Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Narrator: Nagumpisa ang kwentong ito sa isang napakagandang araw. Tahimik ang buong kaharian ng Berbanya.

Ang lahat ng tao ay masaya. Lahat ay nagbubunyi at nagpapasalamat dahil mayroon silang napakabait at napakagaling na hari, si Haring Fernando. Siya at ang kanyang kabiyak na si Reyna Valeriana ay may tatlong bungang binata na hindi lamang makikisig, magigilas pa. Sila ay ang tinaguriang mga lakas ng reyno. Ang panganay na si Don Pedrong may tindig na pagkainam ay sinundan ni Don Diegong malumanay. At ang bunsoy si Don Juan na napakakisig din ngunit sadyang malambot ang puso. Sa araw na ito ay ipinatawag ng hari ang kanyang mga anak upang tanungin ng isang napakahalagang katanungan. (TOROTOT SFX) Alipin 1: Mahal na hari at reyna, narito na po ang mga mahal na prinsipe. Hari: Papasukin sila. (Papasok ang tatlong prinsipe) Pedro: Kamahalan, ano po ang dahilan at kami ay iyong ipinatawag? Hari: Sa araw na ito, ay nakatakda kayong gumawa ng isang mahalagang desisyon. (Pause) Kayo ay mapapalad sapagkat angkin ninyo ang aking ngalan. Yamang panahon na, kayong tatlo ay tumalaga, mamili kayo sa dalawa, magpari o magkorona? (3 prinsipe nagtinginan at tumango sa isat isa) Pedro: Aking napili mahal kong ama,maghari ng korona. Diego: Maging ako kamahalan. Nais ko pong ipagpatuloy ang iyo pong nasimulan at ipinapangako ko pong ito ay aking pagbubutihin. Juan: Sumasang-ayon po ako kay Pedro at Diego, kamahalan. Nais ko rin pong paglingkuran ang abang bayan. Narrator: Natuwa naman si Haring Fernando sa pasya ng mga abang bunga. Inasahan nyang siya ay matatahimik na dahil dito. Kaya ganoon na lamang ang gulat nya ng isang gabi siya ay magising dahil sa isang masamang panaginip. Di umanoy si Don Juan ay pinatay ng dalawa nitong kapatid at inihulog sa isang balong lubhang matarok.Sa sobrang kalumbayan ay hindi na ito muling nakatulog pa. Humina itong kumain at madalas na naririnig magbuntung hininga. Nangayayat ang kanyang kamahalan at hindi nagtagal ito ay naratay. Nagpatawag sila ng mediko upang matunton ang sakit at di nagtagal ay nalaman na nga nila ang sakit ng hari. Mangagamot: Ang sakit mo po mahal na hari ay dahil sa sobrang kalumbayan dahil sa napanaginipan. Mabigat man at maselan, huwag po kayong mag-alala sapagkat ditoy may mabisang kagamutan. Sa isang kabundukan, Tabor ang pangalan, ay may nananahan na ibon, Adarna ang ngalan. Pag narinig mong kumanta ay tiyak na gagaling ang iyong karamdaman, kamahalan. Pedro: Amang hari, dahil sa ako ang panganay hayaan nyo po sanang ako ang humuli sa sinasabing ibong adarna. Hari: Sige Pedro, bastat ingatan mo ang iyong sarili. Humayo ka at taglayin mo ang aking basbas para sa iyong paglalakbay. Sana ay maging matagumpay ka. Narrator: At sa utos na rin ng amang hari, ay iginayak niya ang kanyang sarili upang maglakbay. Kasama ang kabayo at ilang kagamitan syay nagtungo sa kabundukan. Mahigit tatlong buwan din nyang binagtas ang kaparangan. At isang araw habang syay naglalakbay, ay may nakita syang mataas na pasalunga. Itoy kanyang tinahak ngunit sa kasamaang palad, ng sumapit siya sa ibabaw ay namatay ang kanyang kabayo. Walang nagawa ang prinsipe kundi maglakad na lamang. Ganoon na lamang ang tuwa nya ng matanaw nya ang isang punong-kahoy na may namumukod tanging dahon.

Pedro: Napakagandang kapaligiran. Tamang-tama para sa isang pahingahan. ( ikot-ikot ng onti) Sandali lamang, hindi kayay dito na naninirahan ang ibong adarnang aking pakay? Narrator: Kaya naman ay ganoon na lamang ang pag-iingat ni Don Pedro na kahit nagpapahinga ay sadyang alerto pa rin. Kaonting kaluskos lamang ay tumitingala na syat baka di nya napansing ito na pala ang ibong adarna. Habang naghihintay ay inaliw na lamang nya ang sarili sa pagtingin sa mga dahon sa puno na habang tumatagal ay lalong kumikintab. Ngunit sa dami ng ibong nakita ay wala ni isang dumapo sa napakagandang puno.

You might also like