Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ BARANGAY DAGOTDOTAN

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

SINIPI MULA SA KATITIKAN NG REGULAR NA PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG DAGOTDOTAN, SAN LORENZO RUIZ, CAMARINES NORTE NA GINANAP SA BARANGAY SESSION HALL NOONG IKA-20 NG SETYEMBRE, 2011 SA GANAP NA IKA-1:00 NG HAPON.

MGA DUMALO: Kag. MICHAEL A. URI Kag. JUMAR S. YARTE Kag. REBECCA A. VILLAMORA Kag. JOEL R. AVELLANA Kag. MELCHOR P. RADA Kag. IMELDA M. PAWAY Kag. TITO A. ROCABO Kag. BONIFACIO M. PIMENTEL Kag. ROMY A. AUXILIO LIBAN: WALA KAPASYAHAN BLG. 16 2011 PBarangay/Tagapangulo Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad Barangay Kagawad SK Pangulo/Ex Officio Member

KAPASYAHANG ISAAYOS AT ISAILALIM SA REHABILITASYON ANG FLOORING AT LAGYAN NG KISAME ANG BUBUNGAN NG BARANGAY STAGE.
Sapagkat, kapansin-pansin ang unti-unting pagkasira at paglubog nito at sobrang alinsangan kung may pagtitipon sa barangay na gamit ang naturang pasilidad lalong-lalo na kung matindi ang sikat ng araw. Sapagkat, dahil sa mga puno ng saging na isinama sa inilagay na mga materyales na pampataas ng flooring, itoy nabulok na kaya lumulubog at nababasag na ang flooring nito. Sapagkat, lubhang kailangan ang barangay stage lalong-lalo na kung may mga pagtitipong may tanghalan kaya nangangailangan ito ng agarang pagsasaayos. At dahil dito, pagkatapos ng paglalahad, palitan ng kuro-kuro at masusing pag-aaral. Sa mungkahi ni, Kagawad Jumar S. Yarte, nangungulo sa komitibang proyektong pang-inspraktura ng sangguniang barangay at pinangalawahan ni Kagawad Joel R. Avellana. Kung kayat, sinang-ayunan ng lahat.

Pinagpasiyahan at pinagkaisahan ng sangguniang barangay ng dagotdotan, san lorenzo ruiz, camarines norte ang kapasyahang isaayos at isailalim sa rehabilitasyon ang flooring at lagyan ng kisame ang bubungan ng barangay stage. Napagpasyahan din, bigyang sipi ang tanggapan ng municipal engineer para sa kanilang kaalaman at kaukulang aksyon hinggil dito.

Pinatutunayang wasto, Ang Kapasyahan Blg. 16-2011

MARICRIS A. MOLINA Brgy. Kalihim

Pinatotohanan MICHAEL A. URI Punong Barangay

You might also like