo rin ang diyalogo sa paraang hindi nakalilito sa mambabasa. Ganito ang estilo ni Hemingway sa karamihan ng kanyang mga katha. Sipiin natin ang salitaan ng dalawang protagonista sa kuwento niyang Hills Like White Elephants:
What did you say? I said we could have everything. We can have everything. No, we cant. We can go everywhere. No, we cant. It isnt ours any more. Its ours. No, it isnt. And once they take it away, you never get it back.

Sa unang sipat, masasabi na medyo malabo pa kung saan patungkol ang pinag-uusapan ng dalawang magsing-irog. Sinadya ito ng awtor. Ngunit sa kalaunan ng pagbabasa ng kuwento, napakalinaw na nakatuon sa isang mahirap na desisyon ang dalawa. Nagtatalo sila kung dapat bang ipalaglag ang sanggol na dinadala ng dalaga, at ito ang nagbibigay ng tensiyon sa mga protagonista. Sa ganitong lagay, hindi dapat sabihing walang kakayahang magkubli (subtext) ang maiikli at matitipid na salitaan. Bagkus, kaya nitong itago ang mismong tema upang mas mapaigting ang isang kwento. Kompleto na ang maunting salita, at may kakanyahan rin itong ipakita ang tonot himig ng kuwento sa paraan ng pagkubli dito. Sa katupasan ng kuwento, pumayag na rin ang dalaga sa binata. Ngunit, may hinimpil si Hemingway hanggang sa dulo: ibininbin niya ang lagay ng dalaga at ginamit na lamang ang pagdating ng tren bilang transisyon. Kilala ngayon ang estilo ni Hemingway bilang iceberg-effect technique . Isa itong paraan ng pagkatha kung saan nakatagot nakakubli ang pinakamensahe ng kuwento. Sa termino naman ng literatura, tinatawag na calligraphic ang pagsusulat ni Hemingway. Iba ito sa estilong Faulkner, isa ring Amerikanong manunulat, na naturalistic naman ang perspektibo at hinahayaan ang mga karakter na siyang magdala ng kuwento, na unang umusbong sa mga prosa nina Balzac at Stendhal. Kung paghahambingin sina Hemingway at Sicat, malaki ang pinagkamukha ng dalawa. Kapuwa sila may karanasan sa pagsusulat sa pahayagan. Nagsulat ng balita si Hemingway noon sa Kansas City Star (1917-1918); si Sicat naman, kolumnista ng Diyaro Filipino (1991 2001). Mababatid na may pagka-journalistic ang hagod ng mga salita nina Hemingway at Sicat at hindi paikot-ikot at maligoy. Ginawa ni Sicat sa Filipino ang estilo ni Hemningway sa Ingles. Kaya lamang, dapat rin na ihiwalay si Sicat kay Hemingway sa larawang-diwa nito. Diwang Pilipino ang pinamamalas ni Sicat, at karamihan sa akda niyay kuwento ng katutubog-kulay, at dito hidwa si Sicat kay Hemingway. Mga Konkretong Paraan ng Pagsusulat ni Sicat: Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na Sa Pagsulat, nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samut saring impresyon, gunita, larawan,

damdamin at pangyayari. Dagdag ni Sicat, nagbabalik siya sa nakaraan, ginagalugad ang kasalukuyan, at pinakikialaman pati hinaharap. Tila siya mangangaso. At tulad ng isang mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Kapag nakatatagpo si Sicat ng materyales, hinuhubog niya ito at binibigyang-buhay sa pagsasama-sama ng salita, parilala, pangungusap, at talata. Isip ang siyang humuhugis ng kanyang mga obra. Para kay Sicat, kailangan ang matiyagang pagbuli ng mga salita. Lahat ng akday dapat lakipan ng kasiningan, ani ni Sicat. Sa paningin niya, mahalaga na may istruktura ang isang manunulat na sadyang kanya. Sa istrukturang ito kasi maipapasok niya ang mga detalyet pangyayari upang mapagitaw ang tema. Dapat rin, ayon kay Sicat, na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Ipinakikita rito ang kinakailangang pag-iiba ng mga wika kung kinakailangan. Halimbawa, dapat ba na mabini ang kailangang salita, o di kaya, dapat bang malambot ito. Maari rin gawin itong maragsa, mabilis, mabagal, o malumanay. Nakabaling ito sa tonot himig na hangad ipahiwatig sa katha. Matapos ito, dapat rin na matuto ang isang manunulat sa diyalogo. Ito, ayon kay Sicat, ang magsusulong ng kwento; at bukod doon, deskripsiyon din ito ng nagsasalita. Dito dapat limiin ang mga salita, kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo. Kung baguhan pa lang na sumusulat, kailangang pag-aralan pati ang bantas at mga tamang pangungusap. Mahalaga ang pagpili ng salita sapagkat may katumbas agad na kahulugan ito. Halimbawa, sa isa pa niyang sanaysay na Bukal at Sisenyo ng Sa Lupa ng Sariling Bayan, binanggit doon ang pagpili niya sa salitang itim na kotse kaysa sa salitang punerarya. Ipinaliwanag niyang masisira ang kataimtiman ng kanyang kuwento kung gagamitin niya ang punerarya sa lagay na iyon. Tinitimbang dapat ang salita ayon kay Sicat. Kung baga sa musika, dagdag pa niya, paglalaro ito ng nota. Kahit ang paglalagay nito sa mismong papel (typography) ay mahalaga sa pagkatha. Nagkakaroon kasi ito ng epekto sa mga mambabasa. Sa huli, at kung pasisimplehin natin ang sinasabi ni Sicat, may dalawang mahalagang bagay ang dapat talagang tandaan: una, mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ayon sa kanya, ito ang mensahe ng kuwento; ikalawa, at kung paano nga ba mapapakita ng isang awtor ang ibig niyang sabihin, kailangang matutunan ang anyo (form). Mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. Kung titingnan, arkitekto rin ang isang manunulat. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character), tagpuan (location), paningin (point of view), at iba pang sangkap sa pagkatha. Subalit, may nais akong idiin sa mga sinasabi ni Sicat. Kung gusto talaga ng isang baguhang manunulat na makapagsulat ng isang obra, kinakailangan na tumaas ang kanyang kamulatang pandama (literacy of feeling). Makakamit ito sa pagbabasa ng mga magagandang obra, ang pagiging kritiko sa mismong mga akda, at ang matalas na magmamasid sa mga sariling karanasan. Sa ganitong paraan, mahuhubog ng manunulat ang kanyang panlasa, tatalas o mahahasa pati kanyang damdamin, at iigting ang ibang pagtingin sa mundo. Wika nga ng manunulat na si Henry James, kinakailangan na tingnan ang mundo apatnaput limang beses na mas maigting kaysa sa karaniwang pagtingin dito.

