Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang mga ibong mandaragit

Summary per page. ( *Note that I made this based on my understanding on the story. So its best to read the story first then read the summary later. There might be some errors so just change it if you think that I made a mistake. ) *Nag tag-lish ako sa ibang parts para mas lalong maintindihan ng iba. Kabanata 1 Par 1: Nagsisimula ang kwento sa sa pagsasalaysay ng mga kaganapan sa nangangalahating taon ng 1944. Ikwinekwento ng talata ang unti-unting paghina ng Imperyong Hapon sa Pilipinas. Bawat araw ay patuloy na lumalaban ang mga Pilipino sa mga mananakop at pilit na ayaw tulungan ang mga mananakop. Kumbaga ayaw nilang manglaglag sa mga kapwa Pilipino at kinasusuklaman nila ang mga Hapon. Ngunit walang kagamitan ang mga Pilipino guerilya, at kahit na mas marami na ang mga Pilipino kaysa mga Hapon. No match parin sila kasi armado at well equipped ang mga Hapon. Par 2: Hindi natupad ang mga pangako ni Gen. MacArthur at P. Roosevelt na susuportahan nila ang Pilipinas at lalaban sila laban sa mananakop dahil resposibilidad nila tayo. Sumasalakay nga ang EU, pero mga kakaunting air-strike lang ang pinapadala. Pero hindi parin sumuko ang Pilipinas, at hindi nawalan ng pag-asa. Kaya ng bumagsak ang Korehidor at Bataan, nagkalat ang pagtatanggol ng Pilipino sa mga lugar mula sa mga mananakop. Par 3: Hapon ng Septiembre 1944. Isinalaysay ang pagdating ng tatlong lalaki sa isang kubo at ang itsura ng isang kubo na nasa paanan ng bundok. At tila nag blend-in na yung kubo sa paligid niya dahil sa pagka posisyon ng araw. Itinukoy din na parang malaking pugad ang kubo. Tanaw mula sa posisyon ng kubo ang Pacific Ocean. Par 4: Labas-pasok na nagpapakita lamang ang araw sa mag hapon na iyon. Bago tumanghali hanggang hapon naglalakad n gang tatlong lalaki sa gubat. Pagod na pagod,

basa sa pawis, at may mga sugat sila dahil sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tinik-tinik, sa mga bato, at sa mga limatik. Par 5-15: Basically, nangyari tinawag nina Mando si tata Matyas, at sa ikalawang tawag, sumagot si Tata. Tapos kusang pumasok si Mando ng sinabi niya na kaibigan sila. At pwede rin natin ma-infer na magkakilala si Tata matyas at si Mando. Tapos si Tata Matyas ay hindi agad nakasagot kasi Malabo nga mata niya. Kaya hindi niya na base ang pagkakilala kay Mando sa mukha pero sa boses nito. Kaya tumayo si Mando sa harap Tata Matyas para maipakita ang sarili. Mapapansin na si Mando ay sadyang BATAK, kahit na pagod sa paglalakbay. Mapapansin din ang grabeng kayumangging balat ni Mando dahil sa pagkabilad sa araw pati ang balbas niya na halatang ilang araw ng hindi na ahit. Apat na buwan nang hindi nagkikita si Mando at Tata Matyas, at pinakilala niya rin ang dalawa pa niyang batak na kaibigan, na si Karyo at Martin na kapwa niyang gerilya. Si Karyo ay tagabukid at si Martin ay halatang hindi tagalog. Malugod naman silang tinaggap ni Tata Matyas. Par 16: Pumasok at tatlo at halatang walang dekorasyon ang bahay. Naka-slouch naman ang upo ng tatlo habang nasa loob. Nagsindi ng ilawang langis si Tata Matyas bago pumasok at isinabit ito sa loob. Sa loob ng kubo makikita ang picture ni Rizal at ni Andres Bonifacio. Par 17-20: I-kwekwento ni Mando ang pangyayari sa kanila at kung papaano sinalakay nga mga Hapon ang Sampitan. Binigla daw sila ng pagsalakay ng mga Hapon. Par 21: Isinasaad ng talata na ang Sampitan ay isang fortress na humaharang sa Infanta. Sa Infanta, basically dun yung meeting point ng Allied forces at ng mga Gerilya, para magbigay yung AF ng supplies para sa giyera sa mga Gerilya. So yung mga Hapon, sumalakay sila para pasukin yung Infanta para matigil na yung mga supplies na pinapadala ng mga Allied Forces sa mga Gerilya. Par 22: Patuloy na isinalaysay ni Mando ang mga pangyayari. Talagang kulang na ang mga tauhan nila at ang mga armas nila.

