Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ano ang Bacterial Blight? Ang bacterial blight (BB) ay sakit ng halamang palay na nakaaapekto sa punla at magulang na halaman.

Kapag nalalanta ang punla dahil sa BB, ito ay tinatawag na kresek at kung ito naman ay nangyayari sa dahon, ito ay tinatawag na bacterial leaf blight (BLB). Ang mga apektadong halamang palay ay nababawasan ang leaf area o lapad ng dahon, at maaaring bumaba ang kalidad at bilang ng mga butil na naibubunga nito. Sa punla, bumibilot at nagkukulay na berdeng abuhin ang mga dahong apektado nito. 1)

Paano Kontrolin ang Bacterial Blight? Paliitin ang pagkakataon ng halaman na maapektuhan ng impeksyon Gumamit ng mga resistant varieties o barayti ng palay na matatag laban sa BB - ito ang pinaka-epektibong paraan ng pagpigil sa sakit. Balanseng pag-aplay ng abono - Ang BB ay mas lumalala kung sobra ang paglagay ng nitroheno sa pananim na palay. Maglagay lamang ng nararapat sa pangangailangan ng halaman lalo na ang nitroheno.

2)

Paliitin ang pagkakataon ng pagkasira ng punla at paglaganap ng sakit Ang impeksyon ng punla ay nagsisimula sa mga sugat at mga bahagi ng halaman na may pinsala. Ang hindi maingat na paghawak sa halaman o ang malakas na hangin at ulan ay maaaring magdulot ng pinsala. Ang sakit ay lumalaganap sa pamamagitan ng direktang pagdikit ng bakterya at mula sa tubig.

BLB (kaliwa); Kresek (kanan) Habang lumalala ang impeksyon na dulot ng BB, ang mga dahon ay naninilaw hanggang sa mamatay ang buong punla. Ang mga apektadong punla ay maaaring magpakita ng kresek (pagkalanta ng punla) na halos tulad ng maagang pinsala ng stem borer o aksip sa palay. Sa magulang na halaman, ang hiwa o sugat ay karaniwang nagsisimula bilang manilaw-nilaw na mga pinong guhit sa gilid o dulo ng dahon. Mayroong bakterya na itsurang maputi at malabong likido ang lumalabas sa murang sugat o hiwa tuwing umaga. Ang mga sugat o hiwa ay nagiging kulay dilaw hanggang sa maputi at ang mga dahong matindi ang impeksyon ay mabilis na namamatay. Sa bandang huli, ang mga sugat o hiwang ay nagiging kulay abo sa pagsibol ng ibat ibang saprophytic fungi o mga punggus na nakakakuha ng kanilang pagkain sa pamamagitan ng pagsipsip ng mga organikong bagay. Ang mga uhay ay nagiging baog at walang laman ngunit hindi nababansot ang halamang palay kahit sa malalang kondisyon. Ang BLB ay dulot ng grupo ng bakteryang Xanthomonas oryzae pv. oryzae. Ang mataas na temperatura at halumigmig, maulan na panahon, at sobrang paglagay ng patabang nitroheno ay mga kondisyong nagibibgay daan sa pagkakaroon ng halamang palay at paglaganap ng BB. Bakit Kailangang Kontrolin ang Bacterial Blight? Ang BB ay isa sa pangunahing sakit ng halamang palay. Ito pangkaraniwan sa mga bansang tropikal at nasa temperate region at sa mga palayang may patubig at sahod-ulan. Sa mga palayang naapektuhan ng matindi, ang nawawalang ani ay mula anim hanggang animnaput porsyento (6-60%). 3) Paliitin ang pagkakataon ng pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng: Maingat na paghawak sa punla sa paglilipat-tanim Pagpapanatiling mababaw ang tubig sa pabinhian Paglalagay ng maayos na kanal sa panahon ng matinding pagbaha

4)

Pauntiin ang inoculum (bagay na ginagamit sa paglagay ng organismo sa ibang organismo) Ang apektadong pinaggapasan ng pananim at damo ay pinagmumulan ng inokulum. Panatilihing malinis ang palayan tanggalin ang mga damo, apektadong dayami at ratun o sangang-buko (na maaaring pagmulan ng inokulum) Patuyuin ang palayan hayaang matuyo ang bukid o palayan na walang pananim upang mamatay ang bakterya na maaaring nabuhay sa lupa at tirang halaman.

Pinagkuhanan ng Impormasyon International Rice Research Institute. (September 6, 2004). Bacterial Blight. Retrieved January 11, 2009, from http://www.knowledgebank.irri.org/factsheets/default.htm Isinalin sa Filipino ni Maria Angela A. Malihan, SRS II, PhilRice Los Baos

Para sa karagdagang impormasyon at sa iba nyo pang katanungan, maaring mag-register at mag-text sa Farmers Text Center. I-type lang ang REG <pangalan> <edad> <tirahan> <trabaho> sa 0920-911-1398.

You might also like