Pagiging Orihinal na Mangangatha: Kung nais maging seryoso na manunulat ng katha, dapat ang pagiging orihinal sa sariling estilo. Kaya lamang, dapat rin tandaan na hindi tayo nagsusulat dahil lamang dito (style for styles sake). Umuusbong ang estilo sa ating pagsisikap na malaman ang sariling kakayahan. Mamamalas ito sa mga mismong salita na ating ginagamit, ang paraan kung paano ito sinasabi sa katha, at ang mensahe na nais ipaalam sa mambabasa. Hindi simple ang gawing ito bagamat sa pagiging simple makakamtan ang kagustuhang maging orihinal. Halimbawa na lang sa pagkatha ng isang karakter. Kadalasan, hindi natin maialis ang sarili sa karakter na kinakatha. Kung baga, hindi makawala ang mga sarili nating personalidad at ugali sa pinakikita ng isang karakter. Totoong may kaugnayan kalimitan ang tauhan sa ating sarili; kaya lamang, at sa ganitong lagay, pihit at pilit pa ang ikinakatha. Sa simpleng pagbanggit, wala pang sariling buhay ang karakter. Hindi pa ito makaalpas sa anino na idinidikta ng tinta ng mga sariling pluma. Malaki ang implikasyon nito sa usapin ng pagkatha. Ang unang-una dito, hindi magiging makatotohanan ang kuwento, at isa pa, magiging sanaysay ito at hindi isang maikling kuwento o nobela. Kung minsan naman, nagiging tula ang katha (poetiko) kung paanong nagiging katha rin naman ang tula (mala-prosa). Ang pagiging simple sa pagkatha ang isa sa mga unang dapat matutunan sa paggawa ng kwento. Ang mga unang hakbang sa paggawa ng kuwento ay hindi mismo mga hakbang; bagkus, kinakailangang alalayan ang sarili bago humakbang. Dahil baka tumakbo na ang katha nang hindi pa ito lubusang handa. Baka tumalon na ang bida bago pa man ito maglakad at maging malumanay. Hindi dapat radikal agad ang mga bagito. Ang dapat, mabatid muna nila ang tradisyon at hindi laging paglaya sa wika ang nais. Sa lagay na ito, kinakailangan ang malawakang pagbabasa at pagsasanay. Trabaho ang pagsusulat. At ang ulit-ulit, ulit-ulit na pagsusulat ang siyang tunay na magtuturo sa iyo. Sumunod, kailangan muna ng mahusay munang estratehiya. Sabi nga ni Sicat, istatika ang estetika (aethetics is statistics). Kalkulado ang mga salitang dapat isunusulat. Kung igigiit ang salita ng wala sa dapat na lugar, siguradong magiging propaganda lamang ito at may bahid ng malabo pang ideolohiya. Tulad ng anumang prutas, nahihinog ang sariling estilo sa tamang panahon. At huwag kang mabibigla, na isang araw, nangagsilaglag na ang mga prutas na nakamit mo sa dahan-dahan mong pagtitiyagang matuto sa pagkatha. Ang mismong pagtitiyaga ang iyong magiging estilo.

Bibliograpiya Sicat, Rogelio. (1992). Sa Pagsulat sa Pagsalunga. Pasig City: Anvil Publishing. Inc. ___________.(1992). Bukal at Disenyo ng Sa Lupa ng Sariling Bayan sa Pagsalunga. Pasig City:Anvil Publishing. Inc. ___________. (1992).May Isang Sagala sa Pagsalunga. Pasig City: Anvil Publishing. Inc. ___________. (1992). Ama sa Pagsalunga. Pasig City: Anvil Publishing. Inc. 1992. Hemingway, Ernest. (1997). Hills Like White Elephants sa Men Without Women. New York:Sribners Sons. Meyers, Jeffrey. Hemingway: A Biography. New York: De Capo Press. 1985.

You might also like