Par 23: Bumalik ang pangyayari sa Sampitan. Nakipagpalit ng putukan si Mando. Pero naubusan siya ng bala. Kaya nag retreat nalang siya kaysa magpakamatay. Gayun din ang ginawa ni Karyo at Martin, na nakasalubong ni Mando sa gubat. Par 24: So sinalaysay ni Mando na nakita niya yung mga iba niyang kasamahan na sasakay sa dalawang bangka na de motor. So magr-retreat din dapat yung mga kasama niya. Pero hindi pa nga sila nakakalayo pinaulanan na sila ng bala. Kaya maraming namatay, yung iba naman sumisid nalang sa dagat. Di tiyak si Mando kung anong nangyari sa iba niyang kasama. Par 25: Dahil sa pagbuhos ng ulan, hindi na sila sinundan ng mga hapones. Mahirap ang sinapit ng tatlo sa kanilang paglalakbay. Nagkasugatsugat sila sa gubat at si Mando ang nanguna sa kanila. Par 26-35: Alam ni Tata Matyas na gutom na gutom na ang mga ito, at alam niya ring bihira para sa isang gerilya na makakain ng araw-araw o sa mag hapon. Kayat inalok niya itong kumain. Ang ulam ay talakitok at may handa ng sinaing. Par 36: Maliit lang ang kubo at nahahati ito sa dalawang portions. Ang kusina at ang kabahayan mismo. Nahahati ito ng dingding na gawa sa mga dahon ng Anahaw. Par 37: Isinasalaysay ditto ang kubo. Ang foundation ng bahay ay ang sampung kahoy na pinutol gamit ay palakol at nilinis gamit ang itak. Ang bubungan naman ay tinatakpan ng mga dried leaves. At ang kusina ay may sahig na gawa sa punong kahoy. Ang bahay naman mismo ay may sahig na gawa sa kawayan. Par 38: Ginawa ni tata Matyas ang kubo ilang taon na ang lumipas. Bago sumiklab ang WW2. Mga ilang taong nakalipas bumaba ito sa baryo at binigyan ng mga pangangailangan ang mga taga-nayon.

Par 39: Madalas nagkakaroon ng mga bisita ang kubo, lalo na sa panahon ng digmaan. Kapag napupuno ng mga kaaway ang lansangan sa gubat ang pinaka magandang lagusan ay ang gubat. Par 40: Ang dampa ni tata Matyas ay nagiging taguan ng mga gerilya na hinahanting ng mga batas. Nagpapahinga sila roon kung kalian sila naaayon at pinapakain naman sila ng matanda. Kahit huling gatong nalang ng kanin niya ay ibibigay niya rito. Bukas ang pinto niya sa lahat ng mga ito at napakabait ng matanda sa kanila. Kahit na walang maabuloy ang mga ito sa matanda ay ok lang para sa matanda. Kung wala namang bigas ang matanda ay may mga kamoteng kahoy naman na pwedeng maluto. Par 41: Ikwinento dito ang maikling kasaysayan sa buhay ni tata Matyas. Si Mando ay unang bumisita noong isang taon samantalang paakyat siya sa Sierra Madre. Iilan silang magkasama noon at may kasama na guide. Ayon sa guide, ang matanda ay isang rebolusyonaryo. Nakalaban niya ang mga Espanyol, at ang EU. Ngunit ng magkalat ang usapin na lalayaa ang bansa sa ilalim ng EU. Nagsisuko ang karamihan sa mga pinuno at si tata Matyas ay nagpaiwan sa paanan ng budok. Nawala lang siya ng bigla sa maraming taon, at halos nalimot na siya ng mga tao at ang mga nasa kaangyarihan. Pero ng may mga nagpapaligaw sa Sierra Madre, sinasabi nilang buhay pa si Tata Matyas. Par 42: Ang 2nd at 3rd na pagkikita ni Mando at Tata Matyas ay pagitan lang ng ilang araw. Sa kanilang huling pagkikita nagkwentuhan sila at nagging malapit sa isat isa dahil mag-isa lang pumunta si Mando rito. Nagusap sila tungkol sa mga iba-iba suliranin sa bayan. Ikwinento rin ni Mando ang naging buhay niya. Siya ay ulila sa magulang at nanilbihan sa isang mayaman na pamilya sa maynila. Ngunit ng dumating ang mga Hapon, ibinigay siya ng amo niya sa mga ito, ngunit si Mando ay piniling sumanib nalang sa mga gerilya. Par 43-46: Nagpatuloy ang paguusap ni Tata Matyas at ni Mando. Napunta ang usapan sa pagkakagusto ni Tata Matyas na maibalik ang kaniyang kabataan. Kung siya raw ay bata pa, siya mismo ang gagawa ng solusyon sa mga problema at hindi

na aasa sa mga simpasitador (mga naturang pinuno sa bayan). Ngunit sa edad niya ngayon, maibibigay nalaman niya ang kaniyang bahay upang gawing taguan ng mga gerilya. Sinabi rin ni Tata Matyas na ugali na ng mga tao na kumampi sa mga nananalo na at magbibigay lamang kung may kapalit. Par 47-49: Tinanong ni Mando kung ano ang gagawin ni Tata Matyas kung siyay kasing edad lamang sila. At ginawa ni Tata Matyas ay tumingin sa isang lalagyan na gawa sa kahoy. Laman ng kahoy ay mga libro, mga liham, isan balisong, at isang gulok. Par 50-54: Pinili ni Tata Matyas ang librong El Fili. At binigkas ng malakas ang title ng libro ng makita ni Mando. Alam na alam naman ni Tata Matyas ang taon at kung saan isinulat ang libro. Nasa libro dawn a iyon ang gagawin niya kapag nasa edad siya ni Mando at tinanong niya ang edad nito. Sagot ni Mando ay 24, nagulat si tata Matyas dahil mas bata pa si Mando ng sumama si Tata Matyas sa Rebolusyon. Par 55-61: Tinanong ni Tata Matyas kung nabasa na niya ang libro. Nabasa nga ni Mando ito, pati na rin ang Noli. Alam na alam naman ni Tata Matyas ang taon at kung saan isinulat ang libro. Namangha naman si Mando sa kaalaman ni Tata Matyas. Tanong naman ni Tata Matyas kay Mando kung ano ang nabasa niya sa dalawang libro na iyon. Totoo naman nabasa ito ni Mando at alam niya ang sinasabi ng libro at ang mga ginampanan ng mga tauhan. Caught of guard lang siya ni Tata Matyas sa question na yun, kasi naramdaman niya na parang nasa iskwelahan ulit siya at tinanong siya ng maestro niya sa isang leksiyon na di niya pinaghandaan. Pero di siya nagpahalata. Par 62-68: Sinabi ni Mando ang kanyang nalalaman sa libro, kung gaano ka mangmang ang mga tao at kung gaano kalupit ang mga pinuno noong panahon ni Rizal. At dali-dali naming pinuri ni Tata Matyas sa pagkakaalam ni Mando sa storya. Tinanong naman ni Tata Matyas si Mando kung naaalala pa niya si Simoun. Sinabi ni Mando na siya si Ibarra sa Noli at naging si Simoun sa El Fili. Sinabi niya rin na sa El Fili, nagpakilala si Simoun bilang isang mayaman at may kayamanan si Simoun na nakalagay sa isang chest.

Pinatigil sa pagsasalita ni Tata Matyas si Mando matapos nito naghanap ng pahina sa libro at pinabasa kay Mando. Sinabi ni Tata Matyas, Narito si Simoun. Par 69: (Dapat nabasa niyo nato sa book) Sinasalaysay lang ulit dito ang pinagdaanan ni Simoun at kung papaano niyanakilala ang Kapitan Heneral. At kung papaano siya yumaman. Par 70: (Ito rin dapat nabasa niyo na) Sinasabi lang dito kung paano gustong wasakin ni Simoun ang gobyerno. Kayat gusto niyang maghimagsik ang mga tao at gagalitin niya ang mga ito upang sila ay maghimagsik. Par 71-73: Halos natuyuan ng laway sa kakabasa si Mando. Nabigo daw si Simoun sa kanyang balak ayon kay Padre Florentino. Dahil hindi nabubura ng isang mali ang isa pa. Hindi rin handa ang bayan para sa isang rebolusyon, ayon ito kay Tata Matyas. Dahil sa pangaabuso ng maykapangyarihan sa nasasakupan, ito ang nagpapagising sa mga mamamayan na lumaban. Gaya nalang nang makipaglaban ang mga Pilipino sa Espanyol. Ganito rin ang mangyayari sa mga Hapon, ito naman ay ayon kay Mando. Par 74-79: Sumang-ayon naman si Tata Matyas sa kasabihan ng binata, pero nagpahiwatig din ng kanyang parte. Magiging susi sa pagbabago ay ang hindi pagulit ng pagkakamali at ang pag-asa ay ang kabataan, ito ay ayon kay Tata Matyas. Napunta naman ang usapan sa kayamanan ni Simoun na itinapon sa dagat. Sinabi ni Tata Matyas na nariyan lamang ang kayamanan sa Pacific Ocean. Napaisip naman ang binata at inakalang ang kayamanan ni Simoun ay gawa-gawa lang, galing sa imagination ni Rizal. Ngumiti ang matanda at sinabi na totoo ang mga sinulat ni Rizal. Kapwa historikong nangyari ang El Fili at Noli at ang mga karakter ay hindi imahinasyon lamang. Sila ay hindi pinangalanan ni Rizal sa totoo nilang pangalan ngunit sila talaga ay totoo.

Par 80: Naniwala naman si Mando sa kasabihan ng matanda, agad-agad. Naniwala si Mando dahil sa isip niya, totoo nga ito dahil kung hindi, bakit naman magagalit sa kaniya ang mga kaaway niya. Na parang sinasabi na rin ang mga kaaway niya ang nasa istorya mismo. Ganito daw ang nangyayari sa mga bayan na napasailalim ng iba. Ang mga istorya na totoo gaya nalang ng gawa ni Rizal ay kinakalimutan, para walang maalaala ang bayan dahil na nga ito ay totoo daw. Gaya nalang ng legend ni Bernardo Carpio, Mariang, at Makiling, na kinalimutan na dahil ito daw ay totoo. Pero may iilan na nakakaalam sa istorya nina Lapulapu, Soliman, Diego Silang, atbp. (kung iisipin niyo parang sinasabi na ang mga alamat na nakalilimutan ng bayan ay talagang totoong pero hindi naman talaga. Tapos ang mga totoong nangyari gaya ng kay Lapulapu ay parang sinasabi naring kathang-isip lang.) *yan yung dating sa akin.

Par 81: Tumpak daw ang sagot ni Mando ayon kay Tata Matyas, nakikita daw ng kabataan ngayon ang nakita nung una ng mga matatanda. *BASAHIN NIYO TO PARA SUPER GETS NIYO. TANDAAN NIYO NA AYON ITO SA PAGIISIP NI TATA MATYAS, SI MANDO NAMAN AY CONFUSED PA KONTI.* (Kasi diba, yung mga nangyayari dati sa gov. ng Espanyol nakalagay lahat sa El Fili pati Noli. Edi tama lahat yun, kasi nangyari sa kasaysayan eh. Kaya naisip ni Tata Matyas na tama lahat ng sinabi ni Rizal kasama na dito yung tungkol sa kayamanan ni Simoun. Eh pinatunayan pa ito dahil sa mga nangyari sa panahon ng mga Amerikano at sa Hapon, na naging mananakop sila tapos kumuha silang pera etc. Tapos sinabi na ang mga salaping pilak ng commonwealth ay tinapon sa Manila Bay bago iwan ang Maynila sa Hapon. Pati ang pagiisip ni YamaSHITa na iligpit ang lahat ng kayamanan nila mula sa Pilipinas. Sinabi pa na PROPETA daw si Rizal, ayon kay Tata Matyas dahil lahat ng itoy nangyayari ngayon at parang nagkakatulad sa mga libro niya. Kaya talaga nagpatunay na totoo talaga ang kayamanan ni Simoun.) *IMPORTANTE TO AH.

Par 82-91: Pinagmasdan ni Mando ang matanda sa pagiisip nito, baka dahil sa edad niyang 70 ay nagiging ulian o makakalimutin Ngunit wala itong makita. Ang matanda ay matalino sa kanyang pagsasalita. Kung si Tata Matyas naman daw ay kasing edad niya ay sisisirin na niya ang kayamanan ni Simoun. Tinanong naman ni Mando kung naniniwala ba talaga ang matanda na itinapon ng isang pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat? Par 92: Hindi isang prayleng banyaga si Florentino, ngunit siya ay isang Pilipinong pari. Kilala daw si padre F ng kaniyang lolo dati. Ikwinekwento ng kanyang ama sa kanya ang ikwinento ng kayang lolo tungkol sa kaganapan bago mangyari ang gulo sa Kabite. Par 93: Si Padre Florentino daw ay anak ng mayaman at kilala sa Maynila. Nais lang sana niya na magpakasal sa kaniyang magandang kasintahan. Ngunit dahil sa pagsasabi ng kaniyang ina sa arsobispo na ang anak niya ay magiging pari. Si Padre Florentino nga ay naging pari at iginalang ng lahat. Nagpasyang lumipat sa bahay kung saan sa bahay na ito namatay si Simoun. Lumipat siya rito upang makaiwas sa mga Pilipinong pari na binibintanggan dahil sa pangyayari sa Kabite. Si Padre Florentino namay hindi talaga matakaw sa salapi. Par 94-98: Inamin ni Mando na idol niya si Elias at si Simoun at nalulungkot siyang isipin na puro pagkakamali ang mga salaysay sa kanila tulad nalang ni Raha Soliman at iba pang bayani ng sinauna. *(Parang sinasabi lang dito na dahil nga sa mga salaysay ng mga konkistator, hindi na ang totoong kaganapan tungkol sa mga tauhan ang sinasabi nila. Patunay nalang yung kay Padre Florentino.) Its hard to get, but youll get it.* Gusto lang daw ng mga konkistator na pawiin ang mga alaala at bakas ng mga magigiting anak ng bayan. At gusto lang nila na mabuo ang mga kaisipang alipin sa mga tao. Kaya nangako si Mando na hahanapin niya ang kayamanan ni Tata Matyas. Pag-aaralan niya muna at paghahandaan ang pagsisid sa mga ito. Kailangan niya ng mga dagdagkaalaman bago niya ito gawin. Kaya nagtapos ang flashback at bumalik ang mga

ito sa isip ni Tata Matyas at Mando na parang kahapon lang ito nangyari pero 4 buwan na ang nakakalipas.

You might